Chapter 7

7.4K 260 175
                                    

ATHENA Pov's:
#Pangamba

"Miss Danjella, malayo pa po ang pasko para bigyan mo ng regalo ang mga anak ko." Medyo idiniin ko ang bawat salitang binitawan ko.

I don't care if I'm rude in front of them as I wouldn't allow my sons to take anything from her, her way to brainwash my children.

"Miss Atienza, hindi naman kailangan ng pasko para magbigay ako ng regalo. I'm free to give gifts whoever I want it's because I have money and you don't need to remind me the day of Christmas."

Nakangiti na pagtaas ng kilay niya. Feeling mabait ang postura sa harapan ko kase nandito si Cornick. Nagpapakabait para mahulog ang lahat, as if hindi ko siya napapansin.

"I know you have a lot of money, but I have my money too to provide their valuable needs." Tinumbasan ko ang pagtaas ng kilay niya bago ko kinuha ang mga ibinigay niya at sapilitan pa na kinuha ang palad niya.

Nagulat man siya sa ginawa ko ay hinawakan na lang niya ang mga sinauli ko. Napatingin ako kay Cornick na tahimik lang nakatitig sa akin. Inirapan ko lang siya.

"Ma.. kailan po ba ako lalabas kase po ayoko na dito baka po lumaki ang gastusin natin dito.. sorry, Ma." Mahinang sambit ni Colene na agad kong kinaupo sa gilid niya.

"Magpagaling ka muna para makalabas na tayo dito. Miss ka na din namin na kalaro ni Kuya Cohen, diba?" Marahan kong hinaplos ang buhok niya, napahawak naman siya sa kamay ko at ngumiti na tumango.

"Ma, sabi ni Papa dadalhin daw niya po ako sa hospital nila para doon ipagamot! Diba Pa?" Lumihis ang tingin niya sa likod ko at kita ko ang ningning sa mga mata ng anak ko.

"Yes, son. Our hospital can treat you well and your ailment will be gone. Then, we can play the three of us. Do you want me to play with you?" Pagtugon niya sa anak niya na tumabi pa talaga sa gilid ko.

Si Cohen ay feel pa din ang pagbuhat ng ama niya sa kaniya. Balewala lang din kay Cornick ang bigat ng anak niya, matipuno naman kase ang katawan niya at alagang-alaga pa.

"Opo, Pa! Ngayon nandito na po kayo ay hindi na kami tutuksuin ng mga kaklase namin na walang Papa!" Tumaas na naman ang masayang boses ni Colene sa ama niya. Kanina lang ay matamlay pa ito.

"Binubully ba kayo ng mga kaklase niyo?" Nakita ko ang pagtiim bagang niya bago lumihis ang seryosong titig sa akin, umiwas ako ng tingin.

"Opo, Pa! Pero huwag po kayong mag-alala Pa kase binubugbog ko naman sila!" Sabay kaming napabaling ni Cornick kay Cohen.

Ako na pinandilatan siya habang ang ama niya ay nakita ko na nginisihan siya at ginulo pa ang buhok niya.

"Good job, son—"

"Huwag mo ngang kunsintihin ang anak ko! Dinidisiplina ang kamalian niya hindi tinotolerate!" Mahina kong asik sa lalaking katabi ko. Nagagalit ako kase parang pabor pa sa kaniya ang ginawa ng anak niya.

He as being the father of my children should restraining their wrong doing. He must be a good example and teach them not bullying others.

"Nasa dugo ng isang Hunstman ang pagiging matapang, tagapagtanggol at mapagmahal sa pamilya niya." Matiim niyang pagliwanag at alam kong nakatitig pa din siya sa akin.

"Hindi sa paraan ng pagiging bully niya kase mali pa din iyon." Giit ko.

"Tsk. Tama ang ginawa ni Cohen dahil pinagtanggol lang naman niya ang kakambal niya!" Nanlisik ang mga mata ko nang sabihin iyon ni Miss Danjella, nasa tabi ito ni Cornick.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 20, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hunstman Series #:6- The Possessive Superstar Where stories live. Discover now