Chapter 17

289 56 0
                                    





Chapter 17: Labanan ng dalawang mag-kaibigan


Sumulpot ang Team Believe sa kalsadang may mga ordinaryong Atlans ang naglalakad at namimili sa mga tindahang nagbukas. Inilabas ni Atlas ang Prime Compass at naka ilaw na ng berde ang palasong nasa itaas, ang tinatawag na Destination, dahil alam nitong may pinapahanap si Atlas.

Napapalingon naman ang ilang mga taong dumadaan dahil sa mala hiwagang taglay ng kumpas Prime Compass, dahil gawa ito sa mga tubig at habang nakalutang sa harap ni Atlas ay napapalibutan pa ito ng mga tubig.

"Destination, pwede mo bang ituro sa amin kung saan mahahanap ang mga naghari-harian rito sa Kauswagan na mga Lathor?" Patanong na utos ni Atlas.

Tumunog ng isang beses ang Destination at alam ni Atlas na ang ibig sabihin nito'y natukoy na ng Destination ang pinapahanap niya, pero hindi ito umikot sa ibang pwesto, kaya naman ibig sabihin nito'y ang matuwid na daan ang kanilang lalakarin.



Nilakad lang nila ang matuwid na daan. Mayamaya'y malayo na ang nilakad nila, malayo na sila sa pamilihan ng Kauswagan. Nandito sila sa napakatahimik na lugar na tanging mga kahoy ang nakapaligid at mabato ang mga daanan, at napakadilim pa dahil bukod sa gabi na ay wala ding mga nagsilbing ilaw dito.

Napahinto ang Team Believe dahil biglang nagbago ng pwesto ang Destination at itinuro nito ang nasa kaliwang banda, kaya napa tingin sila sa kaliwa ngunit nagsalubong lang ang mga kilay nila nang wala namang bahay na mahahanap dito, kaya dahan-dahan silang tumingin sa itaas.

Napanganga sila nang makita ang isang mala-mansyong bahay na nasa toktok ng malaki at may kataasang bundok, at biglang tumunog ang palasong Destination. "Mukhang 'yan na nga..." nakangusong pagturo ni Atlas.



Inalis na ni Atlas ang Prime Compass at sabay silang apat na naglaho. Sumulpot ang Team Believe sa isang malaking tarangkahan na ang kulay ay itim. Natuklasan nila na malawak naman pala itong toktok ng bundok, kaya naman naitayo dito ang malaking bahay na ito na tila isang mansyon.

Hindi nila maiwasang mapapanganga dahil sa kakaibang taglay ng mansyon na ito, na parang nakakakilabot pasukin dahil tila puno ito ng masasamang elemento, lalo pa't nakadilim sa labas. Nakita nila sa loob na may malaking bahay ang nasa gitna at may kulay itong itim at pula.

Narinig nila ang mga malalakas na tawanan mula sa loob ng bahay na ito, kaya natitiyak nilang nag sayahan ang mga ito. "Sige magsaya lang kayo, dahil ngayong gabi na ang huling araw ninyo dito sa mundo..." sambit ni Atlas.

Nilingon ni Atom ang tatlo niyang estudyante. "Handa na ba kayo?" Tanong niya.

"Kanina pa Sir Atom..." agad naman na sagot ni Atlas.




Sabay naglaho ang Team Believe at sumulpot ang tatlo na sina Atom, Sahara at Izalem sa gitna ng sahig habang magkadikit ang mga likod at ang mga kamao nila'y nakakuyom na halatang handang-handa sa laban. Nagsalubongan ang mga kilay ng Team Believe nang makitang nagkasayahan nga ang lahat ng narito, kumakain sa mga handaan at may mga nagsayawan.

"Nahuli ba kami sa sayahan ninyo?! Pero hindi kami naparito para makipagsayahan sa inyo, nandito kami para taposin kayo!" Galit ni Atom at gumulat ito sa lahat ng mga Lathor dahil hindi nila namalayan ang biglang pagdating ng Team Believe.

Atlas Volume 1 [The God Shadow]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon