~Chapter 16~

29 2 0
                                    

Buti naman at Finals week na!!!

Ang bilis ng panahon bagong taon nanaman at ngayon ay finals week na, malapit na kami maging grade 12. 

Medyo exciting na nakakakaba dahil nga after ng gr 12 ay mag cocollege na ako, I'm i ready to see my destination in life? or baka hindi ko pa kayang mapunta sa destination na 'yon. 


"kapagod!! ba't kasi precal" pag ra-rant ni zac. nag ra-rant pa siya eh nangongopya lang yan sa 'kin. 

"hoy, kumokopya ka na nga lang sa 'kin eh nag iinarte ka pa dyan" banggit ko 

"eh kasi what if pag college na tayo, tayong dalawa nalang mag kasama edi hanggang doon kailangan ko mangopya?? siyempre 'di no!!" sabi niya, tama naman siya eh kaso tamad siya mag aral paano na yan? 

"sa tamad mong yan hindi ko alam kung makakagraduate ka eh" pang- asar ko kaya binatukan niya ako. "aray!! ansakit ahh!" sigaw ko kaya natawa siya "kung batukan din kaya kita no!" inis na sabi ko at tumakbo siya, duwag. 




When I arrived at the condo nakita ko agad si kevin, he was cooking something. 

"oh, gabi na ah san ka nag punta??" he ask, while cooking. 

"ahh nag punta lang ako sa mga schools para preperation ko na rin kapag nag college na ako" banggit ko kaya tumango siya. 

"anong linuluto mo??" tanong ko, agad naman siya lumingon sa 'kin 

"kare-kare" banggit niya at pinatikim pa saakin, "hmm, ansarap ah chef yarn??" pang-asar ko kaya natawa siya. linagay niya na yung mga ibang ingredients at papakuluan nalang para makakain na kami. nagugutom na talaga ako kanina pa, hindi kasi ako nag meryenda. 




"dinner is ready!!" banggit niya, kaya tumayo na ako doon sa sofa dahil kanina papala ako nanonood ng netflix, mahilig kasi ako manood ng netflix lalo na kapag may mga zombie-zombie ganon. gusto ko may violence. 

"oh tanga, yung zombie nahulog" sabi niya kaya natawa ako, tahimik lang kami kumain habang nanonood ng movie ng biglang may tumawag kay kevin. "wait, i'll answer this first" tumango naman ako kaya nag punta siya papalayo sa 'kin. 

"sino kaya 'yon?" I mumbled to myself, bukas nga pala monday na at babalik na ako sa trabaho nag break muna kasi ako sa Confetea Brews dahil nga finals week namin at kailangan ko mag aral para makapasa ako. HIndi ko naman kayang pagsabayin 'yon no. Excited na nga raw sila althea at adele na makita ako, antagal daw nila akong 'di nakita. sabagay sa ganda kong 'to sino ba hindi makakamiss. 

Bumalik na sa dining table si kevin, Pag katapos niya sagutin yung tawag. "sino 'yon?" tanong ko, 'di naman siguro masamang mag tanong 'di ba? "ahh, si mommy uuwi nga pala ako bukas sa bahay namin may kailangan akong asikasuhin baka mag isa ka lang dito" banggit niya tumango naman ako at kumain na ulit. 








I was doing my skincare then suddenly he wrapped his hands  around my waist. "clingy kaba?" tanong ko habang nag papahid ako ng moisturizer sa mukha ko. "maybe" tumingin agad ako sakanya habang ang mga kamay niya ay naka yakap parin saakin. 

"anong meron? bakit parang may problema ka yata" he smiled at me, but that smile suddenly breaks my heart. alam kong peke 'yon dahil kita ko sa mga mata niya na may tinatago siyang sikreto. 

"nothing, miss ko lang mukha mo" banggit niya 

"huh?? araw-araw mo nakikita mukha ko tapos miss mo?" tanong ko, kaya natawa siya. 

"ganoon talaga kapag nakikita lagi mamimiss mo bigla" banggit niya

"weirdo mo doon kana nga" sabi ko kaya umalis na siya sa loob.




All AloneWhere stories live. Discover now