Chapter 5

7 2 0
                                    


" Saan tayo kakain?"

Kaka-tapos lang ng quiz namin sa purcom. at sobrang napiga ang utak ko doon.

Actually, di naman masyadong mahirap ang mga questions kaso nga lang sobrang limited ng oras kaya hindi ako makapag isip ng maayos.


"Bibili lang ako ng cup noodles, di ko pa kasi tapos sa History." sagot ko sa tanong ni Sheena.

"Seryoso ka? So, kami lang ni Brian sabay kakain mamaya?"

"Oo, alam ko namang gusto mong masolo si Brian e, kunwari ka pa," pang-aasar ko sakanya.

"Hindi ah! sana wala kang mahanap na conflicts," sigaw nito bago naglakad palabas ng room.


Isinukbit ko sa balikat ang bag saka naglakad rin palabas ng room. Dumiretso ako sa Cafeteria at agad na bumili ng cup noodles. Kinain ko'to habang naglalakad papunta sa library. Medyo malayo ang library sa Education Department kaya bago ako makarating doon ay ubos ko na ang kinakain ko.

Dumaan muna ako sa room nila Mauve upang ibalik ang invitation na ibinigay niya sa akin kahapon.


"I refuse to your invitation," bungad ko sakanya.

"I refuse your refusal," he smirks. "You have no other choice or else...you know what will happen. Do you still want me to say it?"

Umiling ako saka naglakad palayo.


Nakakainis.


Palagi na lang ganito.


Ayaw kong pumunta sa bahay nila o kahit makihalubilo sa pamilya niya.

Mabait naman sila. Sila nga ang dahilan kung bakit ako nakakapag-aral.


Kilalang pamilya ang Marquez dito sa amin. Mayaman, mabait, ganyan kung ilarawan ng mga tao. Marami kasi silang natutulungan na mga tao. Nag-ooffer kasi sila ng scholarship sa mahihirap, at isa ako sa napili nila.

Maraming scholarship ang inapplyan ko noon pero di naman ako gaanong katalino kaya sakanila lang ako nakapasa.


Noong senior high ay kaklase ko si Mauve. Mabait siya kaya nagkagaanan kami ng loob. He became my first boyfriend. Noong una masaya. Palagi kaming magkasama, sabay umuwi, kumain at mag aral.


It was like a perfect relationship.


Pero walang perpekto. Kaya makalipas ang ilang buwan ay malaki ang pinag-bago niya. Gusto niya na siya palagi ang nasusunod sa lahat ng bagay, na kung ano ang sasabihin niya ay dapat kong gawin. Kahit sa mga damit na susuotin ko ay siya na rin ang pumipili.


Nakakasakal.


Hindi ganon ang gusto ko.

I talked to him, many times. Sinubukan kong ayusin, baka maibalik pa sa dati, pero wala e. Kaya I decided na makipaghiwalay sakanya, hindi naman madali para sakin na gawin yon lalo na't halos isang taon rin kaming magkasama pero wala na rin kasing patutunguhan ang relasyon namin, kaya mas mabuti nang gawin iyon kesa lokohin namin ang aming sarili.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Golden HourWhere stories live. Discover now