Chapter 4

3.2K 161 3
                                    

ATHENA Pov's:
#TheIdol

"M-ma.. gusto ko pong makita ang idol ko po payagan mo na 'ko na magpunta doon, Ma. Pangako saglit lang matapos ko magpaautograph."

Pakiusap sa akin ng anak ko at ilang beses na nga niyang sinabi iyon sa akin pero tumatanggi ako, dahil nga sa kalagayan niya na hindi pa ayos.

Today is the day of the event. Lena called me earlier that everything in the restaurant is fine and already settled. So that I shouldn't worry.

Sobrang dami nga daw ng mga fans doon at ang iba ay madaling araw pa nga daw doon, mula sa malalayong probinsya. May taga Maynila at Mindanao pa nga daw na mga fanatic ng banda. Sobrang sikat pala nila.

"Damo na gid di sa restaurant ta mga tawo, dai! grabe!"

Napailing na ngumiti na lang ako nang maalala ang sinabi na iyon ni Lena. She's biogenic Ilonggo but with me, she'd to speak tagalog. Feel lang daw niya na nasa Maynila siya.

Sa tagal ko dito sa Negros ay alam ko na din mag-ilonggo dito. Pero kapag nasa restaurant ako ay need kong magtagalog for professionalism.

Kahit sa mga anak ko ay nasanay akong magtagalog magsalita, minsan pa nga pawang english ang salita.

"Ma.." Tawag ng anak ko na kinakurap ko sabay iling sa kaniya.

"Hindi nga pwede, anak. Huwag ng matigas ang ulo at para iyon sa kalusugan mo. Heto ang ice cream at kainin mo."

Sabay lahad ko ng vanilla ice cream. Maganda daw itong kainin sa mga may dengue. Pwede din iyong nilagang ugat ng makahiya o ang katas ng sariwang dahon ng papaya.

Pwede din na ihalo ang mga iyon sa pagkain para hindi mapait sa panlasa, lalo kay Colene na ayaw ng mapait.

"Kakainin ko po ito Ma kapag pinayagan mo na akong makapunta doon saglit." Pag-iling na tanggi nito na kinaawang ng labi ko.

"Aba, nakikipagdeal ka pa sa akin makita lang ang mga idol mo?" Kunyari na tampo ko na kinangisi lang ng batang ito. Mana 'yata sa ama.

I saw in his eyes that he really wants to see his idols. Parang naawa naman ako sa kaniya pero hindi talaga pwede at baka himatayin siya at masira ang event doon. Mabuti ng nakasigurado.

"Payagan mo na, Ma. Gusto ko din makita ang idol ng kambal ko na lagi nitong pinagmamayabang sa'kin!" Biglang sulpot ni Cohen mula sa pinto, nagbanyo kase siya sa labas.

"Anak, hindi nga pwede." Giit ko.

"Ma, iyong event na iyon minsan lang mangyari at nandoon pa 'yong idol ng kambal ko. Gusto mo po ba na pigilan ang kaligayahan ng kambal ko?"

Paliwanag pa niya na parang matured na kung magsalita. Tinamaan din ako sa kaniyang sinabi at nakonsensya.

Tumingin ako kay Colene na may nakikiusap na tingin. Sa ganitong sitwasyon na dalawa laban sa isa ay talo na agad ako sa usaping ito.

I sigh before nodded in front of them. I then saw their smile, especially the big smile of my Colene.

NGAYON ay nandito kami sa mahabang pila at sinamahan ko ang dalawa dito. Nakawheelchair si Colene at todo pakiusap ako kanina sa doktor niya na pumunta kami dito.

Napilitan na lang sa pagpayag ang doktor at pinaaalahanan na huwag kaming magtagal dito. May dala na din akong gamot dito sa bag ko.

"Nasaan si Cohen?" Pag-alala ko nang hindi ko siya makita sa tabi namin. Nakatayo lang siya dito, e.

Hunstman Series #:6- The Possessive Superstar Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon