Our Father

4 1 0
                                    

Kasalukuyang resigned na ko sa pagiging flight attendant.
Delikado ang pagiging FA. Nakabaon ang isa mong binti sa hukay sabi ng mama ko. Pero hindi ang takot sa aksidente ang nagparesign sakin. Kundi takot sa mga bagay na di ko lubusang maexplain.

I worked at Philippine Arilines. So I was mostly taking flights outside Asia specificaly I was flying all the way to the continent of Europe, laki ng bayad sa totoo lang lalo na sa peak season.

Flights to Germany were very rare, dahil mahigpit sila sa language barrier, we'd have people aboard na minsan 16 lang ang tao. Kadalasan 2-3 lang na FA on board kapag sa Germany ang lapag.

November 2010. We landed on Frankurt (Airport sa Germany). Pagkaalis ng mga tao sabi ng head pilot namin 3 hours pa bago ang sunod na flight at since di pa kami nakakababa sa Frankurt we took the advantage, pinapasok naman kami. Ang ganda ng airport nila.

After 30 minutes we decided we've seen enough at babalik na kami. Nagretouch ako sa CR ng Frankurt kasama si Agnes. I was busy minding my business, re-applying my lipstick and attatching more bobby pins sa buhok ko. Lumabas na si Agnes, sabi sasamahan nya ang iba naming co-workers sa labas, um-oo naman ako at nag apply ng konting eye shadow at pabango.

Habang nag iispray ako ng pabango, may narinig ako na parang bumubulong. Sobrang hina at di ko magets yung sinasabi nya, ibang lenguahe ata. I was still facing the mirror hanggang may mapansin akong nakatayo sa likod ko. Nung una akala ko tao pero di sya gumagalaw. Naka itim, di kita yung mukha dahil may parang hoodie yung suot nya, may binubulong pa rin sya. Natakot na ko, ang bigat na ng pakiramdam ko at sobrang hapong hapo na hininga ko. Lalo akong natakot nung narinig ko yung tawa nya, ang lalim ng boses nya sobra, parang nag eecho pa. Naiiyak na ko sobra pero sa sobrang takot ko di lumalabas yung boses ko. Pumikit ako at nagdasal "Lord please guide me, tulungan nyo ko" At ayun na nga nagdasal ako, yung boses ko nanginginig, pikit na pikit ako.

"Our Father, Who art in heaven
Hallowed be Thy Name;
Thy kingdom come ..... "

At habang nagdadasal ako, sumabay sya. Gusto kong tumakbo pero parang napako ako sa kinatatayuan ko. Tuloy ako sa pagdadasal pero sinasabayan nya ko, yung boses nya na malalim nag eecho at nung tumigil ako narinig ko ulit yung tawa nya. Dumilat ako at pagtingin ko sa salamin katabi ko na sya. Hawak nya yung hood na nakatakip sa kanya, unti unti nyang tinatangal at dun na lumabas ang tili ko at uli hinimatay ako.

Paggising ko nasa labas na ko ng CR. Pinapaypayan na ko nila Agnes, dadalhin na sana nila ko sa Emergency room pero nagising na daw ako agad. Pagkagising ko lumingon agad ako sa pinto ng CR. Tapos umiyak na ko. Tanong na sila ng tanong anong nangyari, akala nila may nanakit sakin.

Kinwento ko sa kanila lahat, tapos yung co-pilot namin na may lahing German lumaki yung mata. Tas para syang namutla, sabi nya marami daw kulto sa Germany dahil hindi sila kagaya nating mga Pinoy na lubos naniniwala sa Diyos. Kinwento nya rin na may similar experience din sya pero sa loob naman mismo ng airport. Pero di kagaya ko na hinimatay.

Ilang buwan matapos kong maexperience yun di na ko bumalik sa Germany at nagresign na rin ako. Pero hanggang ngayon naalala ko pa rin sya.

- Ms. Flight Attendant

Tres(Horror Stories Compilation)Where stories live. Discover now