Chapter 34: Pains

32.2K 488 51
                                    

***
(Rio)

Sh*t! Parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko. Hang over. Tss. Bakit ba ang unfair ng buhay? Yung dalawang yun nilasing ako kagabi.

"Arg!" Napamura na lang ako at naibato ang orasan sa tabi ng kama ko. For pete's sake alas sais palang ng umaga. Naku kung hindi lang talaga!

"Mommmmyyyy!!!!!" Napahilamos na lang ako sa mukha ko at pabalikwas na bumangon ng marinig ko na naman ang iyak nya.

"Chans." Tawag ko sa kanya. Nandun sya sa may pinto ng kwarto nina Thea at umiiyak. Ghad! Ang pula pula nya. Literal na mapula, dahil siguro sa tagal ng pag iyak nya halos kapusin na sya sa paghinga at dahil nga sa puti ng kutis nya, halatang halata iyon.

"T-ito *hulk* Wio!" Bigla na lamang syang tumakbo palapit sa akin at niyakap ako sa hita, halos mawalan ako ng balanse dahil sa gulat.

"C-hans, anong problema?" I asked at lumuhod ako sa harap nya, para makapantay sya.

"*hulk* Tito *hulk* Wio, whewe is *hulk* my Mom?" Nangunot ang noo ko dahil sa tanong nya. Bakit naman kaya sa akin nya hinahanap si Thea?

"I don't know. Wala ba sa kwarto nila?" Pinahid ko ang mga luhang naglalandas sa pisngi nya. Kahit makulit ang batang ito, mahal ko sya. Pamangkin ko sya. At pag ganito sya, bading man pero t*ngna naiiyak rin ako.

Unti unti syang umiling at patuloy sya sa pag iyak.

"Tito *hulk* W-io. Whewe awe them? *hulk* bakit po niiwan nila ako? *hulk* ayaw na po ba nila shakin?" Tanong nya. Pilit ko syang pinapatahan pero ayaw naman nyang tumigil. Natatakot lang ako na baka tuluyan syang kapusin ng hininga.

"Chans, listen okay? Uhmm.-- Arrrg!! Paano ko ba ipaliliwanag? Ni hindi ko nga alam kung nasaan si Jacob at Chase, at ngayon pati si Thea nawala na rin. Sh*t! Si Thea nawawala?! Bakit ngayon lang nag process yun sa utak ko? D*mn!

Dali dali akong pumasok sa kwarto nila at nagmasid. At nakahinga ako mg maluwag ng makitang wala ang maleta niya. Ibig sabihin, kusa syang umalis. Akala ko, baka nakidnap na rin sya.

"Tito Wio." Nilingon ko si Chans. Sinalubong ko ang nangungusap nyang mata na punong puno ng mga luha. Ang bata bata pa nya, pero ganito ang nararanasan nya.

"Chans.." Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nang magsalita ulit sya.

"They leave me wight? *sob* Why did they do that? *hulk* makulit po ba ako? *hulk* am I annoying?" Pinahid nya ang mga luha nya gamit ang maliliit nyang palad pero patuloy lang sa pag agos ang mga iyon. Wala akong magawa kundi ang pagmasdan sya habang ginagawa nya iyon.

"Chans, hindi yun ganun. Lahat ng nangyayare ngayon may dahilan. Hindi ka nila iniwan. Babalik sila Chans." Babalik sila. Napakamot na lang ako sa batok ko. Nauubusan ako ng salita. Ang hirap kaseng magpaliwanag sa bata.

"Then *hulk* what awe those weasons?" Naman oh. Hindi ko pwedeng sabihin. Hindi pwede kase maapektuhan lang sya. He's a little Maniago, anak sya ni Jacob, kaya hindi ko rin alam kung anong tumatakbo sa isip nya. Kahit sweet at mabait ang batang to, he's unpredictable. May mga oras na tahimik sya at nagdadrawing lang sa tabi.

"See *hulk* hindi mo po masabi. *hulk*" Hindi ko na sya napigilan ng bigla na lamang syang tumakbo papunta sa kwarto nila. Hindi ko na sya sinundan. Maybe he needs to be alone. Kahit bata si Chans, maiintindihan nya rin siguro ang lahat. Sana lang bilisan ni Jacob at Thea ang pagkilos nila dahil may batang naghihintay sa kanila.

~~

"What happened?" Michael asked habang nag iinat na pumasok sa kusina.

"Si Thea." I said as I beat the eggs against the bowl. Wala namang ibang magluluto kundi ako. Tss.

Jacob's Eighth Collection (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon