04

31 3 0
                                    


Hindi pa din ako makatulog dahil sa sinabi ni Jake kanina. Nang sabihin niya 'yon ay agad din siyang tinawag ng mga kaibigan niya kaya hindi na kami masyadong nakapag-usap ni Jake. Nag-aya na din ako umuwi kay Isabella pagtapos non.

Paikot-ikot ako sa kama nang biglang tumunog ang cellphone ko. Pagbukas ko ay nakita ko ang message ni Jake sa Instagram ko. Did he just message me? Ayoko mag assume, baka naman may gumamit lang ng phone niya.

Paniguradong magtatanong nanaman si Isabella sa 'kin kapag nalaman niya 'to.

@J.kyle: Good evening, Heather.

I don't know what to reply to. Should I say hi or what?

@J.kyle: I'm sorry. It's my friend, and he used my phone.

@Solarace: It's okay. Good night, Jake.

Hindi nanaman ako makatulog dahil sa nangyari ngayon. Naisipan kong bumaba at magtimpla ng gatas para makatulog na ako. Pero kahit anong gawin ko ay walang nangyayari. Natapos ko na din ang pinapanood kong series sa netflix pero hindi pa din ako inaantok.

Kaya kinabukasan ay puyat na puyat ako. Tinanong pa ni Daddy kung bakit daw ganoon ang mata ko. Sinabi ko nalang na may tinapos akong series. Si Daddy ang naghatid sa 'kin dahil miss niya na daw ako ihatid tuwing papasok ako sa school. Naglalambing na naman ang Daddy.

"Bye, Dy!" I kissed his cheek.

"Bye, anak."

Nag text sa 'kin si Isabella kanina na late daw siya makakapasok. Wala naman daw attendance ngayon. Wala kasi kaming masyadong gagawin dahil sa foundation na magaganap. May mga visitor din ata na pupunta mamaya.

Tinakot ko siya na ako ang mag a-attendance ngayon, pero tinawanan niya lang ako. Gaga talaga yung babae na 'yon.

Kaunti palang ang tao sa room kaya naisipan ko na pumunta muna sa cafeteria para bumili ng iced coffee. Bangag na bangag ako ngayon dahil sa nangyari kagabi. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko, kikiligin, o ano. Hindi ko talaga alam.

"Hi, Heather." Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko. It's Jake's friend.

"Hi."

"You're Isabella's friend right?"

"Uh, yes. Why?"

"Wala naman. Nakita ko lang kayo kahapon na nanonood ng practice," he said that's why I nodded at him and smiled. Biglang may tumawag sa pangalan niya. Sabay pa kaming lumingon sa entrance ng cafeteria.

"Ryle."

Napalunok ako nang makita ko si Jake na naglalakad papalapit sa pwesto namin. "Una na 'ko, Ryle." Hindi ko siya kayang harapin dahil sa hiya ko kahapon. Pero hindi pa man ako nakaka-alis ay tinawag ako bigla ni Jake. Napahinto ako sa paglalakad at lumingon sa kaniya.

"Heather."

May sinabi si Ryle sa kaniya para sumimangot siya. Hindi ko iyon narinig dahil binulong lang sa kaniya. Pabiro niya pang sinuntok sa balikat si Ryle at lumapit sa 'kin. Malakas ang kabog ng dibdib ko nang nasa harapan ko na siya.

"Can we talk?"

"Yeah..."

Naupo kami sa labas kung saan maraming tumatambay na estudyante. Napalingon ako sa paligid dahil baka makita nanaman kami ni Isabella at magtanong nang kung ano-ano. Hindi niya talaga ako tatantanan hanggang kinabukasan. Mabilis ang tibok ng puso ko nang humarap siya.

Nang maupo kami ay siya ang naunang magsalita. "Do you know how to bake or make a cake?"

"Yes!" Napangiti ako sa tanong niya. Masaya talaga ako kapag ganyan ang topic namin ng kausap ko.

Tumango siya nang marahan sa 'kin. "Uh, you know Ayesha right?" Agad naman akong tumango. "Her birthday is coming. My parents are busy this days, so they can't prepare a party for Ayesha. Nasabi ni Ryle na magaling ka daw gumawa ng cake. If it's okay, can you bake a cake for Ayesha's birthday?" Alanganing tanong niya.

"Huh, pano nalaman ni Ryle na marunong akong mag bake?"

"Sinabi daw sakaniya ni Isabella." Yung babae talaga na 'yon!

Inisip ko yung schedule ko. Marami naman akong bakante na oras. At dahil malapit na nga din ang foundation ay wala na masyadong pinapagawa sa 'min. Pumayag ako sa gusto niyang mangyari.

"Alright, thank you so much. Can I ask for your number so I can give you the details?"

Binigay ko sa kaniya ang number ko bago kami magpaalam sa isa't-isa.

Nakita ko si Isabella na nakatingin sa 'kin habang nakangiti. Ang creepy naman netong babae na 'to. Tumakbo siya papalapit sa 'kin. Napansin ko din na kausap niya kanina si Ryle. At kailan niya pa nakaka-usap ni Ryle?

"Hoy! Ikaw ha. Kausap mo si Jake kanina at ngumungiti ka pa." Pinalo niya pa ako nang mahina sa braso.

"Heh! Kung ano-ano nanamang pinag-iisip mo."

Pinanliitan niya pa ako ng mata. Biglang sumulpot sa likod ni Isabella si Ryle. Nagpaalam ito sa kaniya na aalis na. Nang humarap si Isabella sa 'kin ay siya naman ang pinanliitan ko ng mata.

"Oh, bakit magkasama kayo ni Ryle kanina?" Siya naman ang natahimik at umiwas nang tingin sa 'kin. Namumula pa ang mukha siya. Tinantanan niya na ako kay Jake dahil kung hindi ay tatanungin ko din siya kung bakit magkasama sila ni Ryle.

Pag-uwi ko sa bahay ay wala pa si Daddy. Si Mommy naman ay may inasikaso sandali kaya walang tao. Habang nag-aayos ako ng gamit ko sa kwarto ay tumunog ang cellphone ko. Tumambad sa 'kin ang text ni Jake.

From: Jace Kyle

Ayesha's favourite flavour is chocolate.

To: Jace Kyle

Okay. What design does she want? Or anything to put on the cake.

From: Jace Kyle

She likes Vanellope from Ralph breaks the internet.

Marami pa kaming pinag-usapan ni Jake para sa birthday cake para kay Ayesha. Nag-add din siya ng cupcakes ang cookies. He even asked if I could make the sweet treats for Ayesha's friends. I said okay.

Excited na akong gumawa ng cake for Ayesha. Mommy thought me how to make a cake, cookies, cupcakes, and many more. Sinabihan ko din si Isabella if she can help me. Oo naman agad ang isinagot niya sa 'kin.

I'll ask Mom later if she can help me too.

Habang nakahiga ay nagsearch ako ng mga idea para mas mabilis kong magawa yung cake. Mas lalo ako na excite nang makita ko ang mga picture na hinahanap ko sa pinterest. Naiimagine ko na si Ayesha na nakasuot ng costume ni Vanellope.

From: Jace Kyle

Thank you, Heather. Good night.

Napangiti ako sa text ni Jake. Napailing nalang ako. "Delikado ka na, Heather Amaryllis."

Captivating FlowerWhere stories live. Discover now