Chapter 45: Feelings

31.4K 416 43
                                    

***

(Althea)

Aaarg! Bakit ganun? Nauubusan na ako ng lakas. Pakingshit! Makisama ka naman oh!

"Jake!!" Hindi ko na kaya.

"What happened?!!" Jake came on rush at agad na lumapit sa akin. Ipinakita ko sa kanya ang dress na hawak ko.

"Hindi kasya." Pinagmasdan ko ulit ang sarili ko sa salamin. Bakit ang laki laki ko?!

"A-ang pangit ko..." Hindi ko namalayang nagtubig na pala ang mga mata ko. Bakit ba napaka moody ko? Parang ibang tao na ako ngayon. Naaawa na ako kay Jake kase sya lagi ang napagbubuntunan ko ng galit.

Bakit ba kase kailangan pang maranasan 'to? Hindi ba pwedeng ilabas ko na lang si baby? Ang daya naman kase. Bakit ba hindi na lang si Jake ang magbuntis? Diba? Bakit yung seahorse? Bakit lalake sa kanila ang nagdadala ng baby?

Baby wag kang magalit kay Mommy ha. Gusto ko naman na nasa tyan kita. Ang kaso lang baby, bakit mo pinapapangit si Mommy? Paano na lang kung makahanap si Jake ng iba diba? Yung mas maganda. Payat. Slim. Eh ako? Mukha akong dugong sa itsura ko.

"Stop worrying about your weight." A caring arms wrapped around my waist. Ipinatong nya ang baba nya sa kanang balikat ko. I was only wearing my robe, kaya ramdam ko ang init nya. Isa pa yun.

Naiinis ako sa sarili ko kase, how will I say this? Nakakahiya, kase, nagiging maniac ako. Hindi ko nga alam pero, madalas ako pa ang nagyayaya kay Jake. Kahit anong oras basta makaramdam ako ng init. Aaah! Wag na nating pag usapan. Baka kung saan pa mauwi 'to.

"You're still beautiful. You'll always be beautiful on my sight." Posible bang magkaramdam ng butterflies sa stomach kahit buntis ka? O sipa lang ni baby ang naramdaman ko? You're still beautiful, napatingin ulit ako sa salamin.

Since when naging sinungaling si Jake? Anong you're still beautiful? Eh mukha nga akong panda! Sa inis ko, malakas kong iwinaksi ang mga kamay nya, at tinalikuran sya. Ayoko na! Hindi ka pa nga lumalabas baby, nagloloko na ang Daddy mo. Paano pa kung nalosyang ako? Waah! Nakakasura naman eh! Bakit ba ang sensitive mo Althea?!

Humiga ako sa kama at tinakpan ng unan ang mukha ko. Bwisit na mga luha! Try nyong tumigil minsan.

"Honey..." Lumubog ang kabilang bahagi ng kama, indicating na nakahiga o nakaupo sya roon. Pinahid ko ang mga luha ko, baka isipin nyan nag iinarte ako. Bakit ba ako naiinis sa kanya? Ang gulo ko.

"Talk to me please." May pagmamakaawa sa boses nya. Somehow, may humaplos sa puso ko. Bakit mo ba sya pinahihirapan Thea? Si Jacob na walang ibang ginawa kundi alagaan ka, yung gumigising ng hating gabi para lang tanungin kung nagugutom ka, yung pinagtitimpla ka ng gatas umaga't gabi, yung nagbabalat ng apple kahit nagkakanda sugat sugat na yung kamay nya, yung nagpapaligo sayo kase daw ang clumsy mo, yung nagsusuklay ng buhok mo, yung pumayag na tawagin mo syang Jake kahit inis na inis na sya, yung nagmakaawa sayong wag nang tumingin sa iba at sya na lang ang paglihihan mo, yung Jacob na ngayon, pinagdududahan mo! Ang bad ko.

Hinarap ko sya at kita ang lungkot sa mga mata nya. Kita mo na ang ginawa mo Thea?

"I'm sorry." Sumiksik ako sa leeg nya at doon nag inarte. Gustong gusto ko pag nilalambing nya ako, pakiramdam ko isa akong reyna.

"It's okay." He kissed my forehead and smiled at me. I like how he smiles. Hindi dahil perpekto ang mapuputi nyang ngipin, hindi rin dahil sa mapupula at maninipis nyang labi, kundi dahil bawat ngiti nya totoo. Punong puno ng pagmamahal. Hinding hindi ko pinagsisihang pinakasalan ko ang walang pusong Maniago na 'to. Dahil hindi naman yun totoo. He showed me his heart. His precious heart.

Jacob's Eighth Collection (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon