Chapter 6

480 19 0
                                    

Naglalakad ako sa hallway ng campus ng biglang magring ang phone ko. Tiningnan ko ito at tinaasan ng kilay. Napatawag si mommy, bakit kaya? "Yes, mom?"

"Hija come home early may lakad tayo." I groaned alam ko na kung saan kami papunta at ayoko sumama. Binilisan ko ang paglalakad papunta sa kotse namin. Damn. Dapat pagipunan ko na talaga ang sariling kotse. "Mom--"

"Hush!" Pagpapatigil sa akin ni mommy, "This is for your own good. Hindi naman namin kayo binibigla, just get to know each other. Kung may mahanap kayong iba sa gitna mg arrangement then it's fine. A little background check for here and there then it's fine. Just please...give it a chance. Siya lang pinagkakatiwalaan namin ng daddy mo." Napailing nalang ako. Tumango ang driver sa akin ngumiti lang ako ng tipid.

"Ma, it's not that. It's..." I shook my head, "Nevermind. I'm already in the car. What time are we going?"

"After you arrive." Then she ended the call. I sighed. This is an arranged marriage, a stupid arranged marriage. I'm just a third year college student and here I am about to meet my stupid husband to be. I bet that guy is a good for nothing, jerk.

"Andito na tayo miss Nicole." Tumango lang ako at nagpasalamat saka pumasok sa loob. Nagngingitngit ang loob ko pero wala akong magawa. Ayoko pa ikasal. I want my freedom. I don't want this! Then again, I promised my mom and dad I would try.

"Si mama?" Tanong ko sa mga katulong namin. Nginitian nila ako at tinuro ang taas, "Nasa taas po, naghahanda." Tumango ako at nagpasalamat.

Umakyat na ako sa kwarto ko only to see na may dress na doon na susuotin ko. I wear dresses pero di gaano may heels din. Di pa parang overdressed naman? Baka iexpect nila mahinhin at dalagang Pilipina ako? Holy crap. "Did you like the dress?" Mother asked me.

"Di ba parang sobra naman mommy? Makikipagkita lang tayo." Rason ko pero inilingan niya lang ako. Sabi ko nga di siya makikinig sa akin.

"Anong sobra? Kulang pa nga yan! Dapat maganda ka pag nagkita kayo." Saka niya ako sinimulang papagbihisin. Ang damit ay sleeveless na puti sa taas tapos blue yung parang palda niya. Tapos white na wedge at may blue rin na heels. Magwe-wedge nalang ako kaysa dun sa isa. Tsk.

"Sige na magbihis ka na at aalis na tayo in thirty. Thirty minutes lang." Saka siya lumabas ng kwarto ko. Napabuntong hininga ako at nagsimulang magbihis. Nang maisuot ko ang dress na ay nailang ako dahil napansin kong hanggang tuhod ko lang 'yon. Di ba 'to aangat kapag naglakad ako?

Naghanap ako ng shorts na susuotin ko sa ilalim nito. Saka ko sinuot ang puting wedge. Pumunta rin ako sa lagayan ng mga necklace ko at sinuot ko ang necklace na may black na heart na pendant. Yung blue ko na relo--na nag-iisang relo ko lang pala by the way. Ang bracelet ko ay yung silver bracelet na bigay sa akin ni daddy nung 14 years old pa lang ako.

Umupo ako sa vanity mirror ko saka nagsimulang maglagay ng make-up na konti. Naglagay ako ng foundation na cream pero nagiging parang powder lang din. Puting eyeshadow muna para pumantay at lumitaw ang brown na iaapply ko sunod. Saka ko nilagay yung brown na eyeshadow na medyo kinapalan ko. Naglagay ako ng blush on sa pisngi, sa ilong, sa noo at sa chin ko. I don't know why pero nakasanayan na rin at saka para mas pumuti pa ang mukha ko. Saka ako naglagay ng lipstick at tinapalan ito ng lipbalm. Ayan lang at tapos na ako saka ako bumaba na.

Pakiramdam ko, higante ako dahil 5'10 na ang height ko tapos nagtakong pa ako na sapatos. Nakangiti naman ang mga katulong namin nang makita ang itsura ko. Bihira ako magmake up kaya natutuwa sila. Nginitian ko lang sila at napailing. Nakita kong naguusap sina dad at mommy sa sala. Nakakunot ang noo ni daddy na para bang iritang-irita. Inaasar na naman siguro ni mommy. Bumuntong hininga ako na nakaagaw ng atensyon nila.

Heels and Sneakers ✅Kde žijí příběhy. Začni objevovat