Kabanata 17

567 26 2
                                    

Kunot noo siyang bumaling sa akin at mas lalong namula ang leeg niya hanggang sa mukha niya. Mukha siyang may skin allergies o ano.

"Sa loob ng damit? Saan ba dapat?" sagot niya na parang hindi ko alam iyon. Ang ibig ko lang namang sabihin ay saang parte ng katawan niya.

"Sa loob nga... sabi mo, e.."

Nang marating namin ang kwarto niya nagtungo na siya agad sa kama. Inilagay ko naman ang bag sa maliit niyang mesa at hindi ko maitago ang kaba sa dibdib ko. Wala kaya akong karanasan sa pagmamasahe!

Muntik pa akong mapasinghap nang malakas nang hubarin niya ang t-shirt na suot at pataob na humiga sa kama. Kitang-kita ko tuloy ang malapad niyang likod na mas lalong na depina dahil nasa magkabilang itaas malapit sa mukha niya ang dalawang braso niya.

"Are you done checking me?"

"Huh?"

"Nasaan ka ba? Bakit hindi ka pa nagsisimula? So I assume, you're checking my body out."

"H-Hindi 'no!" sagot ko agad.

Huli pero hindi kulong.

"N-Naghahanap kaya ako ng...ng oil!" rason ko at iniisip na wala naman talaga akong mahahanap na oil sa loob ng kwarto niya.

"For what?" tanong niya sa ganoong ayos pa rin.

"P-Para...dumulas!" natataranta kong sagot at nang ma realize ang sinabi na parang kakaiba ang dating no'n. "Ang ibig kong sabihin...pampadulas ng...ng balat! S-Sa likod!"

He chuckled at napapikit ako sa inis. Ang sama ng pagkakasabi ko!

"Mas maganda ba 'yong madulas?" aniya at medyo napabaling sa akin.

"O-o... mas madaling mahilot."

"Right. Check my drawers. I think I got a body oil there."

Tumango at napahinga ng malalim. Ang hirap naman nitong may ganito kang amo. Mapapasunod ka na lang talaga sa lahat.

Nahanap ko nga sa drawer ang oil at mukhang hindi pa iyon nagagamit dahil puno pa ang laman. Binuksan ko iyon at inamoy. Medyo mabango siya. Siya kaya ang bumili nito?

"Did you find it?"

"Oo, nahanap ko," sagot ko at naglakad na palapit sa kanya. Pumwesto ako sa may likuran n'ya at napunta ang mga mata ko sa pang upo n'ya.

Huminahon ka Honey. Hindi iyan ang hihilotin mo!

"Magsisimula na ako..." sabi ko sa kanya.

Nilagyan ko ng oil ang kamay ko saka ikinalat sa likod niya iyon. Napahinga pa ako ng malalim nang lumapat na ang mga kamay ko sa malapad niyang likod at ikinalat doon ang oil sabay pisil.

Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy na lang ako. Hinagod ko ang buong likuran niya at malayang nagpadulas-dulas ang mga kamay ko sabay ng malakas na kalabog ng puso ko.

"Tell me about you..."

Napakunot ang noo ko. "Ano ba ang gusto mong malaman? Wala namang masyadong ganap sa buhay ko..."

"I wanted to know you. Your family perhaps..."

Napabuntonghininga ako. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang naging kuryoso sa buhay ko at pamilya ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang mag kuwento sa kanya. At bakit n'ya pa kailangang malaman?

"Si nanay, katulong din dati. Pero namatay siya nang, nagkasakit siya. Si tatay naman, nakakulong. Kaya ako na lang nagpapa-aral sa sarili ko..." salaysay ko.

"That must be hard for you. Kahit ngayon nga, hindi ko makalimutan ang nangyari sa mga magulang ko..." aniya at napatingin ako sa kanya kahit hindi ko kita ang mukha niya.

Secret ScentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon