Intro : Her

206 71 77
                                    


The moon was bright and the stars were shinning. I knew it was going to be an epic hunt. After all, hunting is one of my specialty.

Maririnig ang mga kaluskos sa paligid. Mga alulong ng mga nilalang sa dilim. Naghihintay ng mga bagong biktima.

"The weather's perfect for my hunt tonight." mahina kong saad sa hangin. Nasa itaas ako ng malagong puno habang nakatanaw sa kumikinang na buwan.

Napatingin ako sa ibaba ng may marinig akong kaluskos. It looks like a pack of wild boar. It's twice the size of the normal wild boars, I wonder why. Fine enough, pwede na 'to pang isang buwan ko.

I stealthy climb to the nearest branch before taking out the knife that was hiding on my boots. "Meat," saad ko bago tumalon mula sa inaapakan at umikot sa ere. Bago pa ako bumagsak ay inayos ko ang pagkakahawak sa kutsilyo at isinaksak sa binagsakan kong baboy ramo.

Umigik ito ng napakalakas bago magsimulang magwala. Kinuha ko naman ang palakol sa likudan ko at buong lakas na iwinasiwas sa ulo ng baboy. Walang buhay itong bumagsak sa lupa sanhi upang magsitakbuhan ang mga kasamahan nito.

A smile crept into my lips, "Come to Gabby, little piggies."

♡♡♡♡

Napatigil ako ng makitang bukas ang gate ng bakuran ko. Inayos ko sa pagkakapasan ang mga karne ng baboy na hinugasan ko sa ilog. "What the hell?"

I immediately goes to my front door and noticed the small envelope na nakasuksok sa kawang ng pintuan kong gawa sa kahoy. Again? I thought tonight is my day off.

Kinuha ko ito bago pumasok na sa pintuan. Agad-agad kong isinabit ang mga karne bago umupo at binuksan ang envelope.

Hmm a traitor from the west side, huh? And what is this? Nahuling nagkakarga ng mga potion sa isang karwahe? This it too dumb. Alam nya naman siguro kung gaano kainit sa mata ng mga mamamayan ang mga potion o mga may kinalaman sa witchcraft.

So no field mission this time, only an interrogation. Madali lang naman pala. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at nagpunas ng pawis sa muka habang papunta sa lababo. Itinapon ko doon ang liham bago sindihan, nang masigurado ko ng abo nalang ito ay saka na ako nagsimulang mag ayos ng sarili.

Pgakatapos kong maligo ay nakatapis lang akong umupo sa kama habang hawak hawak ang halamang gamot. Nasugatan kasi ako kanina kaya tinatapalan ko ito ngayon ng halamang gamot. Kahit naman anong galing ng tao sa isang larangan ay hindi ibig sabihin nito na hindi na sya nagkakamali dito.

Napatingin ako sa kulay kong naging kayumanggi na dahil sa kakabilad sa araw. Lumipat naman ang tingin ko sa mga braso na punong puno ng mga peklat mula sa mga mission. Mukang may mada-dagdag na naman ah.

Binalutan ko ng puting gasa ang halamang gamot na nasa braso ko bago isuot ang uniporme. Tinali ko din ang ginger colored kong buhok.

I look at my reflection on the mirror, "Don't give up, Gabby. And mom, just wait a bit longer. I'm almost there."

Barbaric HeartWhere stories live. Discover now