Chapter 1

24 5 2
                                    


"Uuwi ka na?" tanong sa akin ni Sheena nang makita ako na naglalakad palabas ng bar.

I shook my head. "No, magpapahangin lang," I lied.

I really want to go home to get some rest. Kakatapos lang ng midterms exam and it was physically and mentally draining. Halos isang lingo rin akong walang tulog sa kaka-aral. And party after exam is not my cup of tea. Nandito lang naman ako dahil kay Mauve. He threatened me.

"Ang init kasi sa loob," dugtong ko. Pinunasan ko ang pawis sa aking noo upang magmukhang kapani-paniwala.

Sheena being a detective wannabe, squints her eyes and begins to assess me. Lumapit ito sa akin at inamoy ako.

She sniffs my neck then my hair.

" 'Bat ganon nangangamoy uuwi na." She pouts her lips. "We are supposed to have fun and get drunk. Come on Lei Sunday naman bukas!" she whined. Her face is already flushed from drinking alcohol.

Sunday is my "me" time. It's my only time to do the things I want. And I don't want to spend it on my bed because of hangover.

"Sheena," Glenn called her.

I sigh in relief.

Maaasahan talaga si Glenn sa tuwing nasa ganito akong sitwasyon. He knows how much I hate this.

"Thanks," I mouthed to him.

Tumango ito bilang tugon bago naglakad papalapit sa amin, nakalagay ang dalawa niyang kamay sa loob ng bulsa. He had this expression on his face that made you freeze in your tracks. I guess he is used to it; a person's natural expression when they look his direction is a momentary stop. I noticed how the girls giggled as he gave them a glance.

Kinawayan nito ang grupo ng mga babae at saka ngumiti. Sa simpleng bagay na ginawa niya ay agad na namula ang mga pisngi nila, hindi nakalampas sa paningin ko ang galit na titig sa kanya ng mga lalaki na tila ba handang makipagbasag ulo sakanya. They are afraid that their girlfriends will fall in love with him. Well, he can win a woman's heart without even trying.

"Hanap ka nila Ali at lily," ani nito kay Sheena. I know he's lying. Palaging late ang magkambal na iyon.

"Huh? Sabi nila mamaya pa daw sila makakarating,"

"Halika ka na." Hinawakan ni Glenn ang kamay ni Sheena at marahang hinila papasok sa bar. Ayaw pa sana akong tantanan ni Sheena pero dahil hinila siya ni Glenn ay wala na rin siyang nagawa.

Pagkatalikod nila ay agad akong naglakad palayo sa Bloc Draft. Malapit lang ito sa kanto ng magsaysay kung saan nakaparada ang mga tricycle papunta sa amin. Binuksan ko ang dala kong libro upang makapagbasa habang nag-lalakad. Alam ko naman na ganito ang mangyayari kaya sinigurado kong dala ko ito.

Scholar ako at isa sa kinatatakutan ko ay ang bumagsak.

I can't afford to fail.

Unlike other students wala akong safety net na sasalo sa akin kapag bumagsak ako. Kaya kailangan kong magdoble sikap.

"Dwayne Leigh Penelope."

Napahinto ako sa paglalakad nang may marinig akong tumawag sa pangalan ko. I turned around with the expectation of seeing Brian dahil siya lang naman ang may kapal ng mukha para tawagin ako gamit ang buo kong pangalan.

"Ano?" naiirita kong tanong.

I really hate being called by my full name. I rolled my eyes when I saw the grin on his face. Tuwang tuwa talaga siya sa tuwing napipikon ako.

"Sungit." Bulong nito.

"Uuwi ka na rin?" tanong ko sakanya. Nakakapagtaka lang kasi na naandito siya sa labas. Madalas kasi ay nasa mesa siya at tumutunga ng alak.

Golden HourWhere stories live. Discover now