#BDChapter14

57.7K 1.1K 106
                                    

nasa parking ako, waiting for you...

Kanina ko pa tinititigan ang text ni Mr. Elijah sa akin. Ano ba 'tong pinasok ko? Bigla na lang nagkaroon ng lalake sa buhay. Never akong nagka-jowa kaya bago sa akin itong may nagte-text para makipag-meet after work na akala mo ay boyfriend ko siya.

Kung kailan may anak na ako saka ko pa ito nararanasan ang makipaglandian. Baka husgahan na naman ako ng mga tao gaya noon na mabubuntis daw ako ng maaga, ayun, nabuntis nga ako ng maaga.  Pero bago nila ako husgahan na isang dalagang ina, tignan muna nila ang mga lalakeng tumatakbo sa responsibilidad.

wag kang magmadali para hindi naman halata na excited kang makita ako. lol

Napatingin ulit ako sa cellphone ko nang makatanggap ulit ng text kay Mr. Elijah. Bakit ba kating-kati 'tong lalakeng ito na may mangyari sa amin?! E, for sure naman, ang daming willing bumukaka para sa kanya, iiyutin na lang niya. Pero, iyong pagbukaka ko ata ang favorite niya. Iba talaga kapag lumaking nag-i-split gaya ng sexbomb. Charot.

At hindi ba siya makatiis? Nakaka-ilang araw pa lang ako sa pagte-take ng pills tas ang gusto niya agad ay may mangyari agad sa amin?! At nag-iinarte pa talaga ako, e may nangyari na nga ulit sa amin. Iyon nga lang ang problema ko sa lalakeng ito ay mahilig magpaputok sa loob!

May balak ba akong buntisin nito?! Ulit?! Pregnancy is sweeter in second time around ba sa kanya?!

Sa totoo lang, masarap talaga ang sex. Kaya gets ko na si Mimi na hindi kayang mabuhay ng walang titi sa buhay. Welp, isang lalake pa lang ang nakakagalaw sa akin kaya isang titi pa lang ang nakikita ko sa buhay ko. Pero, wala naman kaming relasyon. Iyon nga lang, gusto niyang mag-date kaming dalawa. Date with benefits nga lang.

Papa G-Shoes, bakit ba kasi ang gwapo, ang bango at ang yummy ng tatay ng anak ko?! Ang galing pa sa kama! Kaya hindi ako maka-no agad, yes na yes talaga lagi.

Wala na akong nagawa kung 'di bumaba sa parking dahil tapos na ang trabaho ko. Wala, e. Masarap ang sex lalo na sa tatay ng anak ko.

Nagpalinga-linga pa ako para hanapin kung nasaan siya at nakita ko nga sa dulo naka-park si Mr. Elijah habang nakasandal-paupo sa hood ng sports car niya habang naka-cross ang legs at arms. Napatingin din siya sa akin.

For some reason, sa tuwing nakikita ko siya, gumugulo talaga ang tibok ng puso ko. Habang patagal nang patagal ay mas gumugulo na ang mga nararamdaman ko. Iyong datingan pa lang kasi niya: naka-low fade cut at wax ang upper hair; tas iyong long sleeves niya na nakatupi hanggang siko; at trousers at loafer.

Kay CEO Elijah Villavicencio lang magpapakarupok.

Naglakad na ako palapit sa kanya at habang palapit ako ay nakangisi siya sa akin. Ngising bubuntisin ako ulit for the second time around. Talaga bang meant-to-be kami? Hay ewan.

Huminto na ako sa harap niya. "Sir, may anak na ako, hindi ako mayaman, 'di ako gan'on kagandahan, malayo ang antas natin sa isa't isa. Bakit ba kasi ako?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

Matagal lang niya akong tinitigan habang hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi niya. Kumalas na ang dalawang braso niya sa pagkaka-cross sa dibdib niya. Linapit pa niya ang kamay niya sa mukha ko at inayos ang buhok ko sa likod ng tenga ko sabay tingin sa akin.

"Ang dami mong sinabi, Alyssa. Isang rason lang naman ang mayroon ako kung bakit ang gusto ko."

Kunot-noo ko siyang tinignan. May pa-suspense pa, hindi na lang sabihin. "Ano naman 'yon?"

Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako palapit pa sa kanya. Linapit niya ang mukha niya sa mukha ko. "Mahilig na ako sa single mom ngayon, Alyssa." Sabay dampi ng labi niya sa labi ko.

Bachelor Daddy (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon