Chapter 6

4K 173 31
                                    

ATHENA Pov's:
#Don'tAnnoyHer

"I'll take my twins with me after his recovery." Napahinto ako sa akma kong pagpasok nang marinig iyon mula kay Cornick. He's serious on it.

"Sir, do you have plan to quit on your band?" Tanong ni Miss Danjella na katabi nito habang nakatitig dito.

"Yes, just to be with my sons. I'm not with them for almost seven years, so I want to spend time and build memories with them." Sagot nito at ramdam ko ang hinanakit dun.

Sa mga salita niya ay pakiramdam ko ako ang nakagawa ng malaking kasalanan. Ayoko lang naman na guluhin pa ang buhay niya. Mali ba 'yon? Mali ba ang desisyon ko na itago sa kaniya ang mga anak niya?

Hindi! Walang mali sa desisyon ko at wala siyang responsibilidad sa amin!

"P-papa.." Pag-ungol ni Colene na agad nitong kinaupo sa gilid ng anak ko, nasa lap niya si Cohen.

"Son.. wake up." Humawak siya sa isang kamay ng anak ko at pinisil iyon. Kasabay ng pagmulat ng mga mata nito mula sa panaginip nito.

"Bro, siya ang Papa natin! Ang idol mo!" Bulalas na pagmamayabang ni Cohen na siyang kinasinghap ko.

I was stunned on how my son being proud and happy to call him his father. He has now a father to called. They have now a father that I lied for almost seven years. That's too long..

"T-talaga? Siya si Papa?" Napabangon ito na agad naman inalayan ng ama niya habang nakatitig sa mukha ng ama niya.
"Magkamukha tayo.." Sambit nito.

"Oo, anak." Nakangiting sagot ni Cornick at ginulo pa ng marahan ang buhok ng kaniyang anak.

Nakita ko kung paano pumikit ang anak ko at tila nagugustuhan ang ginagawa ng ama nito sa ulo niya.

Sumusikip ang dibdib ko sa nakikita kong eksena. Hindi ko kaya na pagkaitan ang mga anak ko ng ganitong kaligayahan, kasama ang ama nila na matagal nilang hindi nakita, na madama ang pagmamahal ng isang ama, na matawag na papa.

Naging masama ba akong ina?

"Mama!. Nandito na po si Papa!" Napakislot ako nang marinig ang masiglang pagtawag sa akin ni Colene.

Napakurap ako bago pumasok sa loob. Marahan kong nginitian si Miss Danjella bago ako lumapit sa kanila.

"Nagugutom ka ba, anak? Gusto mong kumain?" Tanong ko at nginitian ito. Iwas na iwas ang tingin ko sa lalaking nakatitig sa akin ng matatalim, It's like a dagger that eager to kill me. He's really angry on me.

"Hindi po, Ma! Sobrang sarap po pala sa pakiramdam na may Papa na ako! Ma, buo na po tayo!" Pigil na pigil ang mga luha ko sa nakikita kong kasiyahan na iyon ni Colene.

Parang sumigla ito at hindi halata na may sakit ito. Ganito silang dalawa kasaya nang makita sa wakas ang Papa nila, matapos ang pitong taon.

Sa pitong taon na iyon ay marami sanang mga alaala na kasama nila ang Papa nila, pero pinagkait ko iyon.

"Ma, hindi ka po ba masaya na nandito na si Papa?" Pinukaw na naman ni Colene ang atensyon ko dahilan para mapakurap ako.

"M-masaya si Mama, anak.. bibili muna ako ng pagkain sa labas para makakain ka at makainom ng gamot, ha?" Alibay ko para makaiwas sa lalaking galit sa akin.

Kahit nagtataka ang mga anak ko ay umalis na agad ako matapos kong magpaalam sa kanila.

Pagkalabas ko ng hospital ay nanghihinang napasandal ako sa gilid ng pader at pinikit ang mga mata.

Hunstman Series #:6- The Possessive Superstar Où les histoires vivent. Découvrez maintenant