Chapter 13: Jacob's First Collection

53.1K 598 109
                                    

Warning: some scenes may contain violence. Be open minded. Thanks :)

***

(Betty)

Dalawang linggo. Dalawang linggo na simula ng kunin ako ng hayup na lalaking yun mula sa mansyon. Kung akala ko impyerno na ang mansyon ni Master, mas masahol pa ang kinahantungan ko.

Ang lalaking yun! Baliw sya!

"Kyla!" Arrrrggg ayan na naman sya. Paulit ulit nyang sinasabing ako si Kyla, at paulit ulit ko na ring sinabi sa kanyang hindi ako yun. Pero everytime he realizes na hindi ako si Kyla namumuo ang lungkot at pangungulila sa mga mata nya.

"How many times do I have to tell you that I.am.not. Kyla! I have my own name and it's Betty not f*cking Kyla!" I'm so pissed off. Kung ano man ang pinaka kinaiinisan ko sa lahat, yun ay ang bibubuhay ang ibang tao sa katauhan ko.

"No. Please tell me you're Kyla. Your my Kyla." He's drunk. Nakita ko na naman ang pamilyar na sakit na gumuguhit sa mukha nya tuwing binabanggit nya ang pangalang yun. He hugged me so tight, making hard for me to breath. Nakaramdam ako ng pamamasa ng balikat ko, at ang mahina nyang hikbi, gumagalaw ng taas baba ang balikat nya. Umiiyak na naman.

Sa loob ng isang linggong pamamalagi ko rito, ganito ang set up.

"I'm sorry I am not Kyla, and I'm not even yours." Kinalas ko ang pagkakayakap nya sa akin at saka naglakad papunta sa kwarto na ibinigay nya, na hindi ko man lang sya nilingon.

Malapit na ako sa kwarto nang masalubong ko si Yvette. Sya yata ang tunay na girlfriend ni Wilson. Bukod kase sa amin, sya lang din ang nandito. Including Ashley na nakakulong ngayon sa isang kwarto dito sa bahay.

Bahagya ko syang nginitian at ganun din ang ginawa nya. Ngunit ang mga ngiting yun ay kakikitaan ng kalungkutan at pag hihinagpis. Payat sya, at malalalim ang mata. Gayun paman, hindi maitatanggi ang gandang taglay nya.

Meron syang nangungusap na mga mata at maliliit na labi. Bumaba ang tinggin ko sa may tyan nya at napangiti ako. Alam ko ang kalagayan nya, at hindi ko alam pero ayaw nya iyong ipaalam kay Wilson.

Nilampasan ko na sya saka ako nagtungo sa kwarto. Pero bago ko tuluyang mabuksan ang pinto nakarinig na naman ako ng sigawan kagaya kagabi.

***

(Michael)

"Hello." Tamad kong sagot sa cellphone ko, naalimpungatan ako sa pag riring nito. Sino naman kayang matinong tao ang tatawag sayo ng alas dos ng madaling araw. Arrrg..

"Don't growl Andrade. Get up. Meet me at the hide out." Nagising ang kaluluwa ko nang marinig ko ang malamig na boses ni Jacob sa kabilang linya. Ano naman kaya ang gagawin namin sa hide out? Sino na naman kayang papatayin nun?

I fixed my self quickly bago pa ulit sya tumawag at pagbantaan ang buhay ko. Aaaarrggghhh.. Why does it looks like, sunod sunuran ako sa kanya?

I drove off to the hide out, and as I am expecting wala pa sya. Ayos din eh noh, sya yung nagmamadali tapos sya naman itong wala. Tsk.

"Don't shake your head, you look like an idiot." Mula sa likuran ko nilingon ko iyon. Ayun naman pala eh andito na sya. Sinundan ko sya papasok sa abandoned ware house na nagsisilbi naming hide out.

Pag pasok na pag pasok ko pa lang lumantad na sa akin ang napakaraming magasin at baril na nakahanay sa ibabaw ng isang lamesa. Nangunot ang noo ko.

"Wag mong sabihing, pinatawag mo lang ako para mag assemble ng mga baril na yan?!" I hissed. Pero wala lang syang reaksyon, bagkos kumuha sya ng isang baril at ikinasa iyon.

Jacob's Eighth Collection (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon