Chapter 3

9 3 0
                                    

"Iba rin talaga ang ngiti ng may bagong kapit-bahay na maganda," pang-aasar ni Marco kay Brian.

"Ulol ingit ka lang." He raised his middle finger.

"Noong isang lingo may paiyak-iyak ka pa e, di ba Lei?"

"Ewan ko 'di naman ako kasama."

"Ay oo nga pala." Napakamot ito sa ulo. "Ito naman kasing si Sheena sasama-sama tapos walang ibang ginawa kundi matulog," dugtong nito.

"Hoy. Excuse me, kaya lang naman ako sumama kasi sabi mo may ni-invite kang pogi. Tapos pagkarating natin sa resort tayo-tayo lang. Scammer ka din e."

Tumawa si Marco bago nagsalita. "Di bale may ipapakita na lang akong video sa'yo." Dinukot nito sa bulsa ang cellphone pero agad ring inagaw ni Brian at saka tumakbo.

Kanina pa sila tumatakbo, paikot-ikot sa tent. Ewan ko ba kung anong trip nila sa buhay at naisipan na mag set up ng tent sa loob ng bahay.

Habang tumatakbo ay panay ang pindot niya sa cellphone ni Marco.

"Yun na-delete ko rin," pagkasabi niya noon ay saka lang siya huminto sa pagtakbo.

"Edi sasabihin ko na lang kay Sh-" 'di na niya natapos ang sasabihin dahil tinakpan ni Brian ang bibig niya.

Mas mataas si Marco kaysa kay Brian kaya tumingkayad pa ito upang matakpan nang mabuti ang bibig ng lalaki.

Patuloy pa rin ang pagsalita ni Marco pero hindi rin naman namin maintindihan dahil may takip pa rin ang bibig niya.

"Tangina mo Marco!" sigaw ni Brian nang kagatin ang kamay niya para makawala.

"Ise-send ko na lang mamaya yung video sa e-mail mo Sheena." "Mabuti na lang at sinave ko muna yun sa flashdrive." Ngumiti ng nakakaloko si Marco bago tumakbo palabas ng bahay.

Wala akong ideya kung anong video ang tinutukoy niya pero parang namutla si Brian ng marinig niya ito. Agad naman itong tumakbo at hinabol si Marco.

Naandito kami sa bahay nila Brian. May hindi pagkaka-intindihan ang kanyang mga magulang kaya hangang ngayon ay hindi pa rin ito umuuwi sa kanilang bahay.

Kung hindi mo kilala si Brian aakalain mo na ang saya ng buhay niya.

E paano palagi siyang nakangiti at nakikipag-biruan.

Pero ganon naman talaga tayo diba? Nakangiti pa rin kahit ang daming problema.

But we all have secret sorrows which the world knows nothing...


Dahil mainipin si Brian at hindi sanay mag-isa, inaya niya kami na magmovie marathon. Actually, ideya to ni Sheena. Kaya pala gustong gusto niya na pumunta sa bahay nila Brian dahil may hidden agenda siya.

Para makita ang gwapong boyfriend ng bagong kapit-bahay ni Brian.

Iba rin talaga tong si Sheena.

Usap usapan kasi sa paaralan ang bagong lipat na babae. Maganda kasi ito at isa pa ay mayroon daw guwapong boyfriend. Syempre kung guwapo lang din naman ang pag-uusapan aba di diyan mag papahuli si Sheena. Pambato ko yan. Halos lahat ata ng guwapo na nakatira sa Naga ay kakilala niya.

Akala mo sakanya ay jowang jowa pero NBSB naman. Hangang ngayon kasi ay hinihintay niya pa rin ang isa diyan.

Sa aming apat parang ako lang ang gustong mag movie marathon. Si Sheena kasi ay nakadungaw lang sa bintana, hinihintay na lumabas ang lalaki sa kabilang bahay. Si Marco at Brian naman ay panay ang asaran. Kanina kasama namin si Glenn pero agad ding umalis. Mayroong tumawag sakanya at pagkatapos non ay nagmamadali siyang umalis, hindi nga siya nakapag-paalam sa amin sa sobrang pagmamadali.

I leaned on the sofa and stared at the ceiling.

I haven't seen Ken in over a week.

Ilang beses pa lang naman kaming nagsama pero sa tuwing pumupunta ako sa tamabayan at wala siya sa dati niyang puwesto parang ang lumbay. Dati naman ang saya ko kasi ako lang ang pumupunta doon pero simula noong nakita ko siyang nakaupo doon nagbago na.

Gusto kong makita siyang muli.

Gustong kong humingi ng tulong mula sakanya, pakiramdam ko kasi si Ken lang ang makakatulong sakin upang mahanap ko siya... Gusto ko rin itanong kung anong ibig niyang sabihin noong sinabi niya na I'm glad I finally found you Lei.

Para kasing kilalang kilala na niya ako noong sinabi niya iyon. Na para bang nag-kita na kami noon.

Napabalikwas ako sa pagkakaupo nang marinig kong tumili si Sheena.

"Ang gwapo!" Kinikilig niyang sabi. "Ano ba yan! Ang swerte naman niyang babae. Banal ba yang babae sa past life niya para biyayaan ng ganyan kagwapong boyfriend. Ang daya! gusto ko rin." Walang tigil na sabi niya.

"Prayer reveal naman diyan."

At dahil na curios ako, agad akong tumayo at sumilip din sa bintana. Napangiwi ako dahil nakatalikod ang lalaki at nakasout ng cap.

After few minutes he removed his cap and tied his hair into a messy low man ponytail. Wait. Bakit parang pamilyar?

"Pogiii," sigaw ni Sheena at kaagad na nagtago sa likod ng kurtina. Dahil sa gulat hindi ko alam ang dapat kong gawin, magtatago rin ba ako? Napatingin ako sa direksyon ng lalaki at agad na nalaki ang mata dahil nakatingin rin siya akin.


Ken?











Golden HourWhere stories live. Discover now