Chapter 7

449 85 16
                                    








Chapter 7: Ang susi ng tagumpay

Nagtipon-tipon ang tatlong bata na tila may mahalagang pinag-uusapan. Nililingon ni Atlas sina Sahara at Izalem. "May naisip akong plano, pero kailangan ko munang pigilan ang mga Mind Eye ni Sir Atom upang hindi niya mabasa ang naiisip kong mga plano..." tugon niya.

Agad na naglabas ng mga tubig si Atlas sa kaniyang mga kamay at inilahad niya ang mga ito sa mga ulo nila, kaya ngayon ay napapalibutan na ng mga tubig ang ulo nilang tatlo. Ang pagpapalibot ng mga tubig sa ulo ay nakakatulong upang hindi magawang basahin ng sino mang may kakayahan sa Mind Eye ang laman ng isip.

Seryoso namang nakamasid si Atom sa kanila at hindi na niya sinubukan pang gamitin ang Mind Eye dahil alam niyang hindi ito iipekto.

Mukhang nakukuha na nila ang mahalagang matotonan sa pag-sasanay na ito, kaya hindi ko na kailangan pang galingan ang laban ko, sa isip ni Atom.



"Anong plano mo Atlas?" Tanong ni Sahara.

Ngumiti si Atlas. "Madali lang, pagtulongan natin siya...'yan lang ang tanging paraan para matalo natin siya at makuha ang susi..." sagot niya na napatango-tango pa na parang kampanting-kampanti siya sa plano niya.

Pariho namang napakunot-noo sina Sahara at Izalem. "Ano?! Lalabagin natin ang isang patakaran?!" Pagkagulat na tanong ni Sahara.

"Oo parang ganun na nga...pero diba ang magsabay-sabay lang ang pinagbabawalan niya, wala naman siyang sinabi na bawal tayong magtulongan, kaya 'yon ang gagawin natin, pagtulongan natin siya, pero hindi tayo magsabay-sabay ng atake..." tugon ni Atlas sa kaniyang pinaplano at natahimik naman sina Sahara at Izalem na naglilingonan pa.

"Sige, susubukan natin...pero kapag mapagalitan tayo, malalagot ka sa amin ni Sahara..." seryosong nagbabalala si Izalem at napalunok naman si Atlas dahil sa nakakatakot na tingin ng dalawa sa kaniya.

Pero mayamaya'y tinawanan lang siya ng dalawa. "Hahaha...biro lang...sumasang-ayon kami sa plano mo..." sambit ni Izalem at tumango naman si Sahara kaya napangiti na si Atlas.





Pagkatapos nilang mag-usap ay inalis na ni Atlas ang mga tubig na nakapalibot sa mga ulo nila at magkatabi-tabi na silang hinarap ang gurong si Atom. "Team Believe, tayo na!" Taas boses ni Atlas sabay iningat ang nakakuyom na kamao.

Agad na tumakbo si Izalem papalapit kay Atom at gamit ang mga kamay niya ay minanipula niya ang mga lupang nasa malapit ni Atom kaya nagkaroon ng mga pagyanig, at upang makaligtas ay tumatalon patalikod si Atom para makalipat ng pwesto.

Biglang naglaho si Sahara at agad siyang sumulpot sa nilipatang pwesto ni Atom at mabilis niya inilalahad ang mga kamay sa karagatan upang makakuha ng mga tubig at agad na hinahagis kay Atom, nakakaiwas naman si Atom pero walang tigil pa rin siyang hinahagisan ni Sahara.

Agad ng kumilos si Atlas, naglaho siya at pagkasulpot niya sa likod ni Atom ay may hawak-hawak na siya ng isang espada at ipinaikot-ikot niya muna ito ng mabilis bago itinapon ng pagkalakas kay Atom.

Napalingon si Atom at nanlaki ang mga mata niya nang makitang kung hindi pa siya iiwas ay tatama na talaga sa kaniya ang espada. Mabuti nalang ay agad siyang naglaho at nagpalayo ng kunti sa tatlo niyang studyante.

Pambihira, mukhang papatayin na nila ako, hinihingal na isip niya.




Ngunit wala paring takas si Atom sa tatlo niyang studyante. Gamit ang pagmanipula ng mga kamay ni Izalem ay umangat ang magkatabing lupa mula sa kinatatayoan ni Atom, at iiwas sana si Atom ngunit huli na   ang lahat, nagawa ng ipitin ng dalawang malaking lupa ang mga paa niya.

Atlas Volume 1 [The God Shadow]Where stories live. Discover now