Chapter 36

126 6 2
                                    

Rukawa
Mapait na ngiti ang isinagot sakin ni Haruko bago magsalita. "Look, why does it matter? You left me first, remember?"

Tumayo siya at pinagpag ang buhangin na dumikit sa damit niya. Hindi ko na siya pinigilang umalis at pinanood na lamang siya habang naglalakad palayo.

Kung alam mo lang, Haruko..

FLASHBACK
Senior year, Interhigh Awarding Ceremony

Naipanalo ng Shohoku ang national championship sa pamumuno ko bilang team captain at dahil na din sa magagaling kong team mates. Matapos kong i-receive ang MVP award, kinausap ako ng aking coach sa national team.

"Kung gusto mong makapasok sa NBA, wag ka nang magsayang ng panahon dito at pumunta ka na ng Amerika." diretsa niyang sabi sakin.

"Pero coach.. gusto ko sanang tapusin muna ang high school sa Shohoku bago pumunta sa Amerika. At isa pa, meron pang Winter Tournament kaya kailangan pa ko ng team." sagot ko.

"Hindi mo na kailangang sumali sa Winter Tournament, Rukawa! Napatunayan mo nang ikaw ang pinakamalakas na high school basketball player sa Japan. Isang taon pa ang masasayang kung mananatili ka dito! Kung dito ka lang magsasanay, hindi na mag-iimprove ang skills mo dahil ikaw na ang pinakamagaling. Doon, mas malalaki at malalakas ang mga makakalaban mo. Kuntento ka na lang bang maging #1 dito sa Japan? Kung sa tingin mo ganun lang kadali makapasok sa NBA, pwes, nagkakamali ka. Napakaraming manlalaro sa buong mundo na gustong makasali pero iilan lang ang napipili. Pag-isipan mo ito, Rukawa." mahabang pangaral ng coach bago umalis.

Makalipas ang isang linggo, pinatawag niya ko sa kanyang office. Isang coach ng Sierra Canyon School sa California ang nakapanood ng game namin sa Interhigh at binibigyan ako ng offer para sumali sa basketball varsity team nila at maging starting member para sa nalalapit na High School Basketball National Championship sa US ngayong taon.

"Magandang training ito para sayo habang naghihintay kang maging eligible sa NBA draft. Gagawan daw niya ng paraan para makapasok ka bilang late enrollee kaya gusto niyang malaman ang desisyon mo sa lalong madaling panahon. Pag pinalampas mo ang opportunity na 'to, baka hindi na ito dumating ulit sayo kahit kailan." seryoso niyang sabi sa akin.

"Kelan po ba magsisimula ang classes doon, coach?" tanong ko sakanya.

"1st week of September. Kaya kailangan ko na ng sagot mo next week. Sige, mauna na ko sayo at meron pa kong appointment." pagpapaalam ni coach.

Nanginginig ang mga tuhod na napaupo ako sa isang silya. 1st week of September. Kulang-kulang isang buwan na lang. Gulong-gulo ang isip ko kaya hindi ko alam kung pano ako nakarating ng Shohoku. Umakyat ako sa dati kong tambayan sa rooftop para makapag-isip. Pagdating ko doon ay biglang dumilim ang langit at bumagsak ang malakas na ulan pero hindi ko ito inalintana. Naglakad ako palabas at pinikit ang aking mga mata habang dinadama ang malalamig na patak ng ulan na bumabagsak sa aking mukha.

 Naglakad ako palabas at pinikit ang aking mga mata habang dinadama ang malalamig na patak ng ulan na bumabagsak sa aking mukha

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
My Only OneWhere stories live. Discover now