#BDChapter16

55K 1.2K 81
                                    

Ang bilis ng tibok ng puso ko nang magtama ang tingin namin ni Uno. Ngumiti siya at tinaas ang kamay. "Mama!" Sigaw niya sabay bitaw kay Mimi para tumakbo sa akin pero...

...pero nadapa siya sa mismong harap ni Mr. Elijah.

Kita kong huminto si Mr. Elijah sa paglalakad nang mapatingin siya kay Uno. Agad siyang nag-squat para alalayan si Uno sa pagtayo at nagtama ang mga mata nila sa unang pagkaka-taon.

Nagkita na sila. Nagkita na ang mag-ama ko. Nakita na ni Elijah si Uno.

Bagsak ang dalawang balikat ko. Kahit ano'ng iwas ang gawin ko, ang tadhana na talaga ang nagdadala sa dalawang ito sa iisang lugar para magtagpo. Noong una, kaming dalawa ni Elijah ang muling pinagtagpo ng tadhana. Ngayon, sinadya na ng pagkakataon na mag-krus ang mag-ama ko.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang sasabog sa kaba ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang dalawa. Nako-konsensya ako sa kanilang dalawa dahil ang daming pagkakataon na pwede akong umamin na mag-ama sila pero hindi ko magawa.

Nakikita ko na ang galit ni Mr. Elijah sa akin, at ang sakit na pwedeng maramdaman ni Uno sa paglilihim ko sa kanya sa totoo niyang papa.

Kita kong pinagpagan ni Mr. Elijah ang tuhod ni Uno. At kita kong namumula na ang ilong ni Uno dahil nagpi-pigil sa pag-iyak. Ayaw kasi ni Uno 'yong napapahiya siya sa maraming tao. Gusto kong humakbang palapit sa anak ko pero parang wala akong lakas para kumilos.

"Anak niyo, Sir Elijah?" Biglang sambit ng isang staff na kasama ni Elijah.

Napalingon muna si Mr. Elijah sa staff niya bago muling tinignan si Uno. Matagal niya lang tinitigan ang mukha ni Uno. Kita ko ang kunot sa noo niya dahil alam kong nagtataka siya kung bakit kamukha niya ang batang nasa harapan niya. Halatang binabalot siya ng mga katanungan ngayon kung sino ang batang kaharap niya ngayon.

"Are we---" Wika ni Mr. Elijah pero hindi niya matapos ang sasabihin niya. "Nasaan ang magulang, I mean, ano'ng pangalan mo?"

"U-uno po, mister..." Sagot ni Uno na humihikbi na.

"Hey, buddy." Alo ni Mr. Elijah sa anak namin sabay punas niya ng luha ni Uno gamit ang panyo niya. "Okay lang 'yan. Normal lang ang madapa, okay? Ang mahalaga ay tumayo tayo ulit."

Tumango naman si Uno sa papa niya. "O-opo."

Ngumiti na si Mr. Elijah at pinisil ang pisngi ni Uno. "You smile na." Sumunod naman si Uno at ngumiti sa papa niya. "Nandito ba ang papa o mama mo?" Tanong pa ni Mr. Elijah sa bata.

Tumango naman si Uno sabay turo sa akin. "Opo, ayon po ang mama ko po, mister!"

Sinundan naman ng tingin ni Mr. Elijah ang tinuturo ni Uno. Kita ko ang gulat sa mga mata niya nang mapagtanto niya na ako ang tinuturo ni Uno. Alam kong mas binalot siya ngayon ng kaguluhan sa utak niya. Ngayon ko nakumpirma na hindi niya ako natatandaan. Hindi niya natatandaan ang babae sa bachelor party.

Lumapit na ako sa kanila. Humawak naman sa hita ko si Uno. "Mama..."

Nginitian ko rin si Uno. "Okay lang 'yan, baby. Wala namang sugat. Mamaya sa bahay, haplusin ni mama ang tuhod mo, okay ba 'yon?"

Tumango-tango naman si Uno na natuwa sa sinabi ko. "Salamat mama ko po!"

Hinaplos ko pa ang pisngi ni Uno bago tignan si Mr. Elijah na nakatingin pa rin kay Uno. "S-salamat."

Napatingin na sa akin si Mr. Elijah na puno na ng agam-agam sa itsura niya. "S-siya ba ang anak mo?"

Anak natin pero wala lang akong lakas ng loob umamin.

Tumango naman ako. Wala akong sinabi. Hindi ko na kayang magsalita dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Patawarin niyo akong dalawa dahil kahit sa puntong ito ay hindi ko pa kayang umamin sa inyong dalawa.

Bachelor Daddy (Rewritten)Where stories live. Discover now