Kabanata 18

604 21 4
                                    

Gumalaw si Alex sabay nang pagpasok ni Nay Lolit sa kwarto. Kasama niya si Joce, at may dalang pagkain.

"Honey!" tawag sa akin ni Joce sabay mabilis na lumapit. "Nahimatay ka na naman! Buntis ka ba?" Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya. E, alam naman niya kung bakit ako nahihimatay.

"How are you feeling?" ang lalaki sa tabi ko. Pa sa simple ko namang hinaklit ang kamay ko. Kumunot ang noo niya nang bahagya sa ginawa ko.

"Maayos na 'ko. Pasensiya na..."

"Honey, may bumalik ba ulit na mga alaala sa 'yo?" tanong ng matanda.

Alaala? Hindi ba panaginip lang lahat ng iyon?

Kahit hindi ako sigurado, tumango pa rin ako.

"Masaya ako dahil maari mo nang maalala ang dapat mong maalala. Pero nakakatakot din dahil kung saan saan ka na lang nawawalan ng malay. Ibayong pag-iingat, iha..."

Tumango ako. "Opo... Pasensiya na."

"Kung pakiramdam mo mahihimatay ka na, shout for help kaya? Para man lang marinig namin. Hindi iyong maabutan ka na lang naming nakabulagta riyan sa sahig..." litanya ni Joce.

"I called the doctor-"

"Huwag na, Alex. Ayos na 'ko. Pahinga lang kailangan dito..." putol ko sa kanya.

Napahinga siya ng malalim at tumango sabay tayo.

"Rest, then." he glanced at Joce. "...stay here and make sure she'll get the rest she needs."

"Yes, sir Alex!" sagot n'ya agad at naglakad na ang lalaki kasama ni Nay Lolit.

"Whoaa? Ano 'yon?! Binabantayan ng amo with pahawak kamay? Nagdududa na talaga ako sa inyong dalawa, e!" agad niyang sabi nang naiwan kami. Palakad lakad siya sa harap ako at animoy nag-iisip.

Umirap ako. "Masyadong ka lang observant. Wala lang 'yon..." pagkumbinsi ko sa kanya...o sarili ko.

Bakit ba kasi nandito siya at hawak niya pa ang kamay ko? Hindi naman yata sakop 'yon sa helper-boss relationship. Ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang puso kong nagwawala noong hawak n'ya ko sa kamay nang magising ako.

It felt very...familiar to me. But I couldn't seem to find why...it's familiar. Too much imagination perhaps? O masyadong abala ang isip ko sa mga nangyari sa amin kamakailan?

That kiss, it wasn't accidental. It's intentional. He's sudden confession that...I'm making him feel the things he felt for Jasmine. I'm not even her, not even trying to be her.

Bakit parang...pamilyar kami sa isa't isa?

"Observant 'yong showy pa holding hands n'yo? Sorry ha, nakita ko lang..." inirapan niya ako at naupo sa tabi ko. "Gusto ka no'n, pustahan pa."

I scoffed. As if naman.

"Pakiramdam n'ya kasi...kapag hawak niya ang kamay ko...parang si Jasmine raw ako," pagtatapat ko at nakuha ko naman doon ang atensyon niya.

"Ay, hindi kaya excited lang siya masyado dahil pauwi na 'yong Jasmine 'di ba? Bukas ata 'yong sabi ni Mic-" napatakip siya sa bibig niya.

"Bukas? Narito na siya bukas?" gulat kong tanong at alanganin siyang ngumiti sabay tango.

Hindi ko na pinansin pa kung bakit sinabi sa kanya ni Mico. Obvious namang may something sa kanila. Pero labis ang kaba sa dibdib ko sa nalaman at hindi ko alam kung bakit.

Ang daming katanungan sa utak ko at hindi ko alam saan ako magsisimulang maghanap. Una, paano'ng nabagok ako? Sino ang mga bata sa alaala ko. Ako ba 'yon? Sino naman 'yong lalaki? Kung sakaling...kung sakaling kami iyon ni Alex, bakit hindi naman pareho iyong bahay? O baka, bago na 'tong bahay nila?

Secret ScentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon