19

10 1 0
                                    


I woke up earlier to plan my surprise for Jake later. Tulog pa ang lahat dahil mga lasing kagabi. Si Jake ay tumigil din agad sa pag-inom nang alam niyang malapit na siyang malasing. 

Si Isabella at ibang girls ay bagsak din dahil sa kalasingan. Naghanda muna ako ng breakfast namin para kakain nalang sila paggising nila mamaya. After I cooked, kumuha na ako ng listahan para sa lulutuin ko mamaya. I want to cook Jake's favorite food.

Nasa sala lang ako habang nag-iisip kung ano ba ang lulutuin ko mamaya. Baka ako nalang din ang mamalengke dahil ayoko naman maka-abala sa iba. Nasabi ko na ang plano ko kay Isabella kagabi pa. Mas excited pa sa 'kin. Tapos ngayon ay tulog pa din. 

"Strawberry?" 

"Oh, you're awake."

"Yes. You? Ang aga mo nagising." Tumabi siya sa 'kin at isinandal ang ulo niya sa balikat ko. 

"I cooked breakfast. Do you want coffee?" 

"Yes, please. My head is spinning." I laughed. 

"Konti lang naman ang ininom mo, ah." 

"I know. Hindi ko alam kung bakit masakit ang ulo ko."  

Tumayo ako at tinimplahan siya ng kape. Nagtimpla na din ako para sa sarili ko. 

"Dapat ginising mo din ako." Sabi niya habang nakapikit.

"Eh, ang sarap pa ng tulog mo kanina. You should sleep pa. Mukhang kulang pa ang tulog mo." 

"I'm fine. I just need coffee." 

"Come on. Sleep ka pa." 

Hinatak ko siya para makahiga siya sa hita ko. Pinatungan ko ng unan para mas komportable. I comb his hair para mabilis siyang makatulog. Mukhang kulang pa talaga ang tulog niya dahil nakapikit na siya kaagad. 

My Jake is such a baby. 

Hinayaan ko lang siya matulog habang nanonood ako ng netflix sa cellphone ko. Nagising na din ang iba kong kasama at sinabi kong may nakahanda ng breakfast. Si Isabella ay hindi ko alam kung anong oras balak bumangon. 

Si Ryle din ay wala pa. Mukhang tulog pa ang dalawa na 'yon. Napatingin ako kay Jake ng gumalaw siya bigla. 

"Are you awake?" 

"Yes. I slept better." I smiled at him. 

Dumiretso na din kami sa dining dahil nandoon na sila at kumakain. I put rice on Jake's plate habang kausap niya ang kaibigan niya. We had fun yesterday. We have 2 days pa para magsaya at mamasyal dito. 

We talked about the activities that we can do later or tomorrow before going home. 

"Thank you." 

Pagtapos ay lumabas lang kami ulit para maglakad. It's peaceful. 

"Do you want to go to bayan later?" he asked.

"Oo naman." 

After a minute, nagpalit na kami ng damit para makapunta na kami sa bayan. I just wear a square neck A-Line dress and bow decor slide sandals. I put on a little makeup before going out. Jake is wearing a plain white t-shirt. 

"Let's go." He kissed my forehead before going downstairs. 

Nagpaalam muna kami sa mga kaibigan ni Jake bago umalis dahil hahanapin kami ni Isabella mamaya. Hindi ko alam kung gaano ba kadami ang nainom nung babae na 'yon at ganon nalang kahaba ang tulog niya. 

Sabi nila ay mag tricycle nalang daw kami para mas mabilis. Kapag jeep daw kasi ay maghihintay pa na mapuno. Medyo mainit at siksikan kung sa jeep pa kami. 

"Wow!" I saw a lot of people. Medyo maingay pero ang saya tignan. Ang friendly ng mga tao dito. 

Dumaan muna kami sa simbahan. Sabi kasi kahapon ni Isabella ay maganda daw ang simbahan dito. Isa daw sa dinadayo ng mga turista. She's right. Makaluma ang simbahan pero ang ganda. Pumasok kami sa loob ni Jake. 

Nagdasal muna kami bago namin naisipan na mag-ikot. 

"I'm sure magugustuhan nila Mommy dito." Mahilig pa naman si Mommy sa mga ganito. Laking probinsya din si Mommy at Daddy. Next time ay yayayain ko sila dito. 

Jake held my hand. Pumunta kami sa park kung saan maraming natitinda ng kung ano-ano. May playground din doon. Hinatak ko siya papasok sa may ukay-ukay. I swear, the best talaga ang ukay-ukay. Kahit mahilig ako sa mga branded clothes one of the best pa din mamili sa ukay. 

"You like this?" Jake asked. May hawak siyang dress. It's cute! Tumango ako sa kaniya at naghanap pa ng ibang damit. 

Pagtapos namin sa ukay ay pumunta na kami sa palengke. Tinanong niya pa kung para saan yung mga binili ko, eh madami pa naman daw stock. Sinabi ko nalang na tuturuan ko magluto yung girlfriend ng mga kaibigan niya. 

Nang matapos akong mamili ay agad din kaming bumalik sa tinutuluyan namin. Gising na si Isabella at Ryle pagdating namin. Binulungan ko si Isabella na mamayang 5 pm ay magluluto na ako. Siya na daw ang bahala na mag-ayos mamaya. 

Wala naman kaming ginawa kung hindi tumambay. Mamayang 2 ay mag i-island hoping daw kami. 

"Should we sleep?" Jake asked. 

"Why? Inaantok ka ba?" 

"For real, yes. And I don't know why," he answered. Natawa naman ako at lumapit sa kaniya. Niyakap niya ako habang naka-upo kami. 

"Let's sleep. I'm tired, too." Parang pumunta lang kami dito para matulog. Well, minsan lang naman kami makapag bakasyon. 

Pumunta kami sa kwarto kung saan kami natutulog ni Isabella. Magkasama sila Ryle at Isabella sa baba. Hindi ko na talaga alam kung anong iisipin ko sa dalawa na 'yon. Mag-aaway tas biglang magiging sweet sa isa't-isa. Ang gulo nila. 

"I will sleep beside you?" 

"Gusto mo ba?" 

"Yeah, but I want your decision, Heather." Tumango ako dahil malaki ang tiwala ko kay Jake. Sa nagdaang buwan ay walang araw na hindi niya ako tinatanong sa opinyon ko. Kahit kapag yayakapin niya ako ay tatanungin niya pa kung okay lang daw ba sa 'kin. Kung kumportable daw ba ako. 

He immediately hugged me when we lay in bed. 

We slept for like 2 hours. When I woke up, Jake is already awake. He's staring at me like I'm the most precious thing he ever had. I kissed his cheeks and hug him. I really love this man. Hinding hindi ako magsasawa na mahalin siya. 

I'm so lucky to have Jake in my life. 

Captivating FlowerWhere stories live. Discover now