Before Christmas

5 2 0
                                    

Noong bata pa ako, palaging kinukuwento sakin ng lola ko sa father's side ang alamat ng diwata sa ilog. Pag naglalaba siya, sa may gitna kami ng dalawang bato nakapuwesto. Ang kuwento niya, iisang bato lang daw yon dati. Hindi makadaan ang diwata kaya pinaghiwalay yon. Tumatak sakin yon kasi palagi niyang kinukuwento everytime na magpupunta kaming ilog.

That was ten years ago. November, namatay si Lola Pelita sa sakit na Diabetes. Umuwi kaming Pangasinan sa last night niya. Pauwi na sana kami pero nakiusap si Tito Fred (nag-iisang kapatid ni Papa) na samahan ko si Tita Irene (asawa ni Tito Fred) kahit one week lang dahil mawawala siya ng ilang araw. Buntis si tita kaya pumayag ako tutal first week pa naman ng December yon, di maaabutan ng Christmas.

Aaminin ko sabrang boring don pero di ko masabi kay Tita Irene kasi nakakahiya. Pumapasyal naman kami pero napakaboring talaga lalo na pag gabi, walang signal sa bahay nila.

Isang araw sa sobrang bored ko nangalkal ako ng mga photo album sa aparador ni Lola. Andaming old pictures. Then I was about to flip a page nang maramdaman kong parang may umbok sa isa sa mga picture. Babalewalain ko sana pero nakakacurious talaga kasi nakaangat siya.

Nagulat ako nong makita ko yong papel na ang size is about 1/2 crosswise na pad paper at nakatupi sa apat. Pinakita ko yon kay Tita kasi di ko maintindihan, nakasulat sa Ilocano. Nagulat ako nong makita ko yong mukha niyang sobrang shocked. Di ko alam kung bakit pero ang sunod niyang ginawa, tinawagan niya sina Tito at Papa, pinapauwi.

Tita was talking in riddles so pinaexplain ko sa kanya yong nakasulat sa piraso ng papel. Halos mawalan ako ng hininga sa sinabi ni Tita. Ibibigay raw dapat ni Lola Pelita ang sulat sa isang lalakeng nagngangalang Danilo. Naisip kong nagtataksil si Lola kay Lolo Alfred (asawa ni Lola at namatay na rin six years ago) . Pero di ko kinaya yong sumunod na sinabi ni Tita.

Nakasulat sa Ilokano yong letra =translation in Tagalog : Itanan mo ako bukas sa ilog alas tres ng umaga. Ikaw ang ama ng pinagbubuntis ko. Narinig ko sila Mamang, hindi ako nagalaw ni Alfred.

Tumayo lahat ng balahibo ko. Ang Danilo na iyon ang totoong tatay ng Papa ko. Si Tito Fred ay half brother lang ni Papa. Hindi kami halos makapaniwalang lahat nong umuwi sina Papa. Kaya pala halos hindi noon nag-uusap sina Lola Pelita at Lolo Alfred. Hindi din sila nagtabi sa kama sa gabi. Tapos kapag pumupunta kami sa Ilog, may mga pagkakataong nakikita ko si Lola na nakatingin sa kawalan.

Hinanap nila Papa yong totoong Lolo ko. Ayon sa Municipal records ng bayan, may siyam na Danilo na nag-exist since 1920-up to present. Dinesregard namin yong anim kasi mga halos kaedad na ni Papa ang mga yon. Yong dalawa, namatay before the year isinulat yong letter ni Lola Pelita kaya imposibleng sila yon. Yong natirang isa, ipinanganak noong 1932 at namatay noong 1963 which exactly the year ikinasal si Lola Pelita at Lolo Alfred. We assumed na iyon nga ang tatay ni Papa.

But this is not all about my father searching for a piece of his existence. Hanggang ngayon, I'm still thinking about how Lola Pelita survived from that tragedy, I mean living the rest of her life without the person she loved. Hindi lang pala ako namamalik mata nong bata pa ako nong nakikita kong mugto yong mata niya. Kaya pala madalas ko siya nong nakikita sa ilog. Naaalala ko yong kwento niya ukol don sa dalawang malaking bato sa ilog na pinagitnaan ng umaagos na tubig. Wala akong pakiaalam non dahil paulit ulit nang kinuwento sakin ni lola ang alamat na yon at ano ba namang malay ko sa mga batong yon eh I was just about 10 years old that time.

Little did I know, ang Diwata sa Ilog was her marriage with Lolo Alfred and the legend of the two huge rocks was hers and Danilo's tragic love story.

-Cat

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon