Kabanata 13

727 22 2
                                    

Kinagabihan, dumating ang mga bisita na mukhang mga mayayaman din. Nasa kabilang gilid kami ng pool kasama ng tatlong lalaki. Katabi ko si Alex. Nag-iinuman na ang iba at ang iba naman ay naliligo na sa pool.

Kanina pa 'ko hinihigit ni Joce para maligo sa pool pero tinubuan ako ng hiya! Ang dami kasing lalaki at naiilang ako sa tingin ng mga babae sa gawi namin na para bang may masama kaming ginagawa ni Joce.

"Happy Birthday, Mico!" sabi ng babae na kakalapit lang at naka bikini lang siya. Tumango naman si Andrew sa kanya. Napatingin naman siya kay Alex at sa akin sabay taas ng kilay.

"Dalhin mo na siya sa langit, kanina pa yan naiinip," sabay tawa ni Andrew at pumulupot sa leeg ni Mico agad ang mga kamay ng babae. Hindi pa man sila nakakaalis ay biglang tumayo si Joce nang walang paalam. Napunta sa kanya lahat ng paningin namin. Anong nangyari do'n? Nagkatinginan naman si Mico at Andrew. Sa huli, ay pumasok sila sa loob kasama ang babae.

"So, wanna swim, Hon?" si Andrew.

Alanganin akong ngumiti dahil ayoko nang maligo dahil nahihiya ako. Kanina excited ako pero ngayon, parang umurong na ang lakas ng loob ko.

"Nakakahiya," giit ko.

Tumingin siya sa katawan ko.

"No way. You're--"

"Hayaan mo na siya," biglang sabat ni Alex kaya hindi natapos ni Andrew ang sasabihin niya. Nagtataka namang tumingin si Andrew sa kanya pero tumango na rin at tumayo dahil kukuha ng inumin.

Tahimik lang kaming dalawa sa table ni Alex at nakatingin siya sa malayo. Wala naman siyang nakikita. May balak pa kaya siyang magpagamot? Sayang naman kung hindi na. Ang iba nga gusto pang makakita pero wa lang talagang perang pampagamot.

"Are you okay?" napalingon siya sa akin at nagtama ang mga mata namin. Alam kong hindi niya ako nakikita pero pakiramdam ko nanlalamig ako sa mga titig niya.

"O-Opo naman, sir."

Napainom siya sa hawak na beer at ibinalik ang tingin sa malayo. Bigla na lang namatay ang ilaw sa buong bahay at sumigaw ang iba dahil may nabasag kaya napasigaw rin ako sa gulat. Muntik pa ako mabuwal sa inuupuan ko ngunit naramdaman ko ang kamay na humawak sa braso ko.

"I'm here. It's fine," si Alex at nakatuon na ang pakiramdam ko sa kamay niya sa braso ko. Hindi na alintana ang dilim sa paligid.

"Mic test, Mic test, this is Mico the birthday boy. Okay lang ba kayo?" napalingon ako kung saan pero wala naman akong makita kung saan nanggagaling ang boses niya. Bakit naman hindi man lang nila binuksan ang ilaw?

"I've come up with an idea, a game actually. And I'm telling everyone to join this game," panimula ni Mico at nagtataka ako. Kasali rin ba ako? Sabi niya lahat daw, e.

"The lights are off already, so alam niyo na kung sino ang katabi niyo o kasama niyo. Baguhin natin ang nakagawian na hindi kilala ang makakahalikan. This time, you're aware who you are about to kiss with."

Napasinghap ako at napatayo sa gulat. Ano raw? Halikan sa katabi? Bigla agad ako kinabahan dahil si Alex ang katabi ko! Hindi naman sa nag-a-assume ako na hahalikan niya ako. Pero malay naman natin 'di ba? Hindi naman siguro.

"Kiss your partner even if it's a guy or a lady in 3, 2, 1!"

Babalik na sana ako sa pag-upo nang biglang maramdaman kong tumayo si Alex sa tabi ko kaya hindi na natuloy ang pag-upo po. Tatanungin ko sana siya kung aalis ba siya ngunit laking gulat ko nang biglang hawakan niya ulit ang braso ko at hinigit ako gamit ang isang kamay niya na nakahawak na sa aking beywang.

In a blink of an eye, naramdaman ko ang labi niyang nakalapat na sa labi ko. Agad akong nanigas sa kinatatayuan ko at hinawakan niya ang baba ko. Napaawang ang labi ko sa gulat sa nangyayari kung kaya't nakapasok ang dila niya sa bibig ko na mas lalong nagpagulat sa akin!

Secret ScentWhere stories live. Discover now