~Chapter 20~

24 2 0
                                    

After that confession, hindi ko kayang makita si Luke. Hindi naman sa ayaw ko siyang makita but I feel bad for him but I'm thankful that were still friends. 

I really want to know who she likes, pero hindi ko ineexpect na ako pala yun. But there's a reason why we should not be together, one of it is I just found it out recently. 

I remember that back then my dad cheated on my mom hindi namin kilala yung babae pero ngayon nalaman ko na. 




*FLASHBACK*

"papa, saan ka po pupunta?" I asked my dad, aalis nanaman siya at maiiwan nanaman ako sa bahay namin dahil nga wala rin dito si mama. 

"dyan ka lang anak, huwag mo bubuksan ang pinto maraming magnanakaw sa panahon ngayon" banggit niya, I was only a kid. Sobrang bata ko pa para maiwan nalang mag isa rito sa bahay. 

Pagkalabas niya ng gate sinara niya yun at pinadlock pa para raw safe ako. 

That's when I realize that I can live all alone. 

Hindi ako natatakot siguro dahil nasanay na akong naiiwan ako, lumabas ako ng bahay namin buti nalang iniwan sa akin ang susi ayoko naman akyatin 'to. 

Nagpunta ako sa malapit na bakery saamin dahil nagugutom na ako. "Oh laura!! ang laki mo na, wala nanaman magulang mo??" tanong nung nag titinda

"wala po eh umalis" banggit ko habang binabalot niya yung favorite kong tinapay yung monay. 

"oh 'wag kana mag bayad itabi mo nalang 'yan ipunin mo iha" banggit niya

"talaga po? thank you po" sabi ko at umalis na roon. 

Bigla akong nakapansin ng pamilyar na kotse, mercedez na kulay black tiningnan ko pa yung plate number kung siya ba talaga 'yon at tama nga ako. Sasakyan 'yon ng nanay ni Luke ang yaman talaga nila sabagay parehas doctor, ang perfect ng buhay ni Luke hindi niya iisiipin mga gastusin nila dahil mayaman na sila. 

Nagtaka pa ako ng makita ko ang tatay ko bumaba roon sa sasakyan ng nanay ni Luke. Magkakilala sila??

"papa!!" sigaw ko, at lumapit ako sakanya. 

"hello po Tita Lilian" banggit ko, ang ganda talaga ng mommy ni Luke mukhang anghel. 

"hi Laura, you look so pretty today.. oh btw I have a gift for you" Inabot niya sa akin ang limang paper bag, nakakahiya tuloy dahil puro branded yung binigay sa akin. 

"Thank you po Tita Lilian" I said, then she randomly hugged me I smell her scent and it was nice I don't know why but the warmth from her hug comforted me. 

"Just call me Tita Lili okay?" she said

"sige po Tita Lili" banggit ko at nag smile siya sa akin. 

Then I notice her necklace, it was an anchor necklace. Parehas ng necklace ng tatay ko.

"tita Lili ba't po kayo may anchor necklace??" tanong ko, he look shocked about my question. 

"It was a gift from someone who is my beloved" she said while smiling. 

"si Tito Laihan po ba?" binaggit ko ang pangalan ng tatay ni Luke. She only smiled but doesn't answer my question. 

"do you want to have it?" She asked

"Hindi niyo naman po ako mahal na kasing katulad nung nag bigay niyan sa inyo at isa pa po may value po 'yan" I said, naguluhan ako ng bigla niyang tinanggal ang necklace at isinuot sa akin. 

All AloneWhere stories live. Discover now