Author's note:
This is a fan fiction inspired by Slam Dunk which was written and illustrated by Takehiko Inoue.
I would like to thank and give all the credits to the owners of the images and videos I found across different media platforms.
♡ Send...
1st day of school. As usual, wala pang ginagawa. Makaakyat na nga lang sa rooftop, ang ingay ng classmates ko. Mga istorbo sa tulog. Kalahating oras pa lang siguro ang lumilipas nang may sumipa ng malakas sa likod ko. Mukhang mga goons. Hmmm. Apat sila, tingin ko kaya ko naman. Isa pa, ako si Kaede Rukawa. At walang sinuman ang pwedeng sumira sa tulog ko.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Isang malakas na tadyak agad sa sikmura ang pinakawalan ko. Malas na lang niya siya ang pinakamalapit sakin. Pinagtulungan ako pero mga bano naman pala ang apat na 'to. Napabagsak ko lahat kaya lang may tama yung ulo ko. Ang hirap pa naman matulog ng may benda sa ulo. Tsk. Pababa na sana ko ng may pumasok na namang grupo na mukhang mga gangster.
"Mag isa mong tinalo ang mga yan?!" "Sino ka ba?" tanong ng dalawang lalaki sa likod.
"Kaede Rukawa" seryoso kong sagot.
"Rukawa?!" nanlalaki ang mata na tanong ng kulay pula ang buhok.
Sino ba 'tong mga 'to? Kasama din kaya ng mga mukhang goons? Siguro. Pare-pareho lang naman sila ng hilatsa ng mukha.
Nagkatinginan na kami ng masama, siguradong gulo na naman 'to. Pero biglang bumukas ang pintuan ng rooftop at pumasok ang isang babae.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"Sakuragi!!!" sigaw niya.
Girlfriend siguro nung pula ang buhok. Ang pangit naman ng taste ng babaeng 'to. Maganda pa naman sana. Medyo nabigla din ako sa naisip ko dahil wala pa namang babaeng nakakakuha ng atensyon ko sa buong buhay ko. Nagulat ako nang lumapit siya sakin.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.