8: Mood

11 0 0
                                    

- 12/12/2020 | 05:04 AM -

[FIRST PERSON's POINT OF VIEW]

Masama ang loob ko habang isinasara ang gate ng bahay ng tita ko. Gusto kong umiyak pero mas nangingibabaw ang tampo at question sa puso ko.

Bakit kasi kanina pa ko nagcha-chat sa kanya tapos hindi naman siya nagrereply?! Tapos kung magrereply man, grabe naman sa ikli! Akala mo hindi ako girlfriend sa sobrang dry ng reply!

Ayoko namang mag-isip ng kung ano kahit na pilit pumapasok sa'kin ang lahat ng negativity, kaya magpapahangin nalang muna ko dito sa labas.

I need some fresh air to ligthen up my mood. Huminga ako ng malalim bago tumalikod at nagsimulang lumakad. Wala pa man ako sa kalahati ng street nami'y agad akong napahinto sa paglalakad.

200 ang grado ng mata ko at wala akong salamin na suot ngayon, but I just bought yesterday a clear contact lens na may grado na. Paniguradong ang iisip nito'y hindi ko sila naaaninag.

Huminga ako ng malalim saka nagpatuloy sa paglalakad. He's in his basketball shirt pati na barkada niya. May ring kasi ng basketball sa dulo ng street namin sa gilid ng bahay ng isa sa mga barkada niya.

Napalunok ako nang bigla akong mapa-isip, bakit hindi manlang niya ako chinat na nandito siya? My heart is pounding in a painful way, again. Stop it!

Tumabi ako sa gilid ng kalsada nang matapat na ko sa ring kung saan naglalaro ang ilan niyang barkada. Naka-upo siya sa ilalim ng ring na pinagbabasketball-an ng mga 'to kaya paniguradong dapat napansin na niya akong dumaan.

Ibinulsa ko ang isa kong kamay saka doon nagkuyom ng kamao, don't tell me he didn't recognize me?! I'm so close to them! Hindi ko inililingon ang ulo ko pero dahil malinaw ang paningin ko na hindi niya alam, kahit hindi ko siya direktang tignan, alam kong parang hangin lang akong dumaan sa harapan nila. What makes me more confuse is that, bakit pati barkada niya hindi manlang ako pinansin? Gago 'tong mga 'to, ah. Kilala nila ako at kilala ko sila dahil kaibigan ko rin naman ang mga 'yon, pero wala. Huh.

Hindi ko alam ang mararamdaman ng tuluyan na 'kong makalampas sa kanila at makaliko. Huminto ako sa paglalakad saka napalunok, hinihintay kung hahabulin niya ako, pero wala, ilang minuto akong nakatayo pero walang sumunod sa'kin.

Parang may bumara tuloy sa lalamunan ko nang simulan kong maglakad muli, hindi ko alam kung naiiyak ako pero ang sakit ng nararamdaman ko sa puso. Ano ba kasing problema niya?! Kahapon pa siya, ha.

Ang balak kong pagpapahangin sana'y iikot lang ako sa katabi naming street at balik na sa bahay, pero napalitan ng takot ang nararamdaman ko nang makitang ang daming asong naka-laya sa street na pag-iikutan ko. Ang malas ko naman! Bago pa man makatakbo ng habol sa'kin ang mga aso na nasa bandang dulo ng street ay agad akong lumabas sa gate nilang bukas saka ito isinara.

Napabuntong hininga ako bago tumalikod, wala akong choice, ayokong dumaan sa street namin pabalik ng bahay, ayoko siyang makita dahil sumasama ang pakiramdam ko, sa kabilang street ako dadaan kung saan nasa likod lang ng bahay ng tita ko ang kahabaan nito.

Dahan-dahan akong naglakad palampas sa street namin, nagbabaka-sakaling may tatawag sa'kin, pero wala. Masama ang loob kong kumatok sa gate ng street na pinuntahan ko. Agad bumungad sa'kin ang isang babaeng guard na nakangiti. Gusto ko sanang mahawa sa ngiti niya kaso hindi ko magawa.

"Pangalan nila?" bungad na tanong nito.

"Anne p-po..." parang may bumara na kung ano sa lalamunan ko.

Limbagan Ng Mga PanaginipTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang