Chapter 2

10 5 0
                                    

Chapter 2

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone kaya pasimple ko itong kinuha mula sa bulsa. Sumulyap muna ako sa unahan upang kumpirmahin na hindi nakatingin si prof.,  nang makita ko na busy ito sa pagsusulat sa white board ay dali-dali akong nagtipa ng irereply sa text message ni Brian.

pass

Pagkatapos kong i-send iyon sakanya ay agad ko itong ibinalik sa bulsa. Mahirap na baka mahuli ako ni prof. at sa akin mabaling ang inis niya.

Birthday ni Marco ngayon at pinipilit ako ni Brian na sumama. Sa isang resort gaganapin ang celebration, may kalayuan kaya ayaw kong sumama. At saka may pasok bukas, kahit kailan di ko gugustuhing lumiban para lang sa ganyang mga bagay. Mag-aaral na lang ako nang sa ganoon ay mapanatili ko ang aking grado at hindi ako mawalan ng scholarship.

Hindi pa naman ako yung tipo ng tao na naturally matalino. Kailangan kong isubsob ang sarili ko sa pag-aaral, para makakuha ng mataas na grado.

Panay ang sulyap ko sa wall clock na nasa unahang bahagi ng room. Ten minutes na lang at uwian na.

"Ken," I murmured.

Muli kong naalala ang sinabi niya kahapon.

I finally found you Lei.

Mula kagabi ko pa ito iniisip pero hangang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang ibig niyang sabihin. Dahil doon ay di ako nakatulog ng maayos. Di bale, magkikita naman kami mamaya kaya itatanong ko na lang sakanya.

Nakangiti akong lumabas ng room. Malaki ang mga hakbang upang makauwi ka agad.

Mabuti na lang at may kausap kanina si Sheena kaya hindi niya napansin na umalis na pala ako. Kagaya ni Brian ay pinipilit niya rin akong sumama. Sila pa naman yung tipo ng tao na hindi ka tatantanan hangat hindi ka pumapayag. Kahit anong palusot ang sabihin mo hindi yan uobra dahil parati silang may paraan.

Trenta minutos ang biyahe mula sa paaralan pauwi sa bahay pero dahil mahaba ang pila sa paradahan ng jeep ay mahigit isang oras bago ako nakarating sa bahay.

Pagkababa ko sa jeep ay dumiretso na ako sa tambayan.

Malayo pa lang ay tanaw ko na si Ken. Nakasandal ito sa upuan at nakapikit ang mga mata.

"You're late," bungad nito sa akin, ni hindi niya man lang iminulat ang mga mata. Hindi ko ito pinansin at naupo na lang sa tabi niya. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha.

He appears to be exhausted. His eye bags were darker than they had been the day before, as if he hadn't slept in almost a month.

"Ayos ka lang ba?"

Iminulat niya ang mga mata nang marinig ang tanong ko.

"Oo naman..." he smiled weakly. "Bakit naman hindi?"

"Napansin ko lang kasi na mas lumala iyang eye bags mo."

"Ahh this?" sabi niya at itinuro ang kanyang mata. "It's normal...to someone who has FFI." he murmured.

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinabi niya.

"Ano?"

Umiling ito bago tumayo. "Tara na?"

Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya. Sa di kalayuan ay may nakaparadang itim na kotse.

Binuksan niya ang pinto sa shotgun seat at pinaupo ako. Isinuot ko ang seatbelt at namalayan ko na lang na katabi ko na pala siya. Nakaupo sa driver seat at maayos na nakakabit ang seat belt. Grabe! Ang bilis niya naman kumilos.

Golden HourWhere stories live. Discover now