Bayad po

4 0 0
                                    

Kakagaling ko lang sa isang party nun dito sa lugar namin. Halos 5 miles yung layo ng bahay ng pinuntahan ko sa bahay namin since bundok sya (Yung bahay ng kaibigan ko) kaya malayo talaga.

Excited na kong umuwi kase mag 12 na nun ng hating gabi at baka pagalitan na ko ng magulang ko. Yung street nila may block. Block 24 sila at sobrang gabi na kaya pahirapan humanap ng jeep. Buti na lang may pumara saken. Ako lang tao sa loob pero wala lang saken. Nagbayad na ko kaya malamang lumapit ako sa likod ng driver at binigay yung bayad ko. Nagstay na lang ako dun sa inuupuan ko kase tinatamad na ko. Yung panahong yon nagbabasa pa ko ng unang case ni Conchita. Nakakahilo kase umaandar yung jeep kaya concentrate talaga ako sa binabasa ko.

Nang may nakita ako sa peripheral vision ko na may babae sa dulo ng jeep. Di ako nagtaka nung una kase wala naman akong pake, akala ko huminto yung jeep kanina habang nagbabasa ako. Narinig kong nagsalita si ate pero di ko marinig kase humaharurot yung jeep tutal sya lang naman yung nasa daanan. Ang pagkakarinig ko lang "bayad po" parang ganun yung sinabi. Edi ako nilahad ko yung kamay ko sa kanya. Di ko sya tinitignan. Ang tagal nyang iabot, akala ko dinudukot nya pa sa bulsa ni doraemon yung pera nya. Biglang nagsalita si mamang driver "Boy, anong ginagawa mo dyan?" Tinignan ko si kuyang driver tas nakatingin sya sa rear view mirror nya. Ang sabe ko "Po?" Inulit nya yung sinabe nya. Dun ko lang napagtanto na nakalahad yung kamay ko. Paglingon ko kay ate wala na sya. Kinilabutan ako nun. Humawak ako sa bakal sa likod ng driver. Di ko sya sinagot.

Bimusina na lang si kuyang driver kase parang alam nya na ibig kong sabihin.

- Necromancer

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon