K A B A N A T A 44

31 2 0
                                    

"Ako ang iyong tunay na Ama, Corazon"

Patuloy na naglaro sa isipan ko ang mga salitang yun. Hindi makaya ng sarili ko ang katotohanang iyon. Hindi ako tunay na Hermoso.

Ngayon malinaw na sa akin ang mga naging katanungan ko ng una akong mapunta dito. Kaya pala hindi nabanggit ni Daddy si Corazon na kabilang sa pamilya nila ay dahil sa hindi naman ito tunay na Hermoso.

"A-Anak, Mi corazon" (My love)

Nabalik ako sa diwa ko ng marinig ang pagtawag na yun sa Visitador-heneral. Agad ko siyang tinulak upang makawala sa yakap niya. Wala ako sa sariling lumabas doon at agad na naglakad pababa habang nagbabanta na naman ang luha ko sa mata.

Patuloy lang ako na naglakad habang nakayuko. Napatigil nalang ako ng may makita akong nakaharang sa harap ko. Unti-unti akong umangat ng tingin at nakitang si Miguel iyon.

"C-Corazon? Anong nangyari?" Alala nitong tanong kaya agad akong napaiwas ng tingin ng maramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

Lalagpasan ko na sana siya ng bigla nitong hawakan ang kamay ko at hinatak ako palabas dahil  na din sa mga naging tingin  ng ibang tao ng makita ang kalagayan ko.

"Patawad sa aking kapangahasan. Batid kong pagod kana. Ihahatid na kita" hindi ko mapigilan na mapahagulhol habang nakatingin sa kanya. Sa kanilang lahat na nakilala ko sa panahong ito, si Miguel ang nagsisilbi kong sandalan sa tuwing napapagod ako.

Nagmistula akong isang musmos na umiiyak sa harap ng kanyang kuya. Pilit kong pinupunasan ang luha ko ngunit patuloy lang itong nagsilabasan.

Inabutan pa ako nito ng panyo na siya din namang tinanggap ko para maitago ang mukha ko sa harap niya habang umiiyak. Nang maramdaman kong may ipinatong siya sa katawan ko ay agad akong napatingin doon at nakitang hinubad niya ang pang-ibabaw niyang damit na siyang ipinatong sa likod ko.

"Mabigat man ang pinagdaraanan mo ngayon, alam kong malalagpasan mo ito" ani niya kaya napahikbi nalang ako habang diritsong nakatingin sa kanya.

"Tahan na, ayaw ko sa lahat ay ang makita kang ganito...ayokong nakikita kitang nasasaktan at umiiyak. Minsan hindi ko napipigilan ang sarili kong agawin ka sa kanya." sabi pa niya habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi gamit ang kamay niya.

"Hindi kita pinaubaya sa kapatid ko para makita kang ganito na nasasaktan at nagdurusa." dagdag pa nito habang malungkot na nakatingin sa akin.

Napayuko nalang ako sa sinabi niya at sa wakas ay naubos na din lahat ng mga luha ko.

"Batid ko ang dahilan ng iyong pag-iyak. Huwag kang mag-alala. Batid ko ang aking kapatid. Hindi niyang magagawang gumawa ng kasalanan para takpan ang isang mali. Naiintindihan kitang masaktan dahil sa iyong narinig ngunit mas maaayos ang problema sa maayos na usapan."  napatingin ako muli kay Miguel dahil sa sinabi niya. Nabatid ko din na siguro ang iniisip niyang dahilan sa pag-iyak ko ay dahil sa pinagbubuntis ni Dahlia na siyang usap-usapan ngayon pero isa lang naman yun sa mga dahilan.

"Kay buti mo Miguel" bulaslas ko. Nalulungkot lang ako dahil sa akin ay patuloy ko siyang nasasaktan.

Nagawa niya pang ipagtanggol ang kanyang kapatid na si Manuel para lang hindi ako mawalan ng tiwala dito kahit na magkaribal naman sila.

Kung ibang tao pa ang kaharap ko ngayon ay gagamitin na ang pagkakataong ito na siraan ang isa para makuha ang loob ng iniibig niya.

Naramdam ko ang paghawak niya sa kamay ko. Unti-unti siyang ngumiti sa akin habang diritso ang tingin. "Ikaw ang kaligayaan ko, Corazon. Wala akong ibang hangad kundi ang makita kang maayos at masaya kahit na hindi sa piling ko" tapat niyang saad sa akin.

Changing Fate (Trapped in time)Where stories live. Discover now