Chapter 30

299 10 0
                                    

Chapter 30


Nagising ako sa liwanag at puting kidame ang bumungad sa akin pagkagising na pagkagising ko. Sa ilang buwan na pagbabantay ko sa asawa ko ay alam na alam ko na ata ang bawal sulok at kisame ng isang ospital.

"Hey, mommy."

Napalingon ako sa nagsalita at nakitang ang mga kaibigan ko pala ay nandito kasama ang mga asawa nila.

"Pinakaba mo kami alam mo ba 'yon?" Sabi ni Tine.

Narealize ko naman kung bakit dahil sa oxygen na nasa ilong ko at ang pamilyar na heart rate monitor na nakakabit sa akin. Mukhang inatake ako kakapush nung manganak ako.

Speaking of, "Nasaan ang anak ko?"

Hindi ko lang siguro maiwasang mag-alalala lalo na nung iniluwal ko si Jacob ay sinabi nila sa akin na namatay ang anak ko. Gusto ko lamang makasiguro na walang nangyari sa pangalawa ko.

"Mommy, are you okay now?" Napalingon ako sa batang nasa tabi ko. Ngumiti ako dito at hinaplos ang ulo niya. "Yes, honey. Okay na si mommy. Were you scared?" Tumango naman ito.

Agad mamang kinarga ni Nigel ang pamangkin. Saka ko lang napansin na kumpleto pala sila dito. Una ko lamg nakita ang mga kaibigan ko siguro dahil matagal tagal na rin kaming hindi nagkakausap. 


"Ate Nicole!" nagulat naman ako ng makita ko ang bunsong kapatid nila Nate at Nigel. Matagal itong nawala sapagkat nag-aral sa ibang bansa. Siguro graduate na ito ng kolehiyo ngayon. 


"Nissy!" gulat na bati ko dito. Napakatagal na nung huli ko siyang nakita. "Balikbayan na balikbayan ah?" ngiti ko sa kaniya. 


"Oo nga ate eh," natawa pa siya at napakamot sa ulo. 

"Dito ka na ba magsistay?" tanong ko sa kaniya. Umiling naman ito. "Nakabase na rin kasi ang work ko doon sa America, ate. Ngayon lang talaga ako nakauwi kasi ngayon lang nagka-panahon sa dami ng aayusin sa company." malungkot itong ngumiti. 


"Hello po, mommy eto na si baby," sabay sabay kaming napalingon sa pinto ng makita ang nurse na may dala dalang bata. Biglang namasa ang mata ko. Inabot ng nurse ang baby sa akin. 


"Wala pa pong name ang baby, ano po ilalagay ko para kay baby dela Cruz?" tanong ng nurse sa akin. May hawak din siyang clipboard. 


"Poseidon Jakiro Perez Dela Cruz," saad ko. 


Kung ang mukha ni Jacobo ay tila pinaghalo na mukha namin ni Nate, si Jakiro naman ay makikita mo na kahit maliit pa lang kamukhang kamukha na ni Nate. Sana makuha niya ang mata ni Nate. Isa yon sa mga bagay na minahal ko kay Nate e. Pero kung hindi naman eh ayos lang din. 

Nate, you should see this. Kamukhang kamukha mo si Jakiro. Please wake up now. 


**


3 years later 


Halakhakan ang maririnig sa buong lugar. Nagkaroon kasi kami ng reunion dito sa bahay nila Francis Miguel at Camille. Dala namin ang mga anak namin at dala naman nila ang mga asawa nila. Napangiti ako ng mapait habang nakatingin sa kanila. 

Heels and Sneakers ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon