Chapter 1

1K 25 0
                                    

Chapter 1

Ipinarada ko ang sasakyan ko sa tapat nilang dalawa. Binaba ko ang window at tinaasan ng kilay si Nathan, "Sasakay ka or what? I thought you needed my help?" agad naman niyang binuksan ang pinto sa likod pero bago pa siya pumasok ay sinamaan ko siya ng tingin, "I'm not your driver. Seat here." lumipat naman agad siya.

"Damn it, Nics. Meron ka ba ngayon? Ba't ang sungit mo?" naiiling na tanong niya.

"At talagang tinatanong mo ako niyan, Nathaniel Dela Cruz?"

"Okay fine, sabi ko nga pikon ka parin." aniya at may binulong pero di ko na pinansin.

"Saan ang meeting place natin?" tanong ko habang nakatigil kami dahil sa traffic. Pahapon pa lang kasi kaya't matraffic pa dito.

"Same place." tumango lang ako at nagsimula nang maniubrahin ang kotse namin.

"Okay fine!" biglang sigaw niya kaya't nagulat ako.

"What the hell, Nate? Ano bang problema mo?!" sigaw ko sa kanya. Lintek! Nakalimutan niya bang nagmamaneho ako at pwede naming ikamatay ng gagong ito ang panggugulat niya sa akin, "Alam kong may topak ka pero kuntrolin mo naman!" saad ko pa.

"I know you don't want to come with m--"

"Buti alam mo." putol ko sa kanya.

Sinamaan niya ako ng tingin, "Thank you for letting me finish my sentence." he replied sarcastically.

"You're welcome."

Hindi na siya nagsalita pagkatapos. Nadiskubre sigurong wala akong plano na kausapin siya ng matino.

Aba! Kasalanan niya naman ano! Kung hindi niya lang ako pinilit na bumalik at gawin ulit yun edi sana kahit papaano matino ako sa kanya.

You might be thinking na ang harsh ko sa kanya. Well, yes it's true that he is my fiancee pero the funny thing is ni isa sa mga kaibigan ko walang nakakaalam. Ang buong akala nila I'm still single. Well, I--no, we both act like one so parang single lang parin.

Di ko na rin maipapaliwanag kung paano kami napunta sa ganitong sitwasyon dahil kahit sa akin napakagulo ng arrangement namin.

Tinapunan ko ng tingin ang ngayon ay nakapikit na si Nathan, I tried loving him but I don't know why but I can't. I like him but not enough to make me fall for him. And I'm positive he feels the same.

"We're here." saka ako naunang bumaba.

Sweet? Hell no! I'm not that type of girl. I just don't show my affection towards people aside from my parents.

Parents. The word brought some longing feeling in my heart but I ignored it. Mula kasi nung nangyari itong arrangment na to di na kami ganun ka close ng parents ko. Hindi ako galit. Nagtatampo siguro, yeah.

"You're my fiancee, Nics. At least act like one." rinig kong saad ni Nathan. Nilingon ko siya and I feigned a gasp. "Why, dear husband this is my way of being a future wife." saka ko siya inirapan. Yes husband & wife ang tawag namin sa isa't isa. Pang-asar lang naman.

"Yan ba ang nadadala ng pagiging celibate sa'yo?" napatigil ako at pakiramdam ko nalunok ko ng buo ang dila ko.

"Ano?!" sigaw ko habang tumatawa siya, "Dear wife, you should have seen your face!"

Sinamaan ko siya ng tingin pero tawa parin siya nang tawa, "Bwisit." bulong ko at binilisan ang paglakad papasok sa building.

Pagdating ko sa elevator ay nginitian ako ng mga nakakaalala sa akin. Ngumiti lang ako ng tipid sa kanila. Akmang isasara ko na ang pinto ng elevator ng pumasok si Nate.

Heels and Sneakers ✅Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin