6: The Pain

2 0 0
                                    


This story is still unedited, you will encounter some grammatical errors, wrong spellings and such. Please be aware that this story has some flaws on it, I'm still a beginner and I'm still learning how to write in a proper way.

If this story doesn't satisfy you, you don't have to say anything. Just leave and respect my work. Thank You for your understanding!


Enjoy reading!



--



Lumabas ako ng bahay at hinarap si Mama na nakatayo sa may pinto.


"Oh 'nak, ito baon mo." sabay abot nya ng 40 pesos "Maglakad ka muna ha, malapit lang naman eh." dagdag nya na nakapagpasimangot sakin


"Ma~..." matamlay kong tawag sa kanya


"Nak, ano kaba. Ngayon lang yan, mawawala rin yan." sabi nya sabay lapit sakin "Oh sya, maglakad ka na't baka ma-late ka pa." at saka ako hinalikan sa noo


"Sige po." matamlay kong paalam at nagsimula ng maglakad papuntang school


Huhuhu. Alam naman ni Mama ang pinagdadaanan ko, bakit pinaglakad niya pa ako? Hindi ba niya alam kung gaano kasakit sakin 'to? T_T


Nakarating ako ng school na matamlay parin. Hay.


Papasok na 'ko sa room ng may biglang may tumawag sakin, "Uy Cristina! Saan ka pupunta?" nilingon ko yung tumawag sa'kin


"Bakit, Jake?" matamlay kong tanong


Lumapit siya sa'kin saka kinapa ang noo ko, "Wala ka namang lagnat. Anyare sayo?" takang tanong nya


Kung alam mo lang Jake. Ang sakit-sakit, parang gusto kong mamatay dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.


"Wala." sagot ko nalang sa kanya, "Ba't mo nga pala ako tinawag?" balik tanong ko


"Ay, oo nga pala. Pinalipat tayo ng room kasi may gagamit daw ng room natin." tumango-tango ako sa sinabi niya at nauna ng maglakad


"Saan room natin nyan?" matamlay kong tanong


"Sa 3rd floor, sa room 218."


Napahinto ako sa paglalakad at parang nanghina sa sinabi nya. Sa lahat pa ng room, bakit 'yun pa?


Gising ba ako nung nagtapon ng kamalasan ang Diyos? Ang malas ko naman oh.


"Tara na. Nandun na sina Rose." napabuntong-hininga nalang ako at sumunod sa kanya



Limbagan Ng Mga PanaginipWhere stories live. Discover now