Chapter 4

4 2 0
                                    


"Aray!" reklamo ko dahil bigla akong kinurot ni Sheena sa tagiliran.

"Kilala mo? Ang daya 'bat di mo sa'kin sinabi?"

Umiling ako bago nagsalita. "Hindi no! Paano ko naman yan makikilala bagong lipat nga di ba?" pagsisinungaling ko. Hindi ko pa sakanila naku-kuwento ang tungkol kay Ken. At wala na akong balak ikuwento pa iyon.

"Eh bakit parang natulala ka? Crush mo na rin? Maghanap ka na lang ng iba diyan ayaw ko ng kaagaw."

Hindi ko na ito sinagot at bumalik na lang sa sofa para ipagpatuloy ang panonood ng movie. Sayang naman kasi ng kuryente kung walang manonood. Habang nanonood ay hindi ko mapigilan ang sarili na maisip si Ken.

Are they couples?

Siya ata ang tinutukoy niyang "someone" noong sinabi niya na I'm looking for someone.

Kaya hindi na siya muling nagpakita dahil nahanap na niya ang babae.

Sana man lang nagpaalam siya kahit simpleng bye Lei, kahit ganon lang...atleast alam ko, para naman hindi ako umasa na matutulungan niya ako.

Maya-maya pa ay nagpalaman na ako sakanila. Hindi naman kasi ako makapag-focus sa pinapanood ko kaya mas mabuti pa na maglakad-lakad na lamang.

Bumili na muna ako ng ice cream saka naglakad-lakad. Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay may nakita akong maliit na pusa sa tabi ng daan kaya nilapitan ko ito. I gently tapped her head.

Meow.

Napangiti ko dahil ang cute niya. Magka-iba kasi ang kulay ng mga mata niya. Blue sa kanan at yellow naman sa kaliwa. Habang nilalaro ko siya ay nakarinig ako ng mga yabag. Iniangat ko ang paningin at nakita ko si Ken na naglalakad papalapit sa akin.

Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pansinin o magkunwaring hindi siya nakita.

Kinarga ko ang pusa at sinalubong siya. For my own peace of mind, I decided to speak with him.

"Ken," I said with a smile plastered on my face.

His browse arched. "Sorry pero kilala ba kita?"

"Ako to si Lei," pagpapakilala ko.

"Sorry but I am not familiar with you. I'm sure you mistook me for someone else."

Nawala ang ngiti sa labi ko, dahan dahan akong tumango bago nagsalita. "Tama ka, kamukha mo lang siguro," pilit akong ngumiti. Alam ko na siya iyon.

Nagpatuloy na ito sa paglalakad samantalang ako ay naiwang nakatayo doon.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa paaralan. I hate Monday! Lalo na't ang first subject namin ay Math.

Noong una na eexcite pa ako tuwing Math kasi madali pa lang yung lesson pero habang tumatagal ay pakunot nang pakunot ang noo ko dahil hindi ko na maintindihan.

Hate ko pa naman ang Math subject since birth. Yan palagi ang humihila sa grades ko pababa.

Naupo muna ako sa hallway dahil sarado pa ang room. Binuklat ko ang libro at ipinagpatuloy ang pag-aaral.

Maya-maya pa ay narinig ko ang boses ni Sheena.

"Wow, early bird," puna nito sa akin. "Tapos mo na ba yung assignment sa History. Ilang conflicts ang nahanap mo?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong pinagsasabi mo e wala namang assignment sa History."

"Anong wala meron kaya. 'Di ka ba nagbabasa sa gc?"

Pagkasabi niya non ay agad kong kinapa sa bulsa ang cellphone para tingnan kung totoo ang sinasabi niya. Bigla akong nanlumo dahil mayroong tatlong articles na dapat basahin at kailangang maghanap ng conflicts.

"Shit. Hindi ako nag-online kagabi, busy kasi ako sa pag-review sa purcom."

This time siya naman ang napakunot ng noo.

"May quiz sa purcom.?"

"Oo, bakit di ka nakapag review?"

Kinagat nito ang daliri saka naupo sa tabi ko.

"Ilang items?"

"Fifty."

"Shit."

"Shit, talaga." sagot ko. "Twenty minutes lang ang alloted time, tapos may essay part pa." dagdag ko na lalong nakapag pataranta sakanya.

Yung huling quiz kasi namin sa purcom, 20 items tapos pinasagutan lang sa amin sa loob ng tatlong minuto. And take note may question doon na dapat naming sagutan with 3-5 sentences.

Manlulumo ka na lang talaga kapag ni-announce sa klase ang mababa mong score.

"May ginawa ka bang reviewer?"

Iniabot ko sakanya ang dalawang yellow pad na naka ipit sa librong hawak ko. Mabilis niya itong pinasadahan ng tingin.

"Ang dami." reklamo niya.

Inumpisahan ko nang basahin ang unang article. Ang haba. Nakakainis 'bat ba kasi di ako mag online kagabi. Sa susunod talaga mag oonline na muna ako bago matulog para di naman ako mabibigla na mayroon pa lang assignment. Mabuti na lang at mamayang hapon pa ang History papano kung nagkataon na pang umaga iyon.

Makalipas ang ilang minuto ay inaya ako ni Sheena na pumunta munang cafeteria. Sumama naman ako para bumili ng tubig. Naiwan ko pala yung tumbler ko sa bahay sa sobrang pagmamadali.

"Wala naman tayong assignment or quiz sa math di ba?" tanong niya habang naglalakad kami pabalik sa room.

"Meron kayang assignment," pagsisinungaling ko.

"Talaga?" kinakabahan niyang tanong. " 'Bat di ko alam. Lei... pakopyahin mo na muna ako please."

"Joke lang, wala naman talaga." Tinawanan ko siya saka binilisan ang paglalakad.

"Alam mo Lei, minsan talaga napapaisip ako kung bakit kita naging kaibigan."


Pagkapasok sa room ay dumiretso ako sa upuan ko. Sa bandang hulihan malapit sa bintana.

Maya-maya lang ay pumasok na si prof. Nagdiscuss ito, pero kagaya ni Sheena ay hindi rin ako nakinig.

Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa. Kalahating oras na ako sa pagbabasa pero isang article pa lang ang nababasa ko. Habang nagbabasa panay ang sulat ko ng mga important details sa notebook ko. Tutok na tutok ako sa pagbabasa kaya hindi ko namalayan na nakaalis na pala si sir.

"Nandyan na si Maam." sigaw ng kaklase ko na siyang ikina-tahimik ng lahat. Nagsipag-balikan sila sa kanya kanyang upuan. Makalipas ang ilang segundo ay narinig na namin ang pamilyar na tunog.

Tunog ng heels ni maam na kahit malayo pa ay rinig mo na kaagad na para bang sinasabi nitong kabahan ka na.

Ni-ready ko na ang yellow pad at dalawang ballpen in case na biglang mawalan ng tinta ang isa. Minsan pa naman masyadong papansin ang ballpen na kung kailan ka magmamadali saka pa hindi gagana kahit ang dami pa namang ink.

"Number one," bungad sa amin ni Maan.

Grabe, wala man lang good morning, quiz agad!






























Golden HourWhere stories live. Discover now