#BDChapter9

58K 1.1K 264
                                    

"Gusto kitang tikman, Alyssa. Gusto kitang madama." Halos bulong ni Mr. Elijah sa tenga habang patuloy niyang pinapadama sa balat ko ang mainit niyang labi.

Kung pwede ko lang sabihin sa kanya na natikman at nadama na niya ako para makawala na ako sa kanya ngayon pero ipapahamak ko lang ang sarili ko dahil ako ang babaeng sumira sa kasal niya. 

Bumalik na naman sa akin ang ala-ala ng bachelor party. Gusto kong umiling pero hindi sumasang-ayon ang katawan ko dahil sa ginagawa niya sa akin. Ganitong-ganito ako noong gabing iyon. Wala sa plano na may mangyari sa amin pero sumang-ayon lang ang katawan ko kay Mr. Elijah.

"Please..." Bulong pa niya sabay lapat ng labi niya sa leeg ko at nadama ang pagsipsip niya doon. Hinalikan niya pa ang parteng 'yon matapos.

Napakuyom na lang ang kamao ko. Dapat pinipigilan ko na siya kasi hindi ito tama, hindi na dapat pang maulit ang gabing iyon. Pero nauulit na naman na napapasunod niya ang katawan ko sa gusto niyang mangyari.

Bakit? Bakit pagdating sa kanya ay ang bilis sumang-ayon ng katawan ko?

Umangat ulit ang ulo niya para humarap sa akin. Itong mukhang ito, hindi pa rin nagbabago simula noong gabing iyon. Iyong mga mata niya...na para bang matagal ko nang nakita ang mga matang ito dahil sa titig niya na para bang matagal na niya akong...nakikita.

Humawak pa ang isang kamay niya sa pisngi ko at humaplos doon ang hinlalaki niya. Habang tinititigan ko ang mukha niya ay naalala ko lahat ng nadama ko sa bachelor party. Iyong init ng katawan niya, iyong init ng mga halik niya at iyong init ng alaga niyang sumakop sa pagkababae ko.

Gusto ko ulit maranasan 'yon.

Kaya tumango ako.

At kasabay n'yon, ang pagsakop ni Mr. Elijah ng labi niya sa labi ko. Agad na lumapat ang labi niya sa labi ko. Matapos ang anim na taon ay muli ko 'tong naranasan. Ang pinagkaiba lang ay wala na ang impluwensya ng alak. Pareho kaming matino, isandaang porsyento na gusto na namin ang nangyayari.

Nagpatuloy pa kami sa halikan. Umangulo pa ang ulo niya para mas mahalikan niya ako. Hindi ako marunong sa ganito kaya hinahayaan ko na lang siya. Sumusunod na lang ako sa galaw ng labi niya. Ang lambot at ang init ng labi niya. Nabubuka ko ng kaunti ang labi ko kaya nasusundot ng dila niya ito na tila gustong pumasok sa loob ng bibig ko.

Gumapang pa ang isa niyang kamay papunta sa likod ko para ihapit ang katawan ko padikit sa katawan niya kaya napahawak ako sa mga balikat niya. Dama ng mga palad ko ang katigasan ng muscles niya.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang dila niya sa loob ng bibig ko. Nilalaro niya ang dila niya sa dila ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya pinabayaan ko siya sa mga gusto niyang gawin sa akin. Salitan siya sa paghalik sa labi ko at paglaro sa dila ko. Kinakapos na ako ng hangin sa halikan namin.

Maya-maya pa ay kumawala na ang labi niya sa labi ko para humalik sa pisngi ko pababa sa leeg ko, kasabay n'yon ang pagtanggal niya ng mga butones sa blusa ko. Nabigla ako sa ginawa niya kaya napahawak ako agad sa kamay niya.

"Sir---" Pagpigil ko sa kanya. Hindi ako sanay na may nakaka-kitang iba sa katawan ko. Kahit alam kong may nangyari na sa amin dati pero ang tagal na n'on. Hindi ko kayang maghubad sa harap ng isang lalake.

Napatingin siya ulit sa mga mata ko. Iyong tingin na naghahalo ang libog at pagkagusto. Tama ba? Tama ba ang nararamdaman ko na may gusto siya sa akin? O, isa lang ako sa magiging babae niya para pampalipas oras?

"Relax,  Alyssa." Sambit niya nang ituloy niya ang pagtanggal sa butones ko. "Alam kong may tinatago kang magandang katawan sa loob ng mga suot mo. Let me see your beautiful body."

Bachelor Daddy (Rewritten)Where stories live. Discover now