Resorts & Spa X Beach

6 1 0
                                    


Nagtrabaho din ako sa isang maliit na resort dun sa probinsya namen. Maliit lang siya since 12 rooms, 1functionroom, Events Hall, 1pool, 1Spa Room, 1sauna room, 1Salon, 1boutique, 1movieandplay room lang naman. Dahil maliit lang naman ang resort konti lang kaming mga empleyado nun. 1manager, 1 kitchen staff, 1 guard, 1 resident therapist, 1 oncall therapist, at 2 Receptionist na isang pag umaga at isang pang gabe. Ako yung pang gabe. Di naman kilala ang resort na yun kaya di naman tinatao. May araw na madami guests at may araw din na wala. Ang pasok ko nun ay 7pm to 7am. Sa umaga mas busy kaya madame sila sa umaga. 2 lang kame ng guard pag gabe.

6:45pm nandun na ako kasi tatawid lang at andun na ang bhaus ko. Pag dating ko nag bihis na ako ng uniform sa c.r ng salon, di naman na nag oopen ang salon kase wala nang resident beautician. Kaya ayun na yung nagsisilbing staff room namin. Yung Manager namin nasa Front desk, yung ibang staff nasa lobby nag aantay nalang mag 7 para maout na, at yung guard nasa entrance kaya sigurado akong walang ibang tao dun kundi ako lang. Yung pintuan ng cr dun see through na blurred yung bandang taas. Nasa cr ako nun ng may naaninag akong tao na nakatayo sa labas ng cr, kumatok siya kaya sumagot akong may tao. Di siya nakinig at kumatok ulit. Sumigaw ulit ako na may tao. Di pa rin siya tumigil pag katok. Kaya nung natapos na akong magbihis, binuksan ko na ang pinto at sinabing "sabi ng may tao e---" gulat talaga ako kasi walang tao. Kita ko naman ang daan palabas ng pinto kaya sigurado akong walang tumakbo palabas. Ayun di nako nag cr dun kahit kelan.

Gabe nun, nakaduty ako. Meron kaming guests na isang pamilya nag occupy ng tinatawag namen na Cabana Rooms - 5 Rooms na katapat ng pool. Bandang dulo na yun ng resort, kase pag pasok ng entrance ng resort ay lobby, sa kaliwa yung salon at movieroom, sa kanan yung botique, sa dulong kanan yung Spa and Sauna, sa taas ng building yung 7bedrooms kasama Family Room, pag diretso mo labas ulit sa isang pinto ay open field na may malaking tent para sa Events, diretso pa at ayun na yung pool. Sa kaliwa ng pool yung function room at mini restobar at kitchen, sa dulo ng pool andun yung 5 Cabana Rooms katabi ang 4 na shower rooms.

12mn ang last round ng guard. Pag tapos niya mag rounds balik siya sa main entrance at ako naman sa front desk hanggang mag umaga na yun para di na nakakabulabog ng guests.

Kinaumagahan nagcomplain yung guest namen, bakit daw hating gabe na kumakatok pa mga staff namen. Buti nalang daw di nagising ang mga bata. Di nalang daw nila pinansin ng asawa niya at natulog ulit. Magcocomplain nalang daw sila kinaumagahan. Ayun, nung sinabi kong nasa front kame pareho ng guard at di naman kame makakapunta at balik agad nun kase malayo, natakot si Mam. Tingin ko di na yun uulit sa resort na yun.

Sa Cabana Rooms ulet, 3 babae ang guest namin nun. Sa Cabana Room #1 napili nilang room. Nung magchecheck out na sila kinaumagahan. Sinabi saken nung isa na "dapat miss sinasabihan niyo yung ibang guest niyo na wag na maingay pag malapit sa Cabana Rooms. Dun pa talaga sila nagsisitalunan sa tapat ng room namin. Dinig na Dinig namin ang splash ng tubig" nagkatinginan kame ni kuya guard. Kasi sila lang naman guest namin nung gabing yun.

Kwento to nung resident therapist namin. Sa Spa Room meron dalawang Massage bed dun. Isa lang nagpamassage kaya di niya na pinatawag yung oncall. Sa spa room at Sauna Room, dim light lang.

Nung magmamassage na daw siya kukunin niya na yung oil na gagamitin niya, bigla daw umikot. Dinedma niya at baka daw namalikmata lang siya. Pero ilang beses daw umikot yun. Tiniis nya nalang ang takot kase baka matakot din daw yung guest. Pag tapos niya nagulat daw siya kase lumabas agad yung guest. Kase hinahayaang matulog muna dun ang guest pgtapos.Sabi daw nung guest na may bata daw na naglalaro nung oil. Di nlng din daw sinabe kasi baka matakot yung therapist...

-Ye Po Da


##########
BEACH

Year 2014 when it happened. I was at the beach with my friends that time, masaya lang ang lahat since para na din syang farewell party dahil graduating kame. Mula tanghali until 8PM kame nagstay dun, it’s a private beach, pero hindi sya kalayuan sa mga bahay namen. Napili namen yung private beach na iyon dahil family friend ng classmate ko ang may ari and dahil graduating kame mas ok na sa malapit lang kame.

7:30PM nag aayos na kame, packing everything at linis nadin since free lang kaming nakapasok. Hanggang may lumapit sameng dalwang lalaking katiwa tinulungan kameng maglinis at mag ayos, napansin ko na iba yung tingin nila samen, may mga pagtitig na parang hinuhubaran. Nakapag shower at nakapagpalit na din kame nung naglinis kame so everyone is wearing a decent clothing.

Around 8pm everyone is ready to go, pero naiwan ko yung shoes ko. I was hesitant pero nahiya na ko magpasama at lahat ay may sundo and uwing uwi na. like I said malapit lang mga bahay namen so everyone feels safe.

Bumalik ako para kunin shoes ko nung malapit na ko sa exit, hinarang ako nung dalawang katiwala. Nung una nagtapang tapangan ako pero pag pala nasa ganong sitwasyon kana maghahalo ang tapang at takot. Ang natandaan ko lang sinikmuraan ako ng isa sakanila.

Pag gising ko nasa Bangka kame, parang pumalaot sila sobrang dilim at may dala lang silang flashlight. Nagsimula na kong umiyak, nagmakaawa ng paulit ulit. Mas lalo ako nag panic ng magsimulang maghubad ang isa saknila, sumigaw ako, umiyak, sumigaw ng sumigaw, binuhat ako ng isa saknila at dinapa, nakatali ang kamay ko sa likod. Pagbagsak nya saken ng padapa, gumalaw ng malakas ang Bangka at may narinig akong sigaw ng iyak.
Did u ever heard a dolphin whistles or cry? Para syang ganun. Hindi yun pinansin nang mga lalaki pero ako, still hoping na may sasagip saken, sumigaw ako, paulit ulit na pagtili. Hanggang marinig ko ulit yung tunog na nanggagaling sa dagat. Mas malakas na sya. Tumigil sya sa paghawak saken, wala na kong lakas ramdam ko na din na tuyong tuyo na yung lalamunan ko. Nakadapa lang ako, hanggang sa maramdam ko na gumalaw ang Bangka, nakita ko silang dalwa na parang takot na takot, naka tingin sa dagat habang nagsisiksikan sa gilid ng Bangka. Narinig ko silang sumisigaw, narinig ko silang nagmamakaawa. Nag papasensya. Pero hindi ko yun pinansin pinilit kong tumayo kahit nakababa ang pants ko, naupo ako sa gilid at sumigaw ng tulong pero hindi tao ang nakita ko.

Nakalabas ang ulo nila hanggang sa ear level kung isusukat sa muka ng tao. Ganun lang ang posisyon nila habang nakatingin sa dalawang lalaki sa kabilang side ng Bangka. Panibagong takot ang naramdaman ko, sino bang natawag ko? O mas tamang itanong ay ANO?

  Maya maya lang lumalakas ang alon, bigla bigla tumaob ang Bangka, ang huli kong natatandaan nag sstruggle akong lumangoy dahil sa tali ko sa likod, wala na ko matandaan.
Nagising ako nasa Bangka padin ako, pero wala na ang tali ko sa kamay, nakataas na din ang pants ko pero nakabukas pdin butones at nasa pampang na ko.
Umiyak ako, inalala ko lahat ng nangyari pero bigla akong nagulat ng may marinig akong tunog, tulad ng narinig ko kanina habang humihingi ng tulong paglingon ko nandun sila. Medyo luwa at malaking literal na bilog ang mata nila, malayo ang pagitan. Sa ilalim ng mata nila o sa parang parte ng pisngi ng tao may tig tatlong hiwa na parang hingahan. Medyo elevated ang gitna ng mukha nila parang sa ilong na parte ng tao, pero wala silang ilong. Ang bibig nila parang sa mga isda, matutulis na sobrang liit ng mga ngipin. Malansa ang amoy nila at parang kulay squid ang balat yung maputlang kulay ng squid at medyo mapula. Sa ulo nila meron silang parang buhok pero matutulis na parang sa cactus. Wala akong napansin na tenga. Ang kamay nila parang Fin ng isda pero mahaba.
Apat silang nakita ko, tulad ng pwesto nila kanina kalahati lang ng ulo ang nakikita tila nagtatago sila sa tubig. Lumapit ang isa sa kanila, napabalikawas ako, parang natakot din sya. Pero nagulat ako ng itaas nya ang tila kamay nya at tinuro ang mga bahay sa di kalayuan. Parang gusto nyang pumunta ko doon. Bigla ako nag isip. Niligtas ba nila ako? Sila yung dumating nung oras na nanghihingi ako ng tulong? Bigla ako umiyak,nalala ko lahat ng nangyari. Pero natigil ako dahil muli syang naglabas ng whistle like sound mas malakas habang nakaturo sa mga bahay.

Maya maya pa lumangoy na sila palayo, mga ilang Segundo lang may mga naririnig na kong taong nagsasalita papalapit saken. I was saved by unknown sea creature.

Tres(Horror Stories Compilation)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang