Chapter 47: Impair

25K 461 58
                                    

***

(Althea)

Naiwan akong tulala habang patuloy na pumapatak ang mga luha ko. Tahimik akong napahikbi. Yung driver seat na inalisan ni Jacob, punong puno ng dugo.

May tama sya. Pero hindi nya sinabi, sinarili nya ang sakit. Ibinaling ko ang paningin ko sa tumatakbong si Jacob, base sa ekspresyon nya, walang mababakas na sakit, wala kahit katiting.

Umiling ako at isinantabi ang mga iniisip ko. He told me to stay here. Just stay. Pero yung nakita ko, si Michael, na punong puno ng dugo. Hindi ko maatim na umupo na lang dito at manuod. Everybody's doing their part hindi ako pwedeng maupo na lang.

Ang mga anak ko nasa loob. Wala silang kalaban laban. Si Rio at Andrew lang ang kasama nila. What if? Damn! Napasabunot ako sa buhok ko. Ang kambal ko! Hindi pwede! Hindi ko papayagang magalaw sila ni Sandra!

Si Jacob, kahit hirap na hirap sya, hindi nya ipinakita, dahil alam nya na mas masasaktan ako. Hindi ko matatagalang, maupo, manuod at maghintay, kailangan kong kumilos.

Pasensya na Jacob, I'm sorry but I need to do this. Ayoko nang maging isang pabigat. Kailangan kong lumaban, para sa pamilya, at para na rin sa sarili ko.

Inabot ko mula sa sahig ng kotse ang bag na lagi kong dala, dinukot ko mula roon ang isang usi type na baril. Lagi ko otong dala mula nang mawala si Chase, dulot na rin siguro ng takot.

I want Jacob to teach me how to kill, pero sa pagkakataong ito hindi ko kailangan ng talento sa paghawak ng baril, lakas ng loob ang kailangan ko. Lakas ng loob para pumatay.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng mansyon. Maraming mga nakaitim na kalalakihan ang nakahandusay sa damuhan, mga wala nang buhay. Sarado ang lahat ng bintana. Natigil ang paningin ko sa tapat ng kwarto ng kambal, please mga anak, antayin nyo ko.

I'm so sorry Jacob, pero ngayon lang, kahit ngayon lang, sana hayaan mo ko sa gagawin ko. Kase alam kong kailangan kong mamili. Sa gagawin ko, naka dungaw sa hukay ang baby sa tyan ko, pero kung papalarin ako, gusto kong bigyan ng magandang buhay si Theasia, yung malayo sa gulo, malayo sa ganitong buhay. Even if it will cost my own life.

Huminga ako nang malalim at pinahid ang mga luha sa mga mata ko. This is it. This is the real deal. Kung ito na ang huli, tatanggapin ko, para sa pamilya ko, para kay Jacob, para sa kambal, para kay Theasia.

"I love you baby." Hinaplos ko ang tyan ko bago ko binuksan ang pinto ng kotse.

At sa oras na tumapak ang paa ko sa lupa, I know from that very moment, simula na ng laban ko.

Do or die. Lord, please guide me.

Chase, Chans, parating na si Mommy.

~~

(Michael)

Nag iisip ako. Aysh! Napakarami kong iniisip. Gaya na lang ng suhestyon ni Tito Roger na lumagay na raw ako sa tahimik. Gusto ko sanang iconsider ang bagay na yun, pero ewan ko ba! I think hindi ko pa natatagpuan ang babaeng para sa akin.

Isa pa pinoproblema ko pa ang paghahanap kay Seven. Ang tagal na nyang nawawala pero hanggang ngayon, kahit katiting wala pa akong clue. Minsan nga na co-conclude ko na lang na patay na sya. But no! Hindi pwede! Hindi pa sya pwedeng mamatay! May kailangan pa akong sabihin sa kanya. Tss.

Tapos, yung problema nina Jacob kay Sandra at Diablo. Damn! Hindi pa pala kami handa para dun. Anomang oras sasalakay sila. Shit naman oo!

Napabalikwas ako mula sa pagkakaupo ko dahil sa ring ng cellphone mula sa bulsa ko. Dagli ko iyong kinuha at tiningnan. Pero agad namang nangunot ang noo ko nang makita ko ang caller I.D.

Jacob's Eighth Collection (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon