Chapter 42

230 33 18
                                    






Chapter 42: Labanan ang Tribong Estrado

Walang mga malay, nakatali ang mga kamay at nakabitay sa mga sanga ng kahoy, ito ang kalagayan ng tatlong mga bata na sina Mariecris Polledo, Joseph Vegan at Lynn Yarra. Sa ibaba ay nakatanaw sa kanilang harapan ang nagtipon-tipong mga kalalakihan at kababaehan na pawang kayumanggi ang mga suot, at bawat isa sa kanila'y may hawak ng palaso. Sila ay ang tribong Estrado.

"Anong gagawin natin sa kanila, pinunong Golo?" Tanong ng isang babae sa lalaking nasa gitna nila na si Golo, ang nagsilbing pinuno nila.

Napangiti si Golo. "Gutom tayo ngayon, kaya papalampasin pa ba natin itong nahanap nating mga pagkain..." nakangiting sagot ni Golo at naglabas pa siya ng dila na parang naglalaway sa mga batang nakabitay.

Nang sabihin 'yon ni Golo ay nagtawanan ang lahat ng mga katribo niya at sabay-sabay nilang itinaas ang mga palasong hawak nila. 'Pagsisihan niyong pumunta kayo dito...' sa isip ni Golo.



Sa isang malawak na espasyo ng kalupaan ay makikita ang isang malaking pabilog na pangga na gawa ng mga tubig, kakayahan na Water Shield, at sa loob dito ay mga batang mag-aaral sa isang ordinaryong paaralan, upang maprotektahan sila.

Habang nasa labas naman ng Water Shield nakabantay sa kanila ang isa sa mga Trainee ng Atlan Academy na si August Mendez. Tahimik at kalmadong nakaupo si August. 'Dito lang ako at poprotektahan ko ang mga batang ito...dahil balang araw, magiging Protector din ako...' sa isip ni August habang nakatingin sa mga batang nasa harap niya pero nasa loob naman ng panangga.



Samantala, ang dalawa pang kasamahan nila na sina Adhana Makadatu at Hebreo Rio ay nagtatago sa mga puno ng kahoy upang palihim na makapagmasid sa mga bahay na gawa sa mga klase-klaseng kahoy, kawayan at maging mga dahon. Ito ang tabi-tabing mga bahay ng mga Estrado, ang mga tribo na umatake sa kanila ng mga palaso.

"Kung hindi ako nagkakamali, mga tribo sila..." sambit ni Adhana habang inilibot parin ang mga tingin sa paligid.

Napakunot-noo naman si Hebreo. "May natitira pa lang mga tribo ngayon...akala ko wala na..." saad naman niya.

Nilingon naman siya ni Adhana. "Marami pa Hebreo, marami...sa laki ba naman ng bansa natin, tiyak na kahit saang nayon, meron at merong mga tribo, kaya lang bihira lang sila makita dahil nga kadalasan sa kanila ay nakatira sa mga tagong lugar, gaya nitong kagubatan at bundok..." sagot ni Adhana at malaliman siyang nakipagtitigan kay Hebreo.

"At alam mo ba ang nakakatakot, kapag gutom na gutom na sila, kumakain sila ng tao, kaya kahit mga kasamahan pa nila yan, kakainin yan ng nagugutom na..." tila pananakot ni Adhana.

Ngunit napanganga lang si Adhana nang wala man lang siyang nakitang takot sa mukha ni Hebreo, seryosong nakipagtitigan parin ito sa kaniya. Kaya natahimik si Adhana at dahan-dahan na iniwas ang tingin kay Hebreo. 'Kaloka, akala ko matatakot ko siya, kasi kahit ako nong sinabihan ako na kumakain ng mga tao ang mga tribo ay natakot talaga ako, pero bakit siya  hindi...kaloka ka talaga Hebreo...' sa isip ni Adhana.





Mayamaya'y nanlaki ang mga mata ni Hebreo nang makitang nakasabit sa malaking kahoy ang tatlo nilang mga kasamahan na sina Mariecris, Joseph at Lynn. "Ayon sila..." sabay turo ni Hebreo kaya napatingin din si Adhana.

Nagsalubong ang mga kilay ni Adhana. "Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa kanila..." nangangalit na saad ni Adhana at agad siyang tumayo.

Atlas Volume 1 [The God Shadow]Where stories live. Discover now