Chapter 1

6.4K 275 59
                                    

ATHENA
#Kambal

PITONG taon na ang nakakalipas pero sariwa pa rin sa'kin alaala ang mga eksenang iyon.

Mga eksena kung saan binenta ko ang aking sarili sa isang porn site.

Sa halagang isang milyon.

Isang milyon lang ang halaga ng puri ko.

Kung sa ibang paraan lang ang halagang iyon ay magkekembot na siguro ako sa tuwa.

Pero hindi eh. Nakuha ko iyon sa ilegal na paraan.

Mas dehado ako ngunit wala na akong magagawa pa.

Bata pa ang pag-iisip ko noon. Inosente at madaling mapa-oo.

Pero iyon na lang ang pag-asa kong makakuha ng malaking halaga.

Puri ko kapalit ng isang milyon.

Ang lintek na isang milyon na iyon ay marami din naman narating.

Una, ay naging matagumpay ang pag-opera sa ovarian cancer ni Tiya.

Ikalawa, ay nakapag-aral ako at tapos sa kursong Business Adminstration.

Dahil na rin sa tulong ng scholarship ko at naging working student din ako.

Kahit mahirap noon ang sitwasyon ay kinaya ko.

Naging matatag ako.

Mas lalong kailangan kong kumayod noon para makapagtapos ako ng aking pag- aaral.

Ngayon ay isa akong Branch Manager ng isang Restaurant, dito sa Negros.

Dito kami lumuwas pagkatapos ng operasyon ni Tiya.

May kakilala siya na dito naninirahan kaya dito kami pumunta, pero 'yong kakilala niya ay namatay na.

Nang makaipon ako sa'kin pagtatrabaho ay nagpagawa ako kahit hindi gaanong kalakihan na bahay.

Mas mainam kase na may sarili kaming bahay para walang gulo at may privacy kaming mag-ina.

"Ma!"

Napapitlag ako sa'kin kinatatayuan, sabay lingon ko sa aking likuran.

Pitong taon ang lumipas ngunit hindi nawala sa isip ko ang lalaking iyon.

Palagi ko ngang nakikita ang kanyang mukha.

Nais kong kalimutan ang madilim kong nakaraan noon, ngunit hindi ko magawa.

Wala naman paki-alam ang lalaking iyon kaya hindi na nito dapat malaman.

Ayoko din naman ipaalam sa kanya.

Ang nangyari noon ay negosyo lamang. Doon lang iyon.

Masaya na ang lalaking iyon sa buhay nito.

Ang lalaking naging una ko at huli kong pag-aalayan ng aking sarili.

Kung may mali man akong nagawa noon ay hindi ko iyon pinagsisihan.

Dahil may isang buhay akong naisalba at mayroong bagong buhay akong naging kasama, na parte na ng aking pagkatao.

Nakangiting lumapit ako sa kaniya sabay gulo ko sa maitim niyang buhok.

"Nakasimangot na naman ang Kuya ko. Pakiss nga!"

Niyakap at pinaghahalikan ko siya sa kanyang mukha.

Panay naman ang iwas nito habang hindi maipinta ang mukha.

He's Cohen, my six years old son.

Masungit ang batang ito. Para bang pinaglihi sa ampalaya, eh,  mais lang naman noon ang pinaglilihan ko.

Hunstman Series #:6- The Possessive Superstar Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon