12

16 1 0
                                    


From: Jace Kyle

Good morning, beautiful. See you later. 

Pag gising ko ay text ni Jake ang bumungad sa 'kin. Nag reply naman ako kaagad. Nag sorry din ako dahil nakatulog ako kagabi habang magkausap kami. Pano ba naman, nakaka-antok yung boses niya.

Naligo na ako at nag-ayos ng sarili. Pagbaba ko ay wala sila Mommy dahil may pinuntahan daw. May iniwan silang pagkain sa lamesa na niluto ni Mommy. Nagtimpla ako ng kape bago kumain. Habang kumakain ako ay kausap ko si Jake sa Instagram, because he replied on my ig story.


@J.kyle: You look so good.


@Solarace: Hoy ano ka ba, ako lang to! HAHAHAHAHAHAHA


@J.kyle: Yeah, yeah. Anyways, can I pick you up later?


@Solarace: Sure! 


Sinabihan ko na yung driver namin na may susundo sa 'kin at  hindi niya na ako kailangan ihatid. Habang hinihintay ko si Jake ay nanonood lang ako sa netflix ng mga hindi ko pa natatapos na series. 

"Mam, may tao po sa labas. Hinahanap po kayo." Tumango ako. Dali-dali akong lumabas at sinalubong ako ni Jake na may dalang red roses. 

"Hi, beautiful." Dahil sa kilig ay hindi ko na napigilang hampasin siya. 

"Kainis ka! Araw-araw mo nalang ako pinapakilig!" Natawa naman at niyaya niya na ako na umalis. 

Habang nasa sasakyan kami ay wala kaming ginawa kung 'di magkwentuhan at mag-asaran. Inaasar niya 'ko kasi sobrang pula daw ng mukha ko kanina. Kilig na kilig daw ako sa kaniya. Well, totoo naman.

"Oh, talaga ba Jake?"

"Just kidding. Ang ganda mo." 

"Yan ka nanaman, eh!" Tinawanan niya lang ako at nagpatuloy sa pag da-drive. 

Nang makarating kami sa school ay pinagbuksan ako ni Jake ng pinto ng sasakyan niya. Dala-dala ko ang bulaklak na binigay niya habang papasok. Dapat ay iiwan ko na to sa bahay, eh pero iinggitin ko muna si Isabella.

"Hi, Bella! Good morning." 

"Oh, ano maganda sa- wow, gago! May pa bulaklak!" Pinalo niya pa ako at kinuha sa 'kin ang bulaklak.

"Sana all! Hala, when kaya? Sino ba naman ako para bigyan ng bulaklak, diba?" Tinawanan ko siya dahil kung ano-ano nanamang pagdadrama ang ginagawa niya.

Binalik niya sa 'kin ang bulaklak at umupo sa tabi ko. Tinanong niya ang tungkol sa amin ni Jake. Kung ano na daw bang update. Ginawa akong balita ha!

"Nanliligaw sa 'kin." 

"Weh? Nauna ka pa sa 'kin ha!"  Tumahimik na kami dahil start na ang lesson.

Paglabas ko ay nakita ko agad si Jake na nag-aantay sa 'kin. Tinulak pa ako ni Isabella. Ang bitter talaga netong babae na 'to! 

"Di ka pa kumakain?" Tanong ko kay Jake nang makalapit ako sa kaniya. 

Umiling siya. "Inaantay kita." 

Naisipan namin na sa Starbucks nalang kami kumain dahil malapit lang naman. Yung last na punta namin doon ay kasama sila Bella. Niyaya ko si Bella kaso ayaw niya daw maging thirdwheel. 

"What do you want? Ako na o-order."

"Iced white chocolate mocha and Butter croissant nalang." 

Habang naghihintay ako ay inilabas ko muna ang cellphone ko para magcheck ng social media accounts. Nagulat ako nang sumalubong sa 'kin ang dagsaang notification. Artista talaga 'tong si Jake.

It's was while holding the flower that he gave me earlier. When we were in the car earlier, he asked if hhe can took a photo of me. And his caption was "Beautiful." Pinigilan ko ang sarili ko na tumili. Lord, ang swerte ko naman sa lalaki na 'to. 

Agad kong tinago ang cellphone ko nang bumalik na si Jake. 

"Here." Nilapag ni Jake ang order naming dalawa. 

"Oh, di ka um-order ng iba para sayo?" 

"Gusto ko tikman yung katulad ng order mo." Tumango ako sa kaniya at nagsimulang kumain.

Habang kumakain kami ay tinanong niya kung kamusta ang araw ko. Kung may naging problema daw ba ako sa acads. Kung may plan ba ko this week. He's really caring. 

"Okay naman lahat. Walang problem. Ikaw? Any plans this week?" 

"I want to spend time with you this week." Hirap magtago ng kilig ha!

"Hmm, where?"

"Tagaytay? We have a rest house there. But you can choose where you want to go." 

"Hala, sige sa tagaytay nalang. Bata pa ako simula nung huli akong nakapunta doon. Ay, muntik ko na malimutan. Bukas daw we can have simple dinner na sa house." 

"Alright." 

Marami pa kaming napag-usapan tungkol sa plano namin this week. Kwinento niya na sa tagaytay sila nag-stay ng 1 month dati kaya may rest house sila doon. Umuwi daw kasi ang relatives niya galing ibang bansa and nagbakasyon dito sa pilipinas. 

Inihatid niya din ako sa room at sinabi niya na susunduin niya ako mamaya. 

"Sus, landi!" Hinampas ko si Isabella nang makita ko siya sa likuran ko. 

Mas naunang matapos ang klase namin kaysa kila Jake. Hinintay ko nalang muna siya sa tambayan malapit sa building nila. Wala din naman akong magawa kaya nagbasa nalang muna ako ng reviewer ko. 

Suot ko ang salamin ko at tinali ko ang buhok ko. Dahil malakas ang ihip ng hangin ay nalalaglag ang mga baby hair ko at tumatabing sa mata ko habang nagbabasa. Hinayaan ko lang ito at nagpatuloy sa ginagawa. 

"You're even prettier when you're serious." Napa-angat ako nang tingin dahil may nagsalita sa likuran ko. 

"Weh? Mukha daw akong mataray, eh." 

"No, you look good. Even when you're reading, you're still beautiful." 

"Psh, yan ka nanaman. Tapos tatawanan mo nanaman ako kasi ang pula-pula ng mukha ko." 

"Because you look so cute when your face is turning red. You look like a strawberry." 

Pagtapos niyang sabihin yon ay may nilabas siyang strawberry shake. Ang nakanguso kong labi ay napalitan ng isang malaking ngiti. 

"Thank you!" 

"Always welcome, my strawberry." My favorite fruit is strawberry. Hindi ko alam dito kay Jake, minsan nagugulat nalang ako ay alam niya ang iba kong favorite. Alam niya kung anong dream place ko na gusto kong puntahan. Alam niya yung favorite color ko. Kahit pati favorite cartoon character ay alam niya. 

Sabi niya sa 'kin ay nalaman niya yung iba dahil kay Isabella. Tapos yung iba naman daw ay napapansin niya lang sa 'kin. Katulad nung favorite color ko. Napansin niya daw kasi na palaging kulay lavender and white.

"Wala kang ibang niligawan bukod sa 'kin?" Biglang tanong ko habang nasa sasakyan kami. 

Umiling siya at tumingin sa 'kin. "Wala. Ikaw lang naman ang nagustuhan ko, Heather."

I bit my inner cheek to stop myself from smiling. Grabe, ilang years tapos ako lang ang nagustuhan niya? Parang imposible naman 'yon. 

"Talaga? Di ka nagbibiro?" Taka kong tanong. 

"I'm serious. Try to ask mom. Sasabihin niya sayo kung gaano ako kabaliw sayo." 

I nodded and pouted. 

Captivating FlowerМесто, где живут истории. Откройте их для себя