Chapter 38

96 4 3
                                    

Haruko

"San ka galing?" napapitlag ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Sendoh. Nagdahan-dahan akong pumasok sa suite namin para hindi siya magising pero mukhang kanina pa siya naghihintay sakin.

"Ahm.. diyan lang sa labas, naglakad-lakad." Agad akong dumiretso sa bathroom para itago ang pamumugto ng mga mata ko. Naisipan kong mag-bubble bath muna para maiwasan si Sendoh na hindi niya mahahalata. Binuksan ko ang TV matapos kong punuin ng tubig ang bathtub. Wala sa sariling nag-browse ako ng mga palabas hanggang sa kusa akong huminto nang makita ko ang naka-flash na mukha sa TV screen. Kasalukuyang nasa news ang pagbabalik ng NBA Superstar na si Kaede Rukawa sa Japan.

Si Rukawa.. ang first love ko. Ang lalaking hanggang ngayon ay nagmamay-ari pa din ng puso ko.

Sendoh

Nanatili akong nakatulala sa pinto ng banyo kahit ilang minuto na ang lumipas mula nang isara ito ni Haruko. Punong-puno ngayon ng takot at pangamba ang puso ko.

Babalikan na ba niya si Rukawa? Tuluyan na bang mawawala sakin si Haruko?

FLASHBACK
Nasa college na ko pero nakasanayan ko nang bumalik sa paborito kong fishing spot malapit sa Ryonan High School. Isinukbit ko ang dala kong fishing rod at sandaling luminga sa paligid para maghanap ng pupwestuhan nang makuha ng isang babae ang atensyon ko. Kahit pa malayo siya sa kinatatayuan ko ay hindi ako maaaring magkamali kung sino ito.

 Kahit pa malayo siya sa kinatatayuan ko ay hindi ako maaaring magkamali kung sino ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Haruko!" pasigaw kong tawag sakanya pero mukhang hindi nya ko narinig. Excited akong tumakbo papunta sakanya pero laking gulat ko nang bigla na lang siyang natumba at nawalan ng malay.

Agad ko siyang binuhat at isinakay sa loob ng kotse ko at pinaharurot ang sasakyan hanggang makarating kami sa ospital

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Agad ko siyang binuhat at isinakay sa loob ng kotse ko at pinaharurot ang sasakyan hanggang makarating kami sa ospital. Pagdating doon ay inihiga ko siya sa isang bakanteng stretcher at tsaka humingi ng tulong sa mga nurses at doktor. Habang naghihintay ako sa labas ay walang humpay ang dasal ko na sana ay hindi malala ang lagay ni Haruko. Tinawagan ko si Akagi at makalipas ang halos kalahating oras ay dumating siya. Ilang sandali din silang nag-usap ng doktor na tumingin kay Haruko bago siya bumalik sa waiting area.

"Captain Akagi, kamusta si Haruko? Anong lagay niya?" agad kong tanong sakanya.

"Sa ngayon ay ino-observe pa nila ang kalagayan niya." sagot niya. "Ininform ko na din ang specialist sa Tokyo na tumitingin kay Haruko."

"Ibig bang sabihin, hindi first time na nangyari ito?" tanong ko sakanya habang kumakabog ang dibdib ko sa sobrang pag-aalala.

"Sendoh.. to be honest, this is the 3rd time that this happened." seryosong sagot sakin ni Akagi habang nakasubsob ang mukha sa mga palad niya. "Doon muna tayo sa labas. Ikukwento ko sayo kung anong nangyari." Tumango lang ako at sumunod sakanya palabas sa building ng ospital.

"Isang araw, tumawag sakin ang parents namin dahil sinugod nila sa ospital ang kapatid ko. Nakita daw siya ng isang teacher sa Shohoku na walang malay at nakahandusay sa bus stop. Kinausap ko si Haruko at pinagtapat niya sakin na 'yun ang araw na umalis si Rukawa dahil gusto daw nitong mag-training para sa NBA. Sabi ng parents namin, mula nun ay naging malungkutin at matamlay na si Haruko. Wala daw siya laging ganang kumain at lagi na lang nakakulong sa kanyang kwarto at naghihintay ng tawag ni Rukawa." mahabang paliwanag ni Akagi.

Naikuyom ko ng mahigpit ang aking mga palad habang nakikinig sakanya. Gustong-gusto kong lumpuhin si Rukawa sa mga oras na ito. Kusa akong lumayo at nagparaya pero basta na lang niya iniwan si Haruko na parang isang basura dahil mas mahal niya ang sarili niya at ang ambisyon niya.

"Walang dapat sisihin sa kondisyon ng kapatid ko." sabi ni Akagi na tila nababasa ang nasa isip ko. "Kelan lang namin na-comfirm ang sakit niya dahil naging mas madalas ang paglabas ng mga sintomas. Meron kaming family history ng Lupus at maraming bagay ang pwedeng mag-cause nito. Sa case ni Haruko, nagkataong na-trigger ito dahil ng stress sa pag-alis ni Rukawa."

"Pero magiging okay din si Haruko diba? Gagaling din siya?" tanong ko kay Akagi.

"Walang lunas ang sakit na ito, pero kayang i-manage ng gamot ang mga sintomas." sagot niya.

Inilihim pala ni Haruko ang mga nararamdaman niyang sintomas dahil alam niyang labis nang nag-aalala ang buong pamilya sakanya. Kung hindi pa dahil sa mga fainting incidents niya, hindi pa nila malalaman na nagpo-progress na ang sakit niya. Buong gabi ko siyang binantayan dahil kailangang bumalik ni Akagi sa Tokyo para sa kanyang midterm exams kinabukasan at pabalik pa lamang mula sa isang business trip sa Osaka ang parents nila.

Habang mahimbing na natutulog si Haruko, kinuha ko ang isang kamay niya at inilapat ito sa aking mukha. Napakalamig ng kanyang palad at tila mas lalo pa itong lumiit dahil sa laki ng kanyang ipinayat. Ngayon ko lang din napansin na iba ang itsura ni Haruko ngayon kumpara nung huli ko silang nakita ni Rukawa sa beach. Halos bumagsak ang katawan niya dahil sa sakit at lungkot na iniinda.

Marahan kong hinaplos ang humpak niyang mga pisngi. "Pangako, hinding-hindi kita iiwan, Haruko. So please.. hayaan mong alagaan kita. Marami kaming nagmamahal sayo at nananalangin na gumaling ka." Nanlulumo ako habang iniisip ko kung gaano kahirap at kalungkot ang mga nakalipas na buwan para kay Haruko. Walang anu-ano'y naramdaman ko ang malamig niyang mga daliri na pilit pinupunasan ang mga luha ko. Nanghihina man ay sinubukan niya pa ding bumangon. "Okay lang ako, Sendoh. Wag ka na mag-alala."

Mahigpit ko siyang niyakap na ikinagulat niya. "Sorry, Haruko.. I didn't know. Kung alam ko lang ang mga nangyari, sana hindi na lang ako lumayo."

Ilang sandaling nakatingin lang siya sakin bago nagsalita. "Iniwan na niya ko.. and this time, it's for good. Meron na siyang iba sa Amerika. Sobrang sakit, Sendoh. Hindi ko alam kung pano ako babangon sa araw-araw na dala ang sakit na nararamdaman ko ngayon." umiiyak na sabi ni Haruko.

"Everything will be better in time.. hindi mo mamamalayang unti-unti ding mawawala ang sakit na nararamdaman mo ngayon. For now, the pain may be unbearable. Pero kailangan mong maging malakas para sa mga taong nagmamahal sayo. Para sakin—saming mga kaibigan mo.. para sa family mo. For now, just focus on your health, okay? Kailangan mong tulungan ang sarili mo para lumakas ulit. Sasamahan kita hanggang sa gumaling ka, Haruko."

My Only OneWhere stories live. Discover now