Chapter 12

457 17 0
                                    

Pakiramdam ko lalo lang akong nahilo. Mukhang nakita naman yun ni tita at inalalayan ako. Nakakunot ang noo niya. "Nicole, you don't look excited. Is everything okay?"

I have to lie. I have to. "I'm okay tita. I'm just...scared. This baby is a new responsibility. And I'm scared. And overwhelmed. And--"

Natawa si tita sa akin. "You see, my dear. Ganyan talaga ang mga new mommies. Kahit ako noong malaman kong buntis ako, I was scared. But I was ecstatic. And excited, too. Normal lang matakot. Sino ba naman ang may alam kung papaano maging mabuting mommy? Wala naman. Trial and error lahat. Pero kailangan mong isipin ang nakakabuti sa baby."

Tango lang ang naisagot ko sa sinabi niya. I didn't exactly lie. I am indeed...scared. Scared if I can be a good mommy and scared of his reaction. Napahawak ako sa sinapupunan ko and I chuckled. "Ang bilis namang makarating ng mga swimmers ni Nate." Pagbibiro ko.

Natawa nalang si tita sa akin at niyakap ako. "I'm really happy for you."

Napawi ang ngiti ko ng may maalala ko. "Tita..."

"Yes?"

"May sakit ako sa puso. Will it harm the baby?" Nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya naalala na may heart problem ako at I'm under medications.

"Bilang doktor, you know I can't advice you to stop drinking those meds because I know those meds helps you. But you have to think of your baby. As a mother, I'll advice you to stop those meds for a while." She looks conflicted.

"Nagpacheck ka ba ulit sa cardio mo?" Umiling ako. Hindi naman cardio ang nagcheck sa akin nung huling hinimatay ako dahil sa pagod eh. Family doctor nila Nate. Iba pa rin ang cardio.

"Do it and ask if it is safe to have a baby. Then we'll talk."

**

"Wife?"

Napatingin ako kay Nate. Di ko man lang namalayan na nandito na pala siya. Masama pa rin ang loob ko dahil nangako siyang walang papasok sa amin. Alam kong nagiging OA na ako pero konting kibot lang ni Danica and he'll go running to wherever she is?

Binalik ko ang tingin ko sa TV. Nasa isip ko pa rin ang baby na nasa sinapupunan ko ngayon. It feels...weird. And awkward. Pero nararamdaman ko na yung happiness na sinasabi ng mga new mommies. Siguro nga nagulat lang ako kanina.

"Nicole?"

"What?" Masungit kong tanong. Ah ewan. Naiinis ako sa kanya. Hindi niya ba mahalata yun? Grabe naman.

"I'm sorry," he sighed and sat beside me. "Tumawag bigla si Danica eh. Nagkaroon ng problema sa deals. She looks stressed kanina. And she sounds as if she's about to cry on the phone. Naawa ako so I had to leave."

Imbes na matuwa dahil nag-eexplain na siya sa akin parang mas umalsa lang ang dugo ko papunta sa ulo ko. Lalo akong nainis!

"Edi dun ka na. Save your pitiful damsel in distress." Saka ko siya tinalikuran. Pero bago pa man ako makalayo ay hinawakan niya na ako sa kamay para pigilan. Nilingon ko siya at nakita kong nakakunot ang noo niya.

"What is your problem?"

"Naiinis ako. Stop explaining kung gaano ka nakakaawa yang prinsesa mo. I don't need to hear it." Sasagot pa sana ito ng biglang mag-ring ang phone nito.

Sabay kaming napatingin sa cellphone niya na nagriring sa ibabaw ng coffee table. Kitang kita ko ang pangalan na nakasulat don at suddenly. Bigla akong nainis. What the fu ck?

Princess Danica ;)

Calling...

"'Princess Danica?' As far as I know, hindi pa naman siya nagpapalit ng pangalan, Nate. At wala siyang Princess sa pangalan niya." Nanggagalaiting saad ko.

I should not lose my cool. I. Must. Not. Lose. My. Cool.

"It's just an endearment, Nicole. Nothing else. Bakit mo ba ito ginagawang big deal? Are you jealous?" Biglang naging blanko ang mata nito. Pero alam kong hindi nito nagugustuhan ang actions ko. This was the Nate I knew. The man who is afraid of commitment. Ito ang ayaw ni Nate sa commitment. Yung may nag-na-nag dito. I promised I won't be like that but damn me. That was what I was doing at this very moment.

"No." Buti hindi pumiyok ang boses ko sa pagsisinungaling kong iyon.

This is funny. Nahulog na ang loob ko sa lalaking ilang taon ko nang kasama ng di ko namamalayan and now I'm losing my cool because of jealousy.

"You know I can't, Nicole. So please. Don't." Saka nito kinuha ang cellphone at sinagot at tawag. Bago pa siya makalayo narinig ko ang sinabi niya.

"Yes, princess?"

Nanatili akong tahimik hanggang sa narinig kong tumunog ang engine ng sasakyan niya. He spent almost the whole day outside at kakauwi lang nito pero isang tawag lang ni Danica ay kakaripas na agad ito ng takbo no matter how tired he is.

Pakiramdam ko nilalagari ang puso ki sa sakit. Nagseselos ako. And damn it, may karapatan naman ako, diba. Ako ang asawa pero why am I doing this to myself? Why am I letting this happen?

The old Nicole will kick their asses that's for sure. Pero nasaan ang Nicole na yun? Bakit napaltan ng martyr at umiiyak na Nicole?

Parang nawalan ako ng gana na sundan sila at mag-amok gaya ng ginagawa ko dati.

Ginagawa ko dati.

Dati pa lang pala talaga ay may nararamdaman na ako kay Nate. Hindi ko lang maamin sa sarili ko dahil akala ko gusto ko parin ang kaibigan namin noon. Hindi ko alam na napalitan na pala ng pilyong si Nate si Dilan sa puso ko. Matagal na. Kaya't hindi ako nakaramdam ng kung ano maliban sa tuwa dahil nakita ko ang isang kaibigan noong makita ko si Dilan. Walang kabog sa dibdib ko na nararamdaman ko dati. Walang foreign feelings. Just plain friendship.

Kaya pala lagi ko siyang sinusundan sundan at lagi kong inaaya ng suntukan ang mga nanlalandi sa kanya ay dahil nagseselos ako. Hindi ko lang talaga matanggap yun kaya hindi nag-sink in agad sa akin.

Napahawak ako sa dibdib ko. I should really calm down. Hindi ako pwedeng uminom ng gamot dahil makakasama yon sa baby kaya hindi rin ako pwedeng mastress.

"Sorry baby, magulo sina mommy at daddy." Sabi ko sabay hawak sa tyan kong impis pa. But I know he's there. My baby's there.

"I'm sorry..."

---------------

You see, kailangan kong bilisan ang timeline nitong story ni Nicole dahil may mas malalim pa syang problemang parating at doon iikot ang buong kwento. Sooo, I hope walang maguluhan. Toodles!

Heels and Sneakers ✅Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt