~Chapter 18~

19 2 0
                                    

Tama nga si Luke, isa sa mga mahal ni Kevin ay sinaktan ako.

Last night i was searching who is "Raymon Garcia" and sikat nga siyang pilot. Kamukha niya si Kevin and i knew in that second i was right na ang tatay niya ang piloto sa plane crash.








"ma pa, kamusta po kayo?" tanong ko habang nakaupo sa damuhan. Nakatingin lang ako sa lapida nila.

"alam niyo po, simula nung nawala kayo roon po ako naghirap na mabuhay sa mundong 'to. Hindi ako prepared sa lahat ng sakit na darating sa akin. Pero akalain niyo 'yon nakayanan ko, nakayanan kong tumayo muli"

"sorry ma at pa dahil ngayon ko lang nalalaman ang lahat..." Sana, sana sabihin sa akin ni Kevin ang sikreto na sinabi sakanya ng nanay niya.

"alam niyo po 3 months na rin kaming di nagkakausap ni Kevin, we didn't break up but we take a break.. Nakakapagod magmahal pero sabi nila kahit mapagod ka uuwi at uuwi ka parin sa taong 'yon.." deep inside i know that i forgive him already.

Hindi naman matigas ang puso ko na kayang hindi magpatawad sa taong mahal ko. I forgive but i don't forget.













"Good morning My grade 12 students I'm Ms Evelyn Santiago your adviser for this school year" panimula ng adviser namin, mukhang mabait naman siya nakakamiss lang si Sir Tobias.

"laura, stem na ba talaga si Luke?" banggit ni Zac.

Next year aalis na siya para mag study abroad. Doon na ata siya mag cocollege, ayaw niya pa raw kasing umalis ng pinas kaya naman sa ibang school siya nag enroll ngayong gr 12.

Doctor ang kukunin niya, alam ko ayaw niya 'yon pero okay lang daw sakanya.

Minamalas nga naman ka section ko parin ngayong gr 12 si Zac meron kasing tatlong section ang abm dito sa Valantino University napunta ako sa section 1 at andon din siya ang pagkakaalam ko si Kevin din section 1 kaso wala siya ngayong first day of school.







Nagpunta lang kami ni Zac sa canteen para kumain ng lunch, nag order nalang ako dahil hindi naman ako nag babaon.

"uy uy uy Laura! Nasagap mo na ba ang chismis!" banggit ni Zac na tuwang tuwa pa.

"anong chismis?" tanong ko, bigla namang pinakita sa akin ni Zac ang nasa phone niya.

"ikakasal na si Trisha Agatha?!" sigaw ko, si Trisha yung best friend ni Kevin simula nung dati pa.

"oo! Invited nga raw ako e ikaw ba?" tanong sa akin ni Zac. Wala naman akong paki alam sa kasal niya at isa pa hindi kami close no?

"hindi, 'di naman ako close sakanya"

"invited ka" nagulat ako ng biglang tumabi sa akin si Kevin.

"ayos ah late ka" banggit ni Zac

"na late ako ng gising hindi kasi tumawag ang alarm ko" biglang tingin niya sa akin.

"ay sana ol may alarm" banggit ni Zac "teka may pupuntahan lang ako maiwan ko muna kayo" sabi niya at umalis na sa kinauupuan niya.

"hi love" banggit ni Kevin, he smiled at me. Para pa nga siyang nang-aasar sa itsura niya eh, Hi love siya dyan.

"bakit ka ganyan makangiti?" naiinis na sabi ko.

"uhmmm, bukas puwede kaba pumunta sa bar? Sesend ko sa 'yo yung address may jamming kasi kami kakanta ako" naguluhan naman ako sa sinabi niya

"ano? Sino sino kayo?"

"sila Dos! yung mga kaibigan ko at si Trisha"

"ahh yung karibal ko?" umirap ako at kumain nalang

All AloneWhere stories live. Discover now