10: The Oldest

0 0 0
                                    

I always wonder kung bakit madali akong ma-bwisit sa Papa ko, kapatid kong lalaki at jowa ko.

And looking at this situation of mine, gusto ko nalang matawa.

I am the oldest. Dalawa lang kaming magkapatid, isang taon ang pagitan, pero dahil old fashion ang parents namin, napilitan akong maging responsable ng maaga sa mga bagay-bagay.

Though I am the oldest and responsible for my own actions, I always longed for care and understanding from the people around me.

Lagi nalang kasi ako ang umuunawa sa lahat, na kailangan hindi ka pwedeng maging immature kasi matanda ka na (though I'm still 24 years old). Fvck this life.

"Bigyan mo ng pambayad ng tubig si Dave, Inah. Baka maputulan tayo, mag-bayad na tayo bukas," ani Papa. Mabilis napunta ang mata ko sa pinto ng ref namin kung saan naka-dikit ang bill ng tubig at kuryente.

Napahinga ako ng malalim saka kinuha ang wallet sa office bag ko na kakabalik ko lang kanina matapos humingi ng pera ng kapatid ko. Napalunok ako nang makitang 200 pesos nalang ang matitira sa'kin kapag binayaran ko ang bill ng tubig.

Napapikit ako ng mariin, kaka-sweldo ko palang tapos ganito nalang ang matitira, tsk.

Inis kong ibinalik ang wallet sa bag matapos kunin ang pera pambayad ng tubig. Tumayo ako't iniabot sa katapid ko ang pambayad.

Walang imik akong nag-palit ng damit pambahay. It's already 6:00 PM, kakauwi ko lang galing work at tuluyan nang nawalan ng gana.

"Oh, hindi ka na kakain, Inah?"

"Hindi na. Inaantok na 'ko," ani ko kay Papa saka dumiretso ng akyat sa taas ng doubledeck.

Where's our Mama? She's an OFW, at ayoko siyang mag-alala sa'min dito. Kaya gagawin ko ang lahat maging okay lang kami.

Napahinga ako ng malalim nang makahiga. Nagtaklob ako ng kumot saka chineck ang Messenger. Wala pa rin.

Mag-o-one week na, wala pa rin siyang reply sa'kin. Today is Friday, alam ko naman na sobrang busy niya dahil sobrang hirap ng trabaho niya sa Manila, pero di ko maiwasan magtampo.

Madalang nalang siyang umuwi dito dahil nagtitipid, lalo na't nangungupahan siya doon. Pero pati communication namin madalang na rin. Though I always leave him a message para alam niyang nandito pa rin ako, okay lang kahit walang reply.

Hindi ko nalang minsan pinapansin kapag walang reply, I sometimes successfully diverted my attention to other things, pero kapag mga ganitong sitwasyon na kailangan ko rin ng kausap, hindi ko siya malapitan. Ayoko din. Ayokong dumagdag sa stress niya sa work.

Pero kaka-kimkim ko ng lahat, ang sakit na pala, haha.

Love, kelan ka magpaparamdam. I'm still here. Sana hindi mo malimutan.

KINABUKASAN, maaga akong nagising para mag-laba ng uniform ko pang-office. Ngunit pag-patak ng hapon, tulala na naman ako.

Hindi ko alam ang gagawin sa punto ng buhay kong 'to. Parang paulit-ulit.

Kaka-graduate ko lang last year at kakapasa lang ng board exam. And here I am, may work na din kaagad with a minimum salary.

Suddenly, I don't know what to do with my life anymore. Hindi katulad noong nag-aaral ako, alam ko ang gusto kong mangyare pagka-graduate. Pero ngayon, hindi ko alam. Mas madaming daanan, at hindi ko alam kung saan pupunta.

Kung dati mulat ako sa hirap namin, pero ngayon, mas namulat pa lalo ako. Hindi pala ganon kadali ang lahat. Hindi mo pala talaga agad makukuha ang gusto mo.

Limbagan Ng Mga PanaginipWhere stories live. Discover now