Chapter 26: Chase's Rules

55.7K 936 186
                                    

***

(Althea)

Pinakilala sa amin ni Jacob ang mga pinsan nya, I can say na mababait naman sila lalo na sa mga bata. Pero sina Chase at Jacob kanina pa nakabusangot ang mukha.

"Chase, may problema ba?" Tanong ko sa kanya, pero tiningnan nya lang ako at mas sumimangot pa. Tiningnan ko rin si Jacob pero nag iwas naman sya.

"So Althea, paano ba kayo nagkalilala ni pinsan?" Nakangiting tanong sa akin ni Gray. Teka? Anong sasabihin ko?

Paano ko sasabihin na pinagbili ako ng uncle ko? Napayuko na lang ako. Kung iisipin pala, naging blessing in disguise si Jacob sa buhay ko. Kase sya ang dahilan kung bakit gumaling si Mommy.

"Uhh..." Paano ko ba sisimulan?

"Mom? I'm hungry..." Bigla akong niyakap ni Chase at nag pacute sya sa harapan ko. Para bang alam nya na hindi ko masasagot ang tanong ni Gray.

"Ahh, okay lang ba? Ipagluluto ko lang ang anak ko?" Paalam ko sa kanila. Tumango naman ang mga pinsan ni Jacob. Kaya sya naman ang tiningnan ko. May kalungkutan sa mga mata nya. Masisisi nya ba ako kung ayaw ko nang balikan pa ang araw na yun?

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad papunta sa kusina ng mansyon.

Nandito na nga talaga kami. Hindi na kami makakaalis pa. Dahil alam kong hindi na ulit papayag si Jacob na makalayo kami. Kailangan ko syang pakisamahan para sa mga anak namin.

Binuksan ko ang refrigerator at naghanap ng pwedeng iluto, mag gagabi na rin naman kaya isasabay ko na ang pagluluto ng hapunan. Sa huli napagpasyahan kong magluto na lamang ng caldereta, mabuti na lang at kumpleto ang supply rito.

Inihanda ko na ang mga sangkap sa lamesa para makapag simula na.

Ngayong nandito na ako sa mansyon. Sa iisang bahay kasama si Jacob. Parang ang hirap huminga. Hindi na ako ganun kakomportable gaya ng dati.

Natatakot akong mahulog ulit. Malapit na naman ako sa kanya. Malaki ang posibilidad na mahalin ko ulit sy--

"Awww." Nahiwa na pala ako sa daliri sa kakaisip.

"Shit!" Tumunghay ako, only to see Jacob on rush. Nagmamadali syang pumunta sa harapan ko at kinuha ang nahiwa kong daliri.

Labdub labdub...

Isang pamilyar na pakiramdam. Nagharumintado ang puso ko nang isubo nya ang nasugatan kong daliri. The intensity. The same spark. No. I shook my head mentally.

"I--I'm fine. Kanina ka pa ba?" Binawi ko ang kamay ko at nagdiretso sa lababo para hugasan ang nasugatan kong kamay at para na rin makalayo sa kanya. Nagiging abnormal ang tibok ng letseng pusong to pag malapit ako sa kanya, at hindi iyon maganda.

"Sort of. Next time, be careful." Sagot nya. Nag aalala ba sya sa akin? Duh! Nag assume ka na naman Thea! Siguro concern lang sya dahil ayaw nyang mawalan ng ina ang mga anak nya pag nagkataon. Pero nahiwa lang naman ako -_- . Haaay! Mababaliw na ata ako.

Ipinagpatuloy ko ang paghuhugas sa sugat ko at hindi na sya pinansin pa. Pero ilang saglit lang, may kung anong pumulupot sa bewang ko. Damn! That scent. Five years na pero ganun pa rin.

"J-Jacob." The same effect. Nauutal na naman ako. Sinubukan kong tanggalin ang mga braso nya, pero mas lalo lang humigpit ang pagkakayap nya. Naramdaman ko rin ang pagpatong ng baba nya sa balikat ko.

"Can we stay like this for a while?" I felt shivers. Ibinulong nya yun sa may tengga ko, kaya naman ramdam na ramdam ko ang init ng hininga nya. This.is.not.good.

Jacob's Eighth Collection (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon