#BDChapter20

59.7K 1.3K 366
                                    

"Papa!" Masayang pagtakbo ni Uno papunta kay Elijah.

Nakaparada na ang kotse ni Elijah sa ibaba ng street namin. Hindi ko na siya pinaakyat pa para hindi na sayang sa oras kaya binaba na namin siya ni Uno. Napag-usapan kasi namin na ipa-pasyal namin si Uno ngayon bilang isang buong pamilya na.

Alam kong excited na siyang magkasama kami sa iisang bahay pero hindi pa imposible 'yon kasi marami pang dapat isaalang-alang gaya ng school ni Uno. Saka, saan ba niya kami iba-bahay e ang layo nitong Doldam? Hindi ko pa lubos maisip na magbabago na ang buhay namin na mag-ina.

Sinalubong naman ni Elijah ang anak niya at kinarga ito. Hinalikan pa niya sa pisngi ang anak niya. "Na-miss kita agad, anak. Hindi nga ako nakatulog dahil excited na ako sa araw na ito."

"Luh papa, mag-eyebags ka po n'yan." Sagot naman ni Uno sabay turo sa mga mata ni Elijah.

Parehas lang kami ni Elijah na hindi masyadong nakatulog. Si Uno lang talaga ang nakatulog ng mahimbing. Lumapit naman ako sa dalawa, sa mag-ama ko.

Nginitian ko naman si Elijah. "Good morning."

Ngumiti naman si Elijah at agad na hinapit ako ng isang braso niya padikit sa katawan niya kaya madali niya akong nahalikan sa labi ko. "Good morning, mahal."

Nagulat ako sa ginawa niya at nahiya sa harap ng anak namin. Hinampas ko agad si Elijah sa braso niya habang humagikhik naman si Uno na tila kinilig pa sa aming dalawa. Masaya sana ako para kay Uno na kumpleto na kaming magulang niya pero hindi pa ako sanay na para kaming mag-asawa na ni Elijah. 

"Lab-lab mo mama ko." Banggit pa ni Uno na mas nagpamula sa pisngi ko. 

"Love ko talaga 'tong mama mo, my Uno and only." Patuloy na pang-aasar pa sa akin ni Elijah.

Tinanggal ko naman ang braso niyang nakahapit sa bewang ko. "Tumigil na nga kayo. Saan ba tayo pupunta?"

Ngumisi lang siya at ibinaba na si Uno. Hawak-kamay silang mag-ama na naglakad. Tumabi naman ako kay Uno kaya humawak din siya sa kamay ko. Ang sarap lang tignan na isa na kaming buong pamilya. Nagtaka naman ako kay Elijah na parang kabisado niya ang Doldam dahil nauuna pa siyang maglakad sa amin ni Uno na parang siya ang magdadala sa amin sa park.

"Nakapunta ka na ba rito sa Doldam bago tayo ulit nagkita?" Tanong ko naman sa kanya. "Parang kabisado mo rito, ah. Hanggang dito ba naman nakalandi ka."

Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa sabay lingon sa akin. "Cute mo naman magselos, mahal. Pwede ko naman kayong dalhin ni Uno sa family friend namin na rito nakatira? Mabait 'yon si Tito Zeki at Tito Chuckie."

What?! So all along may chance na nagkasalubong na ulit kami rito sa Doldam pero hindi lang namin napapansin ang isa't isa? Pero teka, bigla akong may naalala. "So, dito ba 'yong sinasabi mo na nagkita tayo bukod sa bachelor party mo?"

Tumawa naman siya sabay tingin sa daan. "Secret walang clue."

Bwisit!

Tumuloy na nga kami sa park para maglaro ang mag-ama. Nagdala pa si Elijah ng bola para maglaro ng football, at disc para maglaro ng frisbee. Kita kong tuwang-tuwa si Uno. Ako naman ay nakaupo at pinapanood silang dalawa.

Pagdating nang pananghalian ay bumalik kami sa kotse ni Elijah para maghanap ng maka-kainan. Kumain lang kami fastfood kasi iyon ang gusto ni Uno. S'yempre si Elijah pa rin ang nag-asikaso kay Uno, na talagang bumabawi sa anak niya. Matapos kumain ay namasyal pa kami sa mall.

Matapos mag-bonding ang mag-ama ay nakatulog na si Uno sa pagod kaya karga-karga niya ang bata hanggang sa parking. Ini-upo niya ang bata sa may passenger seat. Nang matapos ay sumakay na rin kami sa kotse at nagmaneho na si Elijah.

Bachelor Daddy (Rewritten)Where stories live. Discover now