9: Seatmate

6 0 0
                                    


- March 09, 2022 | Morning -

Nakita ko nalang ang sarili na nakaupo sa isang desk. Nang ilibot ko ang paningin sa paligid ay doon ko napagtantong nasa isang klasrum ako.

Para akong nasa isang klasrum ng highschool section. Salubong ang kilay ko habang naglilibot pero napahinto ako nang mapansin ang dalawang kahilera sa kanan.

Magkakadikit ang upuan at desk namin. Ang katabi ko'y babae at sa kanan niya'y lalaki. Pareho silang nakatingin sa'kin at nakangiti.

Tanging pagtingin, iling at tango lang ang nagagawa ko pero naiintindihan ko sila.

Ang weird. Hindi ko alam kung bakit ako nainis at lumabas ng klasrum namin. Pagkakita ko ng isang pinto nang makaliko ay kaagad akong pumasok roon, pero tanging klasrum lang din namin ang nadatnan ko.

Doon ko lang narealize na ang pintong pinasukan ko ay ang pangalawang pinto ng klasrum. Napatingin sa'kin ang mga kaklase ko't napayuko nalang ako dahil sa hiya habang naglalakad pabalik sa upuan ko.

Napahinga ako ng malalim nang makaupo.

Mabilis lumipas ang oras at dumating na ang guro. Nasa kalagitnaan ng pagdidiscuss nang huminto ito sa likuran namin-hindi pala, sa likurang upuan ng kaklaseng nasa likod ko.

Lahat kami'y napatingin sa lalakeng nasa likod ko. Kumunot naman ang noo ko dahil sa pagdadahilan niya sa teacher namin kung bakit siya wala sa upuan niya.

Napatingin naman ako sa upuang bakante sa tabi ko at mabilis umangat ng tingin sa lalaking katabi ko. Teka, nasaan yong babaeng-Napahinto ako nang makitang katabi siya sa kanan nitong katabi ko.

Doon ko lang napansin na nadagdagan ng upuan at lamesa sa pagitan namin no'ng babae. Kumaway lang yong babae sa'kin pati na rin yong katabi niya sa kanan na lalaki.

Naagaw ang atensyon ko nang tumayo ang katabi kong lalaki at nakatungong lumipat sa ibang upuan. Habang ang lalaking nasa likuran ko'y inokupa ang pinag-alisan no'ng isa.

Mabilis akong napatingala nang kumulog at kumidlat na parang uulan sa labas. Nanlaki ang mata ko nang mapansing wala palang bubong ang itaas namin, pero nanlaki ang mga mata ko nang unti-unti ay may lumitaw na yero at sumasara ito.

Ngunit sa kasamaang palad ay bigla itong na-stock at saktong sa pwesto pa namin dahilan para pumasok ang butil-butil na patak ng ulan.

Mabilis kaming pinaatras ng guro namin sa likuran hanggang sa dingding na ang naatrasan namin. Sumiksik nalang ako sa pader na nasa kaliwa ko.

Tuluyan nang bumuhos ang ulan at nabasa na nga ang pwestong pinagmulan namin. Ngunit mabilis akong napatayo't takbo nang makita roon ang naiwan kong lunchbox.

Tinawag pa ko ng mga katabi ko pero hindi ko sila pinakinggan makuha lang ang lunchbox, dahilan rin para mabasa ako ng ulan-Napatingin ako sa taong mabilis humila sa'kin pabalik sa upuan ko nang mahawakan ko ang lunchbox.

Hindi ako gaanong nabasa ng ulan dahil sa ginawa ng katabi ko na siyang humila sa'kin. Nginitian ko lamang ito saka naupo na.

Nagtuloy ang klase pero patingin kami sa guro namin nang may pinagalitan ito sa unahan. Nadamay ang buong klase at binigyan kami ng parusa.

Ang weird ng parusa. Salubong ang kilay ko habang pinapakinggan ang pag-ayaw ng mga kaklase ko ngunit wala pa rin silang nagawa kundi humarap sa mga katabi nila't sundin ang sinasabi ng guro namin.

Lahat kami'y nakatayo at doon ko lang napansin na alternate pala ang babae at lalaki na magkakatabi. Inilibot ko ang tingin sa kanila na kaharap na ang kanilang opposite sex.

Napatingin naman ako sa katabi ko na nakaharap na pala sa'kin. Ngunit nagtaka ako nang makita ang masaya nitong mukha kumpara sa mga kaklase namin na parang nandidiri o nasusuya sa kanilang kaharap.

Ang weird talaga.

Napalunok ako nang bigla akong makarinig ng tutog na parang pang waltz at ang mabilis na pagkuha sa kamay ko ng kaharap ko.

Humakbang ito paabante sa'kin saka kinuha ang isa ko pang kamay at inilagay sa balikat niya. Itinaas naman niya ng bahagya ang magkahawak naming kamay at naramdaman ko naman sa likuran ang pagkabing niya sa'kin.

O-kay, apaka weird talaga.

Hindi ko alam kung anong meron pero nadadala ako sa paggabay niya ng sayaw, idagdag mo pa ang tugtog na nakakadala lalo. Napatitig lang ako sa mga mata niya't hindi ko maalis ang tingin roon.

Para akong napunta sa ibang dimensyon at tanging kaming dalawa lang ang nakikita ko.

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at in-straight ko ang likuran ko't mas lumapit pa rito. Napatingin ako sa labi nitong biglang ngumisi.

Magkadikit na ang pisngi namin at mukha na kaming magkayakap dahil sa lapit. Napapikit ako habang dinadama ang sandali nang bigla akong napamulat dahil sa napagtanto.

Hindi ito ang jowa ko.





---





Author's Note:

This is one heck of a dream. Ito ang PINAKA WEIRD na napanaginipan ko.

At bigla kong naalala na puro "Can I have this dance?" ng High School Musical 3 ang napapanuod ko sa Tiktok nitong isang araw, HAHAHAHA. Potek, pati sa panaginip nadala, amp.

Limbagan Ng Mga Panaginipजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें