Chapter 39

244 28 0
                                    







Chapter 39: Si Hamaro bilang si Jane

Sa loob ng isa sa mga malalaking mansyon dito sa nayon ng Naahan ay makikita ang isang mahaba't malaking lamisa na may dalagang nakaupo at kaharap niya ang iba pang mga kasamahan habang may mga pagkaing nakahain sa lamisa.

Ang dalaga na ito ay may angking ganda. Maputi't makinis, may katangkaran, mahaba ang itim na mga buhok, nakakabighani ang itim na mga mata, ilong at mga kilay, at puti ang mga kulay ng kasuotan niya. Kung titingnan ay buhay prinsesa ang dalagang ito.

Ngunit hindi, dahil hindi naman siya isang prinsesa, at higit sa lahat ay hindi siya totoong babae. Dahil isa siyang lalaki na nag-aanyong babae, siya ay si Hamaro Rizal na isang Fire Gifted kaya nagagawa niyang gayahin ang anyo o wangis ng iba. Ginawa ni Hamaro ang bagay na ito dahil bahagi ito ng misyon nila.

Ito ang unang beses ni Hamaro na gumaya ng anyo sa isang babae, at hindi pa basta-bastang babae ang ginaya niya, dahil ang babae ay si Jane Emano, ang kinikilalang prinsesa ng isa sa mga pinakamayamang angkan ng Atlanian, ang angkan ng Emano.

Ito din ang unang beses na isinabak sa mahalaga at seryosong misyon ang anim na mga batang Trainee at mula sa dalawang koponan na Team Disciples at Team Justice, kaya isinasa-isip talaga nilang dapat nila matagumpayan ito.



"Maraming mga panauhin ang magsidatingan mamayang gabi para makipag-diwang sa 18th Birthday ng aking anak na si Jane. Kaya dapat ngayon pa lang makasanayan mo ng kumilos bilang si Jane, dahil hindi ka dapat nila mabuko..." saad ni Josefina Emano habang naglalakad sa gilid-gilid ng lamisa.

Nagsalubong ang mga kilay ni Hamaro habang nilingon si Josefina. "Kung ganun eh 'di simulan niyo na akong sanayin..." sagot niya at maging ang boses niya'y katulad din kay Jane.

Nanlaki ang mga mata ni Josefina nang makitang kukuha sana ng pagkaing hipon si Hamaro. "Opps! Huwag 'yan, allergic si Jane diyan...baka magtataka ang mga bisita mamaya, halos lahat pa naman sa kanila ay alam na bawal si Jane diyan..." pagtigil ni Josefina kay Hamaro.

Bumagsak ngayon ang mukha ni Hamaro habang dahan-dahan na inilayo ang kamay sa mga hipon, at humbang baboy naman sana ang kukunin niya ngunit agad na hinawakan ni Josefina ang kamay niya. "Huwag 'yan, dahil hindi niya masyadong gusto 'yan, ayaw kasi ng anak ko ang mamantikang pagkain..." muling pagsuway ni Josefina.

Napakuyom ng kamao si Sinag Alvarez at halatang pinipigilan na naman niyang sumabog ang galit habang nakatingin sa kamay ni Josefina na nakahawak sa kamay ni Josefina.

Subukan pa niyang hawakan ulit ang kamay ni Hamaro, kahit na matanda pa siya papatulan ko siya, panggigil sa isipan niya.




Agad na inalis ni Hamaro ang kamay niya mula sa pagkahawak ni Josefina at seryoso niyang tinitigan si Josefina. "Sabihin niyo na nga agad kung ano ang mga gustong kainin ng inyong anak?" Tanong niya.

"Mga gulay...lalong-lalo na ang ampalaya at carrots..." nakangiting sagot ni Josefina.

Agad na napatayo si Hamaro habang nanlaki ang mga mata niya. "Ano?! Ayaw ko na, parang gusto ko nalang umuwi...gusto ko naman ng mga gulay, pero ayaw ko sa dalawang 'yan, ang papanget ng lasa nila...kayo nalang ang kumain kung gusto niyo!" Pagrereklamo niya.

"Ayos lang 'yan Hamaro, astigin kang Gifted kaya dapat kayanin mo 'yan..." nakangiti sa labing sambit ni Jericho Rowan.

Nilingon ni Hamaro si Jericho at tinitigan niya ito ng masama. "Ayos lang sa 'yo dahil hindi naman ikaw ang nasa setwasyon ko!" Taas boses niya.

Atlas Volume 1 [The God Shadow]Where stories live. Discover now