18

10 1 0
                                    



"Let's swim!" Inaya kaagad ako nila Isabella na mag-swimming pagtapos naming kumain. Sabi ko ay susunod nalang ako dahil medyo busog pa ako. Sa dami ba naman nang pinakain sa 'kin ni Jake. 

"You don't want to swim?" Jake asked while I was staring at them. 

"Maya-maya na, Jake. Busog pa kasi ako. Ang dami mo kasing nilagay sa pinggan ko." That was supposed to be a joke but he became serious. 

"Oh, I'm sorry about that. Ang konti kasi ng kinain mo kanina kaya baka gutom ka pa." 

"It's okay. Masarap naman ang ulam." 

He sat beside me. Hindi pa din siya nagpapalit ng damit pang swimming dahil sabi niya ay hihintayin niya ako. Nang makita kong lahat sila ay nandoon na sa dagat ay napagdesisyunan ko na magbihis na din. 

Si Jake ay nasa likuran ko at nakasunod lang sa 'kin.

I wear the two-piece swimsuit I bought last year. It's a ruched lettuce trim off-shoulder bikini swimsuit. And its colour is white. Sinuot ko din ang scallop trim cover up na binili ko. 

Paglabas ko sa kwarto ay nandoon na si Jake at naghihintay. He's wearing a beach shorts and white sleeve less polo. Naka bukas din ang tatlo sa butones ng suot niya. He's really handsome. 

"What's with the stare, Heather?" 

Natatawa akong umiling sa kaniya. Ang gwapo niya, sobra. 

"You're so beautiful." 

My cheeks immediately turned into colour red. 

"You're being strawberry again." Hinampas ko siya dahil aasarin niya nanaman ako. Tuwing namumula ang mukha ko ay tinatawag niya akong strawberry. 

"Let's go," he pulled me and snake his arms into my waist. 

Nadatnan namin na nagpi-picture sila Isabella kaya lumapit ako sa kanila para makisali. 

"Ay, sumasapaw ka nanaman sa kagandahan ko, Thea!" she suddenly said. 

"Ha? Ako lang 'to, Isabella." Napatawa ako nang bigla siyang sumimangot. 

"Ikaw ba may birthday?" Hinayaan ko na lang siya dahil alam kong pikon nanaman siya kay Ryle. Hindi ko alam kung bakit ganyan sila umakto. Ramdam ko na gusto nila ang isa't-isa pero ayaw nilang umamin. Pataasan talaga ng pride ang dalawang 'to. 

Lumapit ako kay Jake dahil magpapalagay sana ako ng sunblock. Kay Isabella sana kaso kung saan-saan nanaman napadpad yung babae na 'yon. 

"Come here. I will put sunblock on you." Naunahan niya ako, ah. Minsan ay iniisip ko na mind reader talaga si Jake. 

"What are you thinking, Heather? Iniisip mo nanaman na mind reader ako?" Oh, diba? Astig talaga neto, eh. 

"Hindi ah!" Defensive kong sabi. Alam kong susungitan niya ako kapag sinabi kong baka mind reader talaga siya. Pano ba naman kasi ang dali niyang mahulaan ang iniisip ko. Titingin pa lang ako sa kaniya alam niya na agad ang gusto kong iparating. 

Umupo ako sa tabi niya para mas maayos niya akong malagyan ng sunblock. Hinubad ko din ang suot kong cover up.

"Hindi ka ba mag si-swimming?" Tanong ko kay Jake. Naka-upo lang kasi siya dito. 

"Later," he said so I nodded. Kahit paglalagay ng sunblock ay sobrang seryoso niya. Nang tapos niya na akong lagyan ng sunblock ay tumayo na ako.

"Want me to take a picture of you?" 

"Okay lang ba?" 

"Of course." 

Kung saan-saan kami napadpad kakahanap ng magandang view at pwesto para sa picture ko. Parang professional photographer 'tong manliligaw ko. Tinignan ko ang mga kuha niya na litrato. 

Captivating FlowerWhere stories live. Discover now