Bibingka

7 0 0
                                    

Ang Dalang Baon ni Emmie
Author: Arllane Austria

Ako si Nicole taga Antipolo, Rizal. Sa ngayon ay 20 na ako at nagaaral dito sa pamantasan ng Antipolo. Ang aking kurso ay Human Resource Development Management at nasa 2nd year college na ako.
Ikekwento ko sa inyo ang nangyari noong ako ay elementarya pa, ang kaklasi kong si Emmie.

Madalas akong hinahatid ng aking mmama Mary Ann at si Papa Jomar. Alam kong hindi nila akong tunay na anak ngunit hindi ko naman ramdam iyon. Araw araw ay hinahatid nila ako ng padyak, dahil padyak driver si papa at si mama ay labandera. Mahirap lang kami at minsan ay wala pa akong baon papuntang paaralan.

May mga kaibigan din ako na sina Sarah at Jarlo. Mababait sila at sila ang nagbibigay ng baon at sinishare nila pagkain nila sa akin. May kaklsi kaming si Emmie, tahimik at ang kanyang nanay ay nagluluto sa canteen sa labas ng aming paaralan. Pinipilahan talaga nila ang pagkain doon at masarap daw ang mga putahe. Ang kanyang ama ay isang albularyo.

Minsan ay kinausap namin si Emmie, tanghalian yun pagkakatanda ko at araw yun nang Myerkules.

Jarlo: Emmie, pahingi naman ng ulam mo. Mukhang masarap eh

Emmie: Wag ka ng humingi sa akin, dahil sa akin lang to.

Sarah: Mejo may pagkamadamot ka pala, bad ka.

Ako: Hayaan niyo na siya di natin siya bati.

Hindi nakatiis si Emmie at binigyan kami ng pagkain. Sobrang sarap, ang karne ay napakalambot.

"Uhhmmmm kasaraappp"

Nagsalita si Emmie
"Last na yan ah, wag na kayong hihingi sa akin."

Kinabukasan ay nakita ko ang canteen ni manang Gidget, na ina ni Emmie. Mrami siyang costumer. Napakaraming kumakain dun. Ako prang natakam naman ako sa aking nakita. Dahil natikman ko ang putahe na luto ni mama ni emmie. Kinukulit ko ang mama ko,

"Mama, bili tayo ng ulam kina aling Gidget"

"Naku,..Nicole, . Tumigil ka nga, ayokong bumili dyan"

"Mama..."

Sa sobrang kakulitan ko ay napalo ako ni mama.

Lumipas ang taon at naging high school na ako, naging kaibigan namin si Emmie. Apat na kaming magkakaibigan, ako, Jarlo, Emmie at Sarah. Madalas kaming tambay sa kanilang canteen. Ngunit palihim na kumukuha si Emmie ng ulam pra tanghalian namin. Naging adik na kami sa putahe ni Aling Gidget.

Sarah:
Ang sarap ng adobo..

Jarlo:
Try niyo din tong kaldareta

Ako:
Alin man jan masarap.... Mas masarap kung lagyan mo itong kalamansi..

Biglang namutla si Emmie, at sinabing

"Huwag niyong lagyan ng kalamansi ang putahe ni mama, dahil di na masarap yan"

Sabay yung ngiting pilit namutawi sa kanyang mga labi.

Nang pagkauwi namin ay nagbulungan kami ni Jarlo

Jarlo: parang may nililihim si Emmie,

Ako: ai gusto ko talaga ng kalamansi... Kain tayo sa canteen nila bukas.

Sarah: Sigee...

Nang tanghalian ay kumain kami sa canteen ni Aling Gidget. Ngunit diko matiis na lagyan ng kalamansi ang sawsawan kong toyo. Madaming tao nang araw na iyon. Nang isawsaw ko sa toyo na may kalamansi ang isang putahing karne, hindi ko alam kung nagmalik mata ako. Napasigaw ako ...

"Ahhhh daliri ng sanggolllll"......

Nagtinginan ang mga kasama ko ngunt sa paningin nila sa putahe ay isang karneng baboy o manok. At pinakalma ako ni Jarlo at sinabing..

"Baliw.. ka na nicole, sinisira mo tinda nila. "

Hindi makatingin si Emmie sa akin. Sina Jarlo at Sarah ay ayaw nila akong kausapin.

Kinabukasan ay ninakaw ko yung baong dala ni Emmie at nilagyan ko ito ng kalamansi. Pinakita ko ito kina Jarlo at Sarah.

Nakita namin na isang kulang na buwang sanggol ang aming nakita. Niluto ito ng Caldereta at kitang kita namin ang bituka ng Fetus na nakabalot sa leeg nito. Sukang suka kami sa aking nakita. Ang nakikita naming pagkaing simula elementarya ay normal, at ilang taon na rin pala kming kumakain ng laman ng sanggol o tao. Ilusyo lang pala ang nakikita namin. Binalik namin ang pagkain sa bag ni Emmie, at nang tanghalian ay inaaya niya kaming kumain ngunit namumutla kami at nasusuka sa aming nakita.

Ang Canteen ni Aling Gidget ay isang tindahan at putahe ng mga sanggol. Sinundan namin si Emmie sa knilng tahanan at normal na bahay ang aming nakita.

Ngunit nang sumunod kami sa pagpasok, my underground pala ito. Nagtago kmi sa may ilalim ng kama dun sa loob ng under ground. Nang pumasok ang papa ni Emmie ay may costumer silang buntis na babae, nang sindiin niya ang ilaw. Nagklat sa kwarto ang mga garapon na may lamang fetus.

Nagpalaglag ang babae at tinawag niya si Emmie. Umuwi na ang babae at ang fetus na nakuha nila ay dinasalan nila ito at dinala sa may kusina. Sakto ay nagluluto si Aling Gidget ng Sinabawan at unti unti niyang hinihiwa ang dalang fetus ni Emmie.

Agad agad ay lumabas kami ng bahay ng walang nkakapansin.

Ang ginawa namin kinabukasan ay kumilos kami ng normal sa harapan ni aling Gidget, at inofferan namin na tulungan ito. Kahit diring diri kami sa pagdala sa ulam sa bawat lamesa, naglagay kami ng kalamansi sa ibabaw ng ulam ng hindi nalalaman ni Aling Gidget...

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon